Chapter 12

4K 128 2

NAGTAXI ako pauwi sa bahay dahil iniwanan ako ni Joshua.Wala akong ideya kung saan siya nagpunta lalo na't pag-uwi ko ay walang tao sa bahay.

Palakad-lakad ako sa may gate ng bahay. I check my phone almost every two minutes just in case he replied to my texts pero wala talaga. Sumalampak ako ng higa sa kwarto at tumingin sa oras.

11:47 PM

Nagalit kaya siya dahil sa sinabi ko? Napakasensitive pa naman niya when it comes to the hotels and underestimating his ability.

It's not because I went out with other guy,right?

Ughh! Ano iyon nagseselos siya? Hindi naman eh! Paano magseselos iyon?

Nakokonsensya talaga ako eh. Baka mapano siya nang dahil sa galit siya sa'kin.

Ugh! Mababaliw akong kakaisip sa kanya!

Tumayo ako at lumabas ng kwarto para hintayin siya sa labas subalit hindi pa ako nakababa ng hagdan nang pumasok si Joshua sa bahay.

Dali-dali akong tumakbo pabalik sa kwarto at dahan-dahan na sinara ang pinto at tumalon pahiga sa kama.

Ba't ba ako kinakabahan at natatakot na humarap sa kanya? Dapat nga masaya ako dahil buhay pa siya!

Napapikit ako sa aking mga mata when someone opened my door. Nakipagparamdaman ako sa taong pumasok which I'm sure is Joshua pero anong ginagawa niya?

I felt someone placed a blanket up to my shoulder. When I heard the door close, napaupo ako at tinignan ang kumot na nilagay niya sa akin.

Wala sa sarili akong napangiti. Maybe hindi siya galit sa'kin.It's probably all in my head.

When I woke up the next morning,nag-inat ako. Napatingin ako sa oras at malapit na pala mag 7! Hala! Baka magreklamo na naman iyon dahil bakit hindi pa ako nagluluto.

Naghilamos muna ako at inayos ang buhok bago lumabas ng kwarto. Sabay pa kaming lumabas ng kwarto ni Josh. Nakapang exercise ito na damit.

"Good morning!" Bati ko with matching smile pa.Hindi ko alam kung bakit ganito akong umakto ngayon. I don't even greet him...ngayon lang.

Tinignan lang niya ako bago naglakad pababa ng hagdan. Sinundan ko siya at palabas siya ng bahay.

"San ka?" Tanong ko.

"Jogging." He answered at nilagyan ng earphones ang tenga bago tuluyang lumabas ng bahay.

Jogging? Nage-exercise pala siya?

Pumunta ako ng kusina para mag-isip ng kung ano ang lulutuin. Siguro mas maganda kung iba na naman at hindi fried egg.

I decided to cook bacon, hotdog, fried rice at nag toast na rin ako ng bread. At pinagtimpla ko pa siya ng kape! Ngayon ko pa lang ata siya napaghandaan ng ganito.

Napaangat ang tingin ko nang may nag bukas ng fridge at pagtingin ko, si Joshua ito na umiinom ng tubig...pawis na pawis siya.

"Kain na tayo?" Anyaya ko sa kanya.

Hindi niya ako pinansin at naglakad lang palayo at paakyat sa hagdan. Hindi ba siya sasabay sa akin? Himala ayaw kumain!

I was about to eat nang naglakad palapit sa table si Joshua at umupo. Mukhang pinalitan lang niya ng tshirt ang suot niya kanina.

Napapasulyap ako kay Joshua because it is unusual for him to stay quiet.

Tumikhim ako,"Hindi ka ata nagmamadali ngayon?"

Beguile #2:Joshua De Gracia(DG Series)COMPLETEDBasahin ang storyang ito ng LIBRE!