Chapter 7

4.9K 149 1

HINDI kami nagpansinan ni Angel hanggang sa nakarating kami sa airport. Sinalubong kami ng aking kaibigan na personal pilot ni Drake.

"Hi,Rick! Okay na ba ang lahat?" Tanong ko sa binata.

"Oo naman!" Bumaling ako sa aking asawa na ngayon ay nakahalukipkip sa gilid ko.

"By the way, Angel, this is Rick. Siya ang pilot natin." Ngumiti lang si Angel kay Rick.

"Paano ba 'yan, let's go?" Pag-anyaya ko

"Okay!" Umunang maglakad sa'min si Rick at nakasunod lang kami sa kanya.

"Akala ko ba marunong kang magpalipad ng eroplano?"

"Pagod ako,eh. I don't want to risk our lives."

"Sinungaling"

"Hindi nga ako nagsisinungaling, sa susunod na mag travel tayo, ako pa ang pilot."

"Whatever." Mataray na saad nito noong nakaupo na ito at doon pa talaga sa pang-isahan! Kung ayaw niyang matabi sa'kin, problema na niya iyon.

Ni hindi nga ito nagtanong sa'kin kung saan kami pupunta, alam ba niyang sa Hawaii ang tungo namin? Naka-jacket pa naman ang babaeng ito, akala siguro niyang somewhere cold ang pupuntahan namin.

Pinikit ko ang aking mga mata nang magsimula nang mag take off ang eroplano.

Hindi ako makatulog kaya sinilip ko si Angel pero nakapikit na ang mga mata nito. Tumayo ako at tinungo ang fridge at kumuha ng pagkain doon.

Habang kumakain ako, napapatingin ako kay Angel at tulog nga ito. Kainis naman! Wala akong makausap.

Matapos kong kumain, bumalik uli ako ng higa sa pwesto ko at naglaro nalang sa phone ko.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal naglaro,napansin ko nalang si Angel na kumukuha ng pagkain sa fridge kaya in-off ko ang phone at tumagilid ng higa para mas makita si Angel.

"Mabuti at gising ka na. Wala kasi akong kausap." Paawa effect kong saad pero pinandilatan niya lang ako. Ba't ba parang palaging galit sa'kin ang mga tao?

Tumahimik nalang ako at hinayaan itong kumain.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong nito sa'kin

"Secret...hindi ko sasabihin" nakangisi kong sagot at bumuntong hininga lang ito bago bumalik sa pwesto niya at nagtalukbong uli.

Matutulog na naman siya?

"BA'T hindi mo sinabi sa'kin na sa Hawaii tayo e di sana nakahanda ako ng pang-swimming na suot!" Reklamo ko kay Josh pagkarating namin sa hotel room

"Bakit, nagtanong ka ba?"

"Loko! Oo! Tinanong kita noong nasa plane tayo! May pa secret-secret ka pang nalalaman!" Bumuntong hininga ito

"Iyon nga ang problema, sa eroplano ka na nagtanong kaya it's not my problem anymore." Ani nito at komportableng umupo sa sofa,"Okay,fine! May mga stores naman na pwede nating puntahan." Ani nito at pinapakalma ako,

Ako lang ata ang wala sa lugar dahil sa suot ko. Ang aming mga nasasalubong ay puro naka bikini at summer attires habang ako ay naka pantalon, tshirt at sneakers. Sinamaan ko ng tingin si Josh na halatang nag eenjoy sa nakikita niya dahil puro sexy na babae ang nandirito.

"Babalikan lang kita dito," bilin niya sa'kin bago lumabas sa boutique. Hindi ko na siya sinagot at namili nalang ako ng pwede kong maisusuot.

Beguile #2:Joshua De Gracia(DG Series)COMPLETEDBasahin ang storyang ito ng LIBRE!