Chapter 11

4.6K 147 3

MATAPOS kong maglinis sa buong kabahayan, naligo ako at nagbihis bago bumaba sa living room bitbit ang aking drawing materials mula sa aking kwarto.

Hmm...ano kaya ang magandang i draw?

You just had your first kiss.I shaked my head.No,hindi ko iyon dapat iniisip.Ginawa ko na ang lahat para hindi iyon maalala! I even woke up very early para ipagluto siya at para hindi kami magkita.

"Angel,calm yourself." Hinawakan ko ang aking dibdib na ngayon ay malakas ang tibok."Calm yourself."

Nadako ang tingin ko sa picture namin kasama si Elijah noong nandirito pa ito sa amin.

Alam ko na ang ido-draw ka para naman ma occupy iyong mind ko.

Kinuha ko ang frame at inilagay sa center table at nagsimula na akong mag focus sa aking ginagawa.

I proudly looked at my work nang matapos ko ito.Naka limang drawing ako para sa araw na ito at nakalimutan ko pang mag lunch.

Laking gulat ko nang makita ang labas ng kabahayan at madilim na pala! Tinignan ko ang oras at 6PM na.

Dali-dali akong nagsaing at isinabay na rin ang pagluto ng ulam dahil baka maabutan pa ako ni Joshua na wala pang naluto at mag reklamo na naman iyon.

Matapos ko sa aking iniluto, ibinalik ko ang frame sa kung saan ito nakalagay at ibinalik ko na rin ang aking sketch pad sa kwarto. Niligpit ko na rin ang aking kalat.

"Nasaan na ba iyon?" Hindi ako mapakali habang pabalik-balik ng lakad sa living room dahil malapit na mag 12 at wala pa rin si Joshua.Wala naman itong nasabi na uuwi siya ng matagal.

Napalabas ako sa bahay nang may nag doorbell. Pagbukas ko, isang di kilalalang lalaki ito.

"Magandang gabi ho,Maam!"

"Hello po! Ano po ang sadya niyo?"

"Iyong asawa niyo po," turo niya sa kanyang taxi at nasa backseat si Josh at natutulog!

"Ano po ba ang nangyari sa kanya?" Tanong ko at lumapit sa taxi at binuksan ang pinto. Agad kong naamoy ang alak. Ugh! Lasing siya.

"Dito ko raw po kasi siya ihahatid."

"Sige po,Manong. Babayaran kita,teka lang ho." Pumasok ako sa bahay at kumuha ng pambayad sa taxi. Nagpatulong na rin ako kay manong na ipasok si Josh sa kanyang kwarto dahil hjndi ko naman siya layang buhatin.

"Josh! Gumising ka!" Tinapik ko siya pero hindi ito gumising. "Josh!"

"Ano?" He mumbled. Medyo natigilan ako while I looked at him,with his eyes closed...down to his lips.

I shaked my head again. Kainis naman! Umayos nalang ako ng tayo at tumalikod.

"Saan ka ba galing? Anong oras na oh! Naglalasing ka pa. Sino ba ang kasama mo?Magbihis ka nga ang baho-baho ng suot mo!" Ani ko habang hindi tumitingin sa kanya.

"Angel naman eh! Gusto ko ng matulog.Ang ingay-ingay mo." Reklamo niya.

"Tignan mo nga 'to, ako na nga ang nagmamalasakit at ikaw pa 'tong galit." Ani ko habang nakatingin sa kanyang nakahiga sa kama.

"Eh di huwag kang nag malasakit! Pabayaan mo ako at huwag pakialaman."

"Sige walang pakialamanan! Lagot ka sa akin kung mag rereklamo kang wala akong malasakit sayo."

Nag martsa ako palabas ng kwarto niya nang may nag text.

Christian: Angel! Gala tayo bukas?

Agad akong nag tipa ng reply sa kanya.

Sige!:)

Papasok na sana ako sa kwarto nang maaalala kong ang baho-baho ni Joshua ng alak.

Beguile #2:Joshua De Gracia(DG Series)COMPLETEDBasahin ang storyang ito ng LIBRE!