Chapter 5

5.4K 158 0

NASA opisina ako at nag-iisip ng magandang ibigay bilang graduation gift kay Angel. Dalawang linggo ko itong hindi nakikita dahil busy ako sa kompanya at siya rin ay busy para sa final exam at graduation niya.

Tinawagan ako ng kanyang ama kanina at ipinaalam ang tungkol sa graduation niya.

Ano ba ang magandang ibigay sa kanya? Wala akong ka-alam alam tungkol sa mga gusto at hilig niya!Kung isa sa siya sa mga babae ko, kahit ano-ano lang siguro ang pwede kong ibigay pero anak siya ng mga Buenaventura at ayokong mapahiya sa mga ito!

I dialed Amor's number to ask for help at ilang ring ay sumagot ito.

"Josh? May problema ba?"

"Yes. Can you do me a favor?" Biglang natahimik ang kabilang linya

"It depends." I rolled my eyes

"Name your price."

"A new Chanel bag" napabuga ako ng hangin

"Fine!Ba't ba kapag ako ang humingi ng pabor sa'yo ay palaging may bayad?"

"Wala lang. Oh, ano ba ang kailangan mo?"Tumikhim muna ako

"Ano ba ang magandang ibigay sa babae na graduation gift?"

"Graduation ba ni ate Angel ngayon?"

"Yes." Saglit na natahimik ang kabilang linya

"Ano ba ang mga gusto niya?"

"That's the point! I don't know! Ikaw, babae ka di ba? Ano ba ang hihingin mo bilang graduation gift? Jewelries?"

"Kung ikaw magtatanong sa'kin, I might ask for a Lamborghini."Napasandal ako sa swivel chair.

"Please,Amor, help me."

"Kung tanungin mo nalang kaya siya sa personal?!"Medyo tumaas na ang boses ng pinsan ko

"I can't do that! Nasaan na ang essence ng surprise?"

"Ikaw ha, kailan ka pa namomoblema ng ibibigay na regalo?"Panunukso nito sa'kin

"I know what you are thinking,but no." I just need to please her. She's my key to Empire Group.

"Okay, how 'bout if you just give her a bouquet of roses then since mag-iisang bubong kayo, why not observe her sa kung ano ang hilig niya? And then give her a late graduation gift?" Napatango ako sa sinabi niya

"Not a bad idea.."

"Ako pa?I still want my Chanel bag though."

"Oo na, sige,ibababa ko na ang tawag."

"Don't forget a candle lit dinner!" Pahabol ni Amor

"Kailangan pa ba iyon?"

"Oo naman! Di ba nanonood ka ng mga romantic films? Dapat alam mo iyan! Tinatawag mo pa nga sarili mo na Mr. Romantiko, para kang baliw." Napasimangot ako sa sinabi ni Amor.

"Ginagawa lang naman nila ang mga bagay na iyon sa babaeng mahal nila." Mahina kong sabi

"Oh siya,Mr.Romantiko,bouquet nalang. Sige na, magsho-shopping pa ako." Pinatay nito ang tawag.Tinitigan ko ang aking phone.

Beguile #2:Joshua De Gracia(DG Series)COMPLETEDBasahin ang storyang ito ng LIBRE!