Chapter 2

7.3K 221 2

Two years later...

"WHY are we not the number 1 hotel nationwide again,Yumi?!" Sigaw ko sa aking sekretarya sabay hampas ng magazine sa mesa,"This has been going on for two years already!"

"S-sir," nangangapang sumagot ito,"I think doon po tayo nagkaproblema sa-"

"Bakit hindi inayos?! I want the general managers to report to me ASAP. Kahit saang sulok pa sila ng Pinas, I want them here!" Tumango naman ito,"Leave."

Umupo ako sa aking swivel chair nang lumabas ang aking sekretarya at hinilot ko ang aking sentido.

Darn!Nangangalawa na naman kami sa Empire!This is a disgrace to my family!

Napadilat ako sa aking mga mata nang biglang may pumasok sa opisina at pagtingin ko,si Drake pala ito.

"Ang aga-aga nakasimangot ka,ano bang problema mo?" Tanong nito at prente lang umupo sa sofa.

"Natalo na naman kami ng Empire.Ano ba ang ginagawa mo dito?"

Bumuntong hininga si Drake,"Ano naman ang nakakagulat doon? For years,ang Empire lang ang naging ka kompetinsya niyo,"Tinukod nito ang kanyang siko sa tuhod niya,"Bakit hindi mo nalang i-accept ang offer ni Mr.Buenaventura na ikasal sa kanyang anak?This might be his way of getting you to say yes to his proposal by beating you in the number 1 spot."

Nagtagis ang aking bagang sa kanyang sinabi.

"Are you insane? Why would I do that? It's been two years!"

"I know pero you still have a chance habang wala pang mapapangasawa ang kanyang anak and you,"turo nito sa'kin,"ikaw ang nasa kanyang top list na gusto niyang mapangasawa ng kanyang anak." Tumayo ito at nakapamulsa.

"If I were you,grab the chance already kung gusto mong maging number 1 sa industriyang ito,"ani niya.

"Parang ang dali lang gawin ang pagpangasawa no?"I sarcastically said. Nagkibit balikat naman ito.

"Madali lang naman. Look at Annika and I,happily married with our two kids." Sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

I have never seen him this happy.Although,hindi ako sangayon sa set-up nila noon,it still worked out between the two of them.

"And speaking of kids, aalis kami ni Annika next month para magbakasyon and gusto ko sanang sa'yo ko iwanan si Elijah.Just for four days."

"Sure!" Mabilis kong sagot. I'm very fond of that kid.Nakikita ko nga ang aking sarili sa kanya, gwapo at makulit. I can handle him well.

"Sige, mauna na ako. Susunduin ko pa ang aking mag-ina sa mall." Tumango lang ako.

Mabuti pa si Drake, masaya na sa kanyang buhay.

"Habang ako dito mag-iisip ng ibang paraan para matalo ang Empire." Bulong ko sa aking sarili.Never will I marry that woman.

NASA may garden ako ng school nang biglang sumulpot si Anji.

"Alam mo bang number 1 na naman uli ang kompanya niyo?" Nagkibit-balikat ako.

"Wala akong alam diyan."

"Ba't wala kang alam? Ikaw ang tagapagmana noon kaya dapat alam mo ang bagay na iyon."

"Alam mo naman na hindi kami nagkikibuan ni papa."

"Oo nga, pumayag ka na kasi." Umirap ako sa kawalan sa kanyang sinabi.

"I can't marry my bestfriend,Anji!" Medyo tumaas ang boses ko,"Para akong binubugaw ng mga magulang ko at sa bestfriend ko pa talaga?"

Beguile #2:Joshua De Gracia(DG Series)COMPLETEDBasahin ang storyang ito ng LIBRE!