Chapter 13

4.6K 127 2

NAPADPAD kami uli sa restaurant kung saan kami unang nagkita.

"Dito na naman?" I asked nang makaupo kami.

"Dito lang,may sentimental value kasi."

May lumapit sa amin na lalaki.I think manager ito ng restaurant.Siya ba ang kukuha ng order namin?

"Good afternoon Sir and Ma'am." Pagbati nito sa'min. Sinuklian ko lang siya ng ngiti.

"Ano na ang update,Ken?" Tanong ni Josh sa manager. Nangunot ang noo ko. Suki na ba siya dito para makilala niya ang manager?

"I already sent to your office the proposed project for the anniversary,Sir" Tumango lang si Josh.

"Okay,I'll look into it."

"Okay,Sir.Thank you." Ani ng manager sa'min bago umalis at lumapit na ang waiter sa'min.Si Josh ang nag order.

"Kaano-ano mo ang manager? Anong update? May partnership ba kayo?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya nang nakaalis na ang waiter.

"My staff."

"What staff?"

"He works for me."

"A-ano? Are you saying..." Hindi ko na kailangan pang i-continue ang aking sasabihin dahil siya na ang sumagot nito.

"It's mine.It's ours." Nanlaki ang mga mata ko.

"Since when? The first time we met, parang hindi naman ikaw ang owner.Pinalabas ka pa nga."

"Shh!Huwag mo na ipaalala pa!"Parang nairita niyang saad bago umayos ng upo,"Matagal-tagal na rin.Remember what I said nang pinapalabas ako?" Umiling ako. Matagal na kaya iyon! That was two years ago!

"Damn you,woman! May araw ka rin sa'kin at pati ang restaurant na 'to! Mark my words. Those are the exact words that I said. And then the next thing I knew,I already acquired the restaurant."

"Ako na ba ang susunod?" Natatawa kong sagot.

He played with his lips.Trying so hard for me not to notice his smile.

"Ayoko.Iyakin ka pa naman."

"Oh di ba? Mas maganda iyon para sa'yo para malaman mong nasaktan talaga ako."

Umiling ito,"Ayoko.Hindi naman masarap sa pakiramdam na makitang pinaiyak kita." Tumango ako.

"Very good,Joshua! Dapat talaga hindi mo ako pinapai-"

"Pero nagpapapansin ka talaga sa akin kanina."

"A-ano?! Anong papansin? Hindi ah!" Humalakhak si Josh. Darn!Why does it feel good to hear him laugh?

"Ano iyong palinis-linis mo sa living room? Hinawakan mo pa ang furniture.Kung nabasag mo iyon, papabayaran ko talaga sa'yo! At ano pa iyong nakikinig ka sa may pinto?"

"H-hindi ah! Alangan namang hintayin pa kitang matapos manood ng tv saka ako maglinis at huwag kang mag-alala! Babayaran ko iyon at iyong sa kwarto...uhm..." Ano ang sasabihin ko?!

Beguile #2:Joshua De Gracia(DG Series)COMPLETEDBasahin ang storyang ito ng LIBRE!