Chapter 36 - Fourth Case: Arson

Start from the beginning
                                    

"Wala pa ba 'yong mga bumbero?!"

"Tubig! Kumuha pa kayo ng maraming tubig!"

What came into my view wasn't my mother but our house being engulfed in fire.

"Mama! Mama!" sigaw ko at tumakbo ako papunta sa loob ng bahay namin.

Nasaan siya? Nasaan si Mama?

"Mama! Nasaan ka?! Mama!" I yelled as the smoke and fumes entered my nose and mouth. It felt like my insides were burning. I couldn't breathe anymore.

Mama . . . nasaan ka . . .

Napaupo na lang ako sa sahig at wala nang pumapasok na hangin sa katawan ko. It felt hot. I should've listened to her. I'm sorry . . . Mama . . .

"Why are you always hurting yourself?"

Even though I could only see his figure because my eyes were blurry, I knew who it was.

"H-hiro?" I called and he held my hand. The next thing I knew, he was already carrying me away from our house, and everything around me turned dark.

***


"Akemi? Akemi?"

"Nee-san . . ."

Dinilat ko ang mga mata ko dahil naririnig ko ang mga boses nila. Pagtingin ko ay nakapalibot sila sa akin at bigla na lang akong niyakap ni Akane at Riye. Doon ko na-realize na nasa loob na kami ni Miyu. Napatingin naman ako kay Hiro.

'Sorry. And thank you,' I said and I felt guilty for dragging him into my problem. Nag-nod lang siya sa akin at bumangon naman ako mula sa pagkakahiga.

Pagkalabas ko ay lumubog ang puso ko nang makita ko ang nasa harapan ko. Halos natupok ang buong bahay namin ng apoy. Sabi rin ni Riye ay walang na-report na namatay sa sunog kaya kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag. Ibig sabihin ay wala si Mama sa loob ng bahay.

But still, I heard her voice. Nasaan siya?

"Hey, hey, look at that!" sabay turo ni Ken sa bandang kanan at halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

"Oh my god, doon tayo galing 'di ba? Bakit nasusunog 'din 'yon?"

Mrs. Felicity Andres's house was already on fire.

Nagmadali kami papunta roon gamit si Miyu pero pagdating namin ay wala pa ang mga bumbero dahil nasa street pa namin sila at hindi sila makadaan nang mabilis dahil sa dami ng tao.

Nakita ko naman ang isang bata na umiiyak habang sumisigaw ng 'Mama!' kaya nilapitan ko siya at agad naman niyang hinawakan ang kamay ko.

"Ate, si Mama ko . . . si Mama ko nasa loob pa," he cried and we were all surprised to hear that.

M-may tao pa sa loob?! Wait, si Felicity Andres ba yung nasa loob? Teka, akala ko ba nasa trabaho siya, sabi ni Sir Hiroshi? But the fire was already spreading to the whole house. Kung may tao pa sa loob . . .

"Don't ever try that stunt again," biglang sabi ni Hiro habang nakahawak sa braso ko.

"P-pero—"

"They can do it."

"Huh?"

Saka ko naman napansin na biglang nagbuhos ng tubig sa sarili nila sina Riye at Reiji. Nagsuot din sila ng helmet at saka pumasok sa loob ng bahay.

"Don't worry, Akemi. Their sixth senses can help them," dagdag naman ni Akane pero bigla siyang napalingon sa kaliwa namin na para bang may narinig siyang kung ano.

"And besides, they are also strong," sabay ngiti ni Ken.

Wala naman akong nagawa kundi maghintay rito sa labas. Halos hindi na ako mapakali dahil alam kong nasa loob sina Riye at Reiji.

"They're coming out."

Napatingin ako ulit sa bahay nang sinabi 'yon ni Hiro at ilang segundo lang ang nakalipas ay biglang sumabog ang bandang pintuan at lumabas si Reiji habang nakasakay si Riye sa likuran niya at buhat naman niya ang isang babae. Napatakbo kami papunta sa kanila. Reiji gently lay the woman on the ground and she was bleeding.

"We're too late to save her," sabi ni Reiji.

"K-kamamatay niya lang noong pumasok kami sa loob. If . . . if we were just a bit early . . ."

"It's not our fault."

"Yes, hindi n'yo kasalanan." Napatingin kami kay Akane. "Nung pagkapasok n'yo kanina ay may narinig akong putok ng baril. Akala ko kung ano lang, pero mukhang sa siya ang target."

Napatingin ulit ako sa bangkay ni Mrs. Felicity Andres. May tama siya sa dibdib at nasunog din ang ilang parte ng katawan niya. It was horrible. Bakit kailangang barilin pa siya kahit na halos mamatay na siya sa loob ng nasusunog nilang bahay?

"Hindi kaya Shinigami ang may gawa nito?" mahinang tanong ko sa kanilang lima.

"No, this is not their work. Masyadong nakaka-attract ito ng attention," sabi ni Akane. She has a point.

"You mean, humdrum ang may gawa nito?"

"Yes. A humdrum with an evil intent," Reiji added.

"Well then, let start the investigation," sabi ni Ken at sinimulan na naming maghanap ng evidences.


***

Tantei High (Erityian Tribes, #1) | Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now