Kumurap ako. "Saan?"

"Sa bahay. Sasakay na ako ha?" Bumitaw siya sa braso ko at mabilis na sumakay sa passenger's seat ng kotse ko.

Kunot noong umupo ako sa likod ng manibela. Nakabit na ni Kira ang seatbelt niya. Maaliwalas ang mukha niya at nang sulyapan ako matamis pang ngumiti. Medyo gumaan ang pakiramdam ko. Unti-unting nawawala sa isip ko ang video na napanood na yata ng lahat ng taong nakakakilala sa akin. Maliban yata kay Kira.

"Paandarin mo na. Baka ma-late tayo."

Bumuntong hininga ako at napangiti. At kahit hindi ko pa alam kung bakit bigla siyang nagpasama sa bahay nila, pinaandar ko pa rin ang sasakyan palabas ng Richdale University.

BIRTHDAY DINNER pala ng Daddy ni Kira. Sinabi niya sa akin nakapasok na kami sa loob ng bahay nila. Hindi na tuloy ako makaatras kahit na-caught off guard ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin.

"Hindi ako nakapagdala ng regalo," bulong ko kay Kira.

Ngumiti siya. "Nakabili na tayo nung Monday, remember? Huwag ka ma-pressure ha? Pero gusto ka lang kasi makilala ni Daddy. Alam kasi niya na ikaw ang kasa-kasama ko sa school. Walang ibang meaning 'to, promise."

Napatitig ako sa mukha niya. "I wish there is a deeper meaning though."

Natigilan siya, namula ang mukha at tumikhim. Napangiti ako. Nagiging sensitive na talaga siya sa feelings ko. Mabuti naman.

Pormal niya akong pinakilala sa Daddy niya. Her father is a fleshy man with a kind and happy expression. Imbes na makipag-shake hands sa akin niyakap niya ako at tinapik sa balikat. "I'm happy to finally meet you in person, Eugine. Thank you for befriending my daughter," sabi pa niya nang kumalas sa pagkakayakap sa akin.

Medyo na-o-overwhelm ako sa sincerity ng pasasalamat niya. Hindi ko tuloy alam kung paano mag-re-react. Tumikhim ako. "Ako ho dapat ang nagpapasalamat, sir. Ako ang mas thankful na nakilala ko siya. She has been a great influence to me." Nilingon ko si Kira na manghang nakatitig sa akin. Nginitian ko siya. "She's changing the way I see things. She's changing my life."

May dumaang emosyon sa mga mata ni Kira at tipid na ngumiti. Ibinalik ko ang tingin sa Daddy niya na nakangiti at may affection ang tingin sa akin. Never pa ako tiningnan ng Papa ko ng ganoon.

Mayamaya tinawag na kami ng Mommy ni Kira para kumain. Pang limang tao lang ang lamesa nila kaya magkakalapit kami habang kumakain. Maraming niluto ang Mommy niya at nag-bake pa ng cake. Kumanta muna kami ng happy birthday song para sa Daddy niya na masayang tumatawa hanggang hipan ang kandilang nakatusok sa cake.

Madaldal ang pamilya De Dios. Ang dami nilang kwento sa isa't isa habang kumakain. They all talk and look at each other with love and affection. Narealize ko habang napapagitnaan nila ako na ito ang pakiramdam ng isang pamilya. Masaya ako na kasama nila ako. Pero may isang part ko rin ang parang gustong tumayo at umalis. Kasi naiinggit ako at nalulungkot. Kasi hindi ganitong family life ang kinalakihan ko.

After ng dinner magalang na akong nagpaalam. Niyakap na naman ako ng Daddy at Mommy ni Kira at binilinan na mag-ingat sa pagmamaneho. Binaunan pa ako ng pagkain para raw kung magutom ako paguwi ko may makakain pa ako. At nagpasalamat na naman sila sa akin kasi mabait at tolerant daw ako sa anak nila. At na pwede raw akong magpunta doon kahit kailan ko gusto. Welcome na welcome raw ako. Ngiti lang ang naging sagot ko. Hindi kasi ako makapagsalita kasi parang may nakabara sa lalamunan ko at parang ang hapdi ng mga mata ko.

Hinatid ako ni Kira hanggang sa kotse ko. Hindi kami nagsasalita pero aware ako na pasulyap-sulyap siya sa akin. Nasa tabi na ako ng pinto ng driver's seat nang harapin ko siya. Ngumiti ako. "Thank you for inviting me. Nakakatuwa ang parents mo."

Tinitigan niya ako. "Nag-enjoy ka ba?"

Tumango ako.

"Naging masaya ka ba?"

Lumawak ang ngiti ko. "Yes."

Matamis at satisfied na ngumiti si Kira. "That's great! Good night, Gin." Saka siya tumalikod at naglakad pabalik sa bahay nila.

It took me a moment to realize something. Alam niya ang tungkol sa video. And that she must have invited me tonight to make me feel better.

Napatakbo ako pasunod sa kaniya. Bago siya makarating sa pinto ng bahay nila nahawakan ko na siya sa braso at napihit paharap sa akin. Niyakap ko siya. I heard her gasp in surprise. Sandaling isinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya. I inhaled her deeply, trying to get some of her positivity and energy to get me through our family crisis.

"Gin?" mahinang tawag niya sa akin.

Humigpit ang yakap ko sa kaniya at bumulong sa tainga niya. "Thank you, Kira." Saka ko siya pinakawalan. Mukhang disoriented siya nang tumingin sa akin. Nginitian ko siya, pinisil ang baba niya at saka ako tumalikod at naglakad papunta sa kotse ko. Then I went home.

LOST STARSWhere stories live. Discover now