3rd: Shyness attack!

Magsimula sa umpisa
                                    

Nakasuot na kasi ako ng malaking t-shirt! Naka-underwear parin naman ako kaso bakit masakit ang ANO ko, at may blood stains sa kama!

"Ano ba talaga ang nangyari? Did I lose my virginity already? My gosh! Dapat naman memorable ang first time ko! Bakit wala akong matandaan? Anong ginawa sakin ni Inigo? Bakit nagbago suot ko? Ano—" Naputol ang sinasabi ko ng may marinig akong tumikhim sa likod ko. Paglingon ko, I saw my boss there, half smiling, and gorgeously walking towards me.

"How's your sleep Lianne?" nakangiting tanong nito.

Tiningnan ko lang ito at parang may nakabikig sa lalamunan ko kaya di ako makasagot.

Natawa naman ito sa reaction ko at dahan-dahang lumapit sa kinatatayuan ko.

I say glint of amusement in his eyes.

Papalapit na ito ng papalapit at tila walang balak huminto.

Napaatras tuloy ako at tila nanlalambot ang tuhod na biglang napaupo ulit sa kama.

"Why? Are you afraid of me? Ngayon pa ba?" nakangiting sabi nito.

"W-wait. A-anong p-pinagsasasabi mo Sir?"

"Wala ka bang matandaan?" Patuloy na paglapit nito.

"H-ha?"

Tinitigan niya akong mabuti kaya lalo akong nailang.

Hindi ko na kaya to! Iiyak na talaga ako!

"Ano ba? Sir!!" nakapikit na sigaw ko dahil natetense na talaga ako dito.

Napadilat lang ako ng marinig ko ang malakas na pagtawa nito.

"Ano sa palagay mo ang nakakatawa?" Dirediretsong tanong ko dito without thinking na Boss ko ang kausap ko.

"It's you." anito, saka tila pinipigilan ang muling pagtawa.

Napatitig tuloy ako sa mukha nito. He looked so happy. He's eyes were shining which made him more handsome.

'...OMG, kinikilig ako!!! Akin ka nalang Inigo please!' I silently whispered.

"Kuya, eto na yung napkin na pinabili mo." biglang may nagsalita sa likod nito kaya napukaw ang atensyon namin pareho.

"Thank you Lily. Just wait for us outside. She will just fix herself." sagot nito.

Nagtatakang napatingin ako sa mga ito at sa napkin na hawak ng tinawag nitong 'Lily' na ngayon ay hawak na ni Inigo.

Nginitian naman ako ng babae saka sinara na ang pinto ng kwarto.

Bumalik ang tingin ko kay Inigo at sa hawak nito.

"Aanhin mo yan?" Inosenteng tanong ko saka lang narealize kung anong katangahan ang sinabi ko. I felt my cheeks became red.

Namula tuloy ako lalo dahil sa malakas ulit na pagtawa ni Inigo.

"Oh Lianne, you really know how to make me laugh!"

I was stunned. Ilang segundo din akong napatitig sakanya. Gravity! Ngayon ko lang siya nakitang tumawa ng ganito. Ang sarap tuloy nitong titigan habang tumatawa at masyado na yata itong gwapo sa paningin ko ngayon.

'Wait Gab. You need to regain yourself! Stop looking at him! Or else' I whispered to myself.

See? I'm now talking to myself. I'm getting crazier each day because of him!

"It's not healthy na talaga." napalakas na bulong ko na hindi nakaligts sa pandinig nito.

"Ang alin Lianne?"anito, na di parin nawawala ang ngiti sa katakam-takam na mga labi nito.

I'm inLUST with my BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon