BM39- Over thinking

20.5K 712 40
                                    

Chapter 39

Sebastian POV

Hindi parin mawala sa isipan ko si Jeisen. Nababaliw na ata ako. Lagi ko nalang siya naiisip. Hindi naman ako ganito dati kay Lin.

Hinawakan ko ang kamay ko. Hindi ko mapigilang mapangiti. Naalala ko na naman ang paghawak ko sa kanya.

Oh Jeisen ko.

"Dude, baliw kana. Nung nakaraan kapang lutang. Ngayon naman napapangiti kang mag isa." Bulong sa akin ni Mike.

Kanina pa nag umpisa ang klase namin sa Math. Pinalitan na kasi si Sir RB dahil sa issue na nalaman namin tungkol sa kanya. Kaya pala napaka giliw nun sa mga babae. May kalokohan palang pinag gagawa.

"Ewan ko ba dude. Hindi na talaga siya napagod kakatakbo sa isipan ko."

"Sino? Si Jeisen?"

"Oo..."

Napailing naman ito.

"Delikado tayo d'yan dude. Siya na nga lagi mong bukang bibig. Baka hindi mo napapansin na unti unti ka ng nahuhulog sa kanya. "

Nahuhulog na ba ako sa kanya? Hindi ko alam. Siya kasi 'yong tipo ng babae na kapag nakasama mo, hindi mo agad makakalimutan. Tipong hindi ka magsasawang kausapin at kulitin. Kahit minsan wala itong imik at hindi nagrereply sa mga text ko. Maliban lang dun sa nag-iisa niyang 'K'.

"Alam mo 'yong, para siyang kumunoy. Imbes na makaalis ako kapag gumalaw ako, ako pa mismo ang nahihigop nito ng husto."

"Naks dude. Iba na talaga 'yong may pinaghuhugutan 'no? Hahaha" Natatawang sabi niya sa akin sabay suntok sa balikat ko.

"Alright, so we will just start our new lesson by next meeting" Napapitlag kami ni Mike ng biglang magsalita ang bagong professor namin. Sa palagay ko nasa kwarenta na ang edad. Mukhang may pagka strikta pero malumanay mag salita. "Pero bago muna kayo makaalis, I want you to pass your assignment."

Nagtaka naman agad kami. Anong assingment naman ang pinagsasbi nito? Ngayon lang kaya ito pumasok sa klase namin.

"Ma'am, ano pong assignment ang tinutukoy ninyo? Eh ngayon lang po kayo pumasok. High pa po ata kayo eh. Tigilan na po ninyo ang pag du-drugs ma'am."

Nagtawanan naman ang mga kaklase ko sa sinabi ni Mike. Si Kyle naman sa tabi pa iling iling lang pero natatawa na rin. Tinapunan ko naman siya ng bolang papel.

"Gago! Hahahaha"

"SILENCIO POR PABOR!" Tumahimik naman kami dahil sa ang lakas pala ng boses nito. At sa itsura niya ngayon, mukhang galit na ito. "Mga walang modo. Jusko!"

"Eh ma'am, ano po kasing assignment ang sinasabi ninyo. Wala naman na si Sir RB. At ngayon lang kayo pumasok." Tanong ko naman.

"Alam ko mga hijo at hija." Sagot naman nito ng nakapa meywang pa sa amin. Pero mahinahon na uli ito ngayon magsalita. "Hindi porke't tapos na ang pagtuturo ng dati ninyong guro ay tapos na rin ang mga nakabinbin na gawain ninyo."

Bigla kong naalala. May assignement palang iniwan sa amin si Sir RB. Tinuruan pa nga ako nun ni Jeisen sa may cottage eh.

"Ngayon... " Pagpapatuloy niya pa. "Ang kung sino man ang hindi nakalimot sa gawain nila at nakagawa ng takdang aralin ay perfect na sa kanilang AQR. Ang poproblemahin niyo nalang ay ang exam niyo."

Bigla naman akong napatawa. Kapag siniswerte ka nga naman oh. Hulog talaga ng langit itong si Jeisen ko.

"Dude! Siraulo ka dude. Ba't ka nalang tumatawa diyan. May assignment ka ba?"

BMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon