DAY 1

10.7K 232 8
                                    

August 8. Monday

I met a girl who likes looking up at the stars. Gabi na 'non at akala ko ako na lang ang tao sa buong campus ng Richdale University. I was at the Alumni Association office, trying to finish the final draft of our calendar of activities for the new school year.

First day ng new semester. Medyo may adjustment na kailangan gawin kasi this year August na ang start ng school year sa Richdale.

Hindi ko napansin na alas nuwebe na pala ng gabi. Kung isa pa rin akong undergraduate student, siguradong nasaway na ako ng guard na nagpa-patrol sa campus at kanina pa pinauwi. But everything is different now.

Sobrang tahimik nang lumabas ako ng school building. Naglalakad ako papunta sa parking lot kung nasaan ang kotse ko nang makita ko siya sa gitna ng quadrangle. Nakatayo at nakatingala siya sa langit. She was not moving an inch so at first I thought I saw a ghost. Kasi sinong estudyante ang gagabihin ng ganon sa campus? Sino ang tatayo lang doon at titingala sa langit?

Pero habang palapit ako sa kinatatayuan niya, lalo kong nasisiguro na hindi siya multo. She's alive. I know because I saw the rise and fall of her chest as she breathes. Lilihis na sana ako ng daan para makaiwas sa kaniya nang bigla siyang lumingon sa akin. Napahinto ako sa paglalakad. Suddenly hindi ko alam kung ano ang gagawin.

Our eyes met. And I realized she was crying.

LOST STARSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon