Pero may iba. May iba sa mga ekspresyon ng mata nila. Hindi ko matukoy pero parang malungkot sila na natatabunan ng kaseryosohan.

Ano ba ang nangyayare?

Nailapat ang tingin ko kay Dark na ganun din ang ekspresyon maliban lamang sa lungkot. Wala akong mabasa na kahit na ano. Kahit na mautot ay hindi ko mabasa.

Ang itim na itim nitong mga mata ay walang buhay na nakatitig sa akin. Nasa magkabilang bulsa ang mga kamay nito.

Humakbang ako papalapit sa kanya, "Dark..." napahinto ako ng humakbang ito paatras.

Napakunot ako ng noo. Bakit?

"I am here just to say..." nabitin sa ere ang sasabihin nito at nakatitig sa akin ng mariin. "to stop this nonsense thing,"

Hindi ko maintindihan.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Marahas na rin ang pagbuga ko ng hangin. "This is fake. The marriage. All of this is a fake. To sum it all I used you because of one reason."

Hindi ko na alam. Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa parang talon na bumuhos ang luha ko. Para akong tinarak ng punyal. Libong punyal sa aking dibdib.

"You're not dumb to know at is it, right?" sa buong durasyon ng pagsasalita niya ay ang alam ko lang ay sakit. Masakit na siya mismo ang nagsabi ng mga salitang hindi ko gustong marinig.

Ginamit.

He used me.

He fvcking use me for his fvcking revenge!

Wala sa sariling napakuyom ako ng kamao.

Umiling ako.

Umiling ako ng ilang beses. Hindi yan totoo!

"Tama na!!" sigaw ko. Nasa magkabilang tenga ang mga palad. Nakapikit.

Ayoko ko na siyang marinig.

"Aileen, makinig ka," mabilis akong umiling.

"Hindi! Nagsisinungaling ka lang!" sigaw ko pa.

Puno na ng hinanakit ang puso ko. Sumisikip ito sa lahat ng sasabihin niya.

Tagos-tagusan ba.

Parang papel lang na tinusok ng matalim na bagay at napunit.

"This is just a part of my game, Aileen." nararamdaman kong papalapit ito sa akin. "a chess game, where's the King is the most important. And I am that. And you are just one part of my chess pieces, and..." tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. "thank you for you body, I enjoy it." nanlaking mga mata, lumapat ang palad ko sa pisngi niya.

Umalingawngaw naman ito sa buong paligid. Ang kaninang sakit ay napalitan ng galit. Galit at pagkamuhi.

Humarap itong nakatiim-bagang. Nakahawak na ngayon sa sinampal na pisngi.

"Walanghiya ka..." puno ng galit na bulalas ko.

Sa wakas, nagawa ko na ring makapagsalita. Dahil sa galit ay nagawa kong magsalita.

Pero sa lahat ng nasa isip ko. Yun lamang ang lumabas sa aking bibig.

Nakangisi itong humarap sa akin. Yung ngising, nakakapanlaglag panty parin. Shit, Aileen, may gana kapang pagnasahan ang lalaking nanakit sayo.

Nakakapagtaka lang. Kung nandito lang siya para sabihin sa akin ang lahat na ito hindi ba at nakabulagta na siya bungad pa lang ng mansyon. At kasa-kasama pa niya si Vianno na ngayon ay nakaupo lang sa malaking kulay gintong sofa habang naiinganyo nakatingin sa amin. At ang hudyo ay may hawak pang tasa ng kape.

MAFIA 3: DARK The Mafia Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon