26: Break (Part 2)

Start from the beginning
                                    

Nakasimangot akong pumasok sa fitting room at nagbihis. Ano ba to? Yellow sleeveless top and floral ang palda? Hindi pa naman summer ah? Pero sinuot ko nalang siya at napapatingin din ako sa sarili ko sa salamin.





Matagal na akong hindi nag susuot ng mga ganitong bagay. Hindi na kasi ako pumupunta sa mga party and such events kundi manigas lang sa kwarto. Kung lalabas man lang ako, pants talaga sinusuot ko. Like I would wear like this na kasama si Nathan!!





Pero pag dating kay Mamu.... /groans/ Nevermind!!





Lumabas na ako sa fitting room na nakasimangot parin ang mukha ko. Nakanganga tuloy ang girls at may ilan din sa mga lalaki nakatingin sa akin which is super uncomfortable.





"Magbibihis na ako. Nakakahiya na. Ang daming nakatingin sa akin!"


"OMG!!" -Raven


"You totally look beautiful!!" -Denise


"Speechless...." -Kailey/Yvonne





Dumating na sila Lena at Cassie na napanganga rin nang dahil sa akin. Sampalin ko kaya isa-isa ang mga babaeng to?!





"Oh my God, Nicole. Is that you? ANG GANDAA!?" -Lena


"Ayy hindi. Ako si xyla!!"


"Whoa. Wala na akong masabi." -Cassie


"Edi wag ka nang magsasalita."


"Seriously, you looked....stunning in that outfit! Best OOTD na yan!! Tara. Let's buy that for you na!" -Yvonne


"I'm not gonna pay for this."


"No worries. We'll do. Susuotin mo ha!! Kung hindi, mananagot ka sa amin!! At kailangan makita namin!!" -Raven





Gusto ko sana makipag argue pero nakakahiya na kasi, madami nang nakatingin sa amin!! Mas lalo na yung mga lalaki kanina pa nakasunod sa amin especially.... Brian....





Ayst! Nicole. Don't even think about him! Pero nabigla ulit ako na binabatukan na ni Nathan isa-isa sila Mark. Makatitig din kasi wagas!!





However, one thing na kinaiinisan ko pa. Yung mga lalaki na students from Venetian Academy. Kanina ko pa yan sila napapansin.





Pumasok ako ulit sa fitting room at nagpalit na ng uniform pagkatapos, binili na ni Yvonne yung damit at binigay sa akin yung bag. Sinimangutan ko naman siya pero dinalaan lang niya ako. ARGH!!





Pagkatapos na namin nakapagshopping ng mga damit, sa mga accessories kami napadpad.





"I like this set. I'll buy this!!" -Cassie





Habang nabusy ulit sila, parang hindi na enjoy sa mga accessories si Lena. Nilapitan ko naman siya at sabay tinitigan ang mga dreamcatcher keychains.





"Gusto mo ng dreamcatcher?"


"Hmm? Ahh~ Hindi naman." -Lena


"Kanina ka pa nakatitig diyan eh. Are you not gonna buy that? They drives away bad dreams."


"Sa bagay, I've been having nightmates lately, but I don't think I'm gonna need it. Tara na nga! Puntahan na natin ang iba. Baka magkahiwalay pa tayo." - Lena





Behind Her ColdnessWhere stories live. Discover now