BM32 - Code

22.4K 680 70
                                    

Chapter 32

Sharmina POV

Ilan oras na ang hindi pa rin sumusulpot sa 'min si Jeisen. Kanina pa namin siya tinatawagan pero hindi niya sinasagot. Masama pa naman raw ang pakiramdam niya.

Naku! Baka napano na 'yon!

Hindi pa nga siya mapakali kanina. Parang may bumabagabag sa kanya. Pero kung tatanungin mo naman--- okey lang daw siya.

Hindi naman kasi namin siya makitaan ng emosyon minsan. Alam niyo na poker face si flower girl.

Una palang kilala ko sa kanya ay ang tahimik nito. Madalas stiff.

Nakikisabay naman siya sa kakuletan namin ni Aicel pero ang korne ng mga jokes niya.

Yong klase ng joke na kailangan mo pang e explain para ma gets. Tapos minsan 'di mo alam nag jo-joke na pala ito.

Oh my goodness talaga.

Kinain ko muna ang paborito kong avocado ice cream. Masyado akong nag alala kay flower girl Jeisen ngayon.

Asan na nga kaya 'yon?

Pumikit ako para maramdaman ang lamig at sarap nito sa lalamunan ko. Ganito ang mga gusto kong pagkain.

Malapot at basa.

Dinidilaan ko ito ng nakapikit.

Grabe feels masyado 'to!

"Omeegee Shasha girl!" Sita sa akin ni Aicel. "You are so nakaka na naman eating your avocado ice cream."

Kinurot ko siya sa gilid dahil sinasaway na naman niya ako sa pag kain. Kunyari pa ito. Ganyan din naman siya kumain eh.

Mas malaki pa nga ang subo niya.

Magaling ata akong magturo kumain.

With feels talaga. Hihihi

Masaya ako ngayon kasi nadagdagan na naman ang kaibigan ko. Dati kasi kami lang dalawa ni Aicel. Nang dumating si Jeisen namin ay dumami ito.

Siya ang swerte namin.

Kahit minsan ang cold niya pero napaka buti naman ng puso niya. Nahahawa na nga kami eh. Nakakahawa nga pala talaga 'yon.

Ngayon may bagong recruit na naman kami.

Si Donna na iyakin.

Tuturuan ko rin ito ng mga techniques sa mga tamang pag subo ng mga malalaki at matambok na pagkain. I'm sure mag eenjoy siya sa mga matutunan niya sa akin. Hihihi

Bonding na talaga namin ang kumain. Mabuti nalang at mahilig mag luto si Ate Jaud. May supply na kami ng food. Dinalhan pa niya kami ng Lumpia kanina.

Medyo mahaba at mataba nga 'yon.

Feels ko nga ito kainin.

Na aaply ko 'yong mga techniques ko sa pagsubo.

Speaking of Ate Jaud.

Hindi ko na alam asan na siya. Wala na naman akong kakuletan.

Napaka opposite nila ng kapatid niyang si Jeisen. Pero kita kong mahal nila ang isa't isa.

Pero ang feels ko talaga may inililihim sa amin ang dalawa. Bigla nalang kasi silang sumulpot dito at sa ikli ng panahon marami ng ganap.

Lalo na 'yong mga scene kanina sa canteen tapos 'yong mala dragong pagsugod ni Eanela.

Nakakaloka.

Tiningnan ko naman si Donna na dahan dahang binabalatan ang dala naming nilagang mais.

Binili namin ito kanina ng magutom kami.

BMWhere stories live. Discover now