Extra #2- Time Passes by So Fast

11.4K 168 22
                                    

Nine Years Later

Zalean

Nandito kami sa beach, naisipan kasi ng barkada na mag outing dahil birthday ni Jade at ayaw niya ng bonggang birthday, kahit pa pinagpipilitan ni Adrian dahil daw minsan lang naman na mag birthday ang isang tao. Hindi pa rin napapayag si Jade, gusto niya lang daw kasing makasama ang mga kaibigan niya sa kaarawan niya.

Bilib din ako sa mga kaibigan ko, sa mga taong lumipas wala pa ring pinagbago ang lahat. Nandito pa rin sila sa tabi ko—sa tabi nang isa't-isa na handang tumulong sa problema ng bawat isa sa amin.

A true friendship, indeed.

Si Chase at Krystal ganoon pa rin. Palabiro pa rin si Chase at si Krystal ay mas naging responsableng ina at asawa dahil sa nalaman nilang hindi na pala siya pwedeng magbuntis dahil sa bukol sa uterus niya.

Nagamot na naman pero mahihirapan pa rin daw siyang mag buntis. Kaya minabuti na lang nila na tumigil na dahil may Sabrina na naman sila at si Asul (Blue).

Habang si Jade at Adrian ayon ganoon pa rin parang magkasintahan pa rin ang turingan sa isa't isa. Si Jade ay may tatlo ng si Suzzette at ang kambal naman niya na dalawang babae na sina Miley at Farah.

Si Kier at ang asawa niyang si Luiza. Si Luiza ay isang dating prostitute na naka ONS ni Kier. And it turns out that they didn't use any protection that time. And nagka anak pala sila and then ayun nagkaroon ng Kairo.

They got lots of trouble at their relationship but then na settle na nilang dalawa ang kanilang mga problema at may pangalawa ng anak  si Kildon.

Na settle na rin ang alitan nilang dalawa ni Cavill kaya okay na kami. Naging malapit din ang pamilya namin dahil sa nasa iisang village lang rin kami nakatira.

At kami ni Cavill wala namang pinag bago pwera na lang sa mas pagiging super sweet niya sa akin. Sa nagdaan na panahon para namang walang nagbago sa amin but we matured, then have wider perspective in life, and we became the better version of our selves with each other.

And it is sad to say that our babies is all grown up now. si Ryko na karga lang niya noong sanggol pa lang ito ay 17 years old na, ganoon din si Sabrina.

Si Ashleigh Zafreen at Zayden Ashton naman ay 13 years old na. Noon ang may nakikita pa siyang tumatakbo sa sala nila ngayon ay wala na siyang nakikita na mga anak na nagtatakbuhan doon. More on nasa sala nakadutdot ang atensyon sa mga gadgets nila. Nakakalungkot pero nakakatuwa din naman na malalaki na sila.

Gabi na at nagkakasayahan kami dito ngayon. Kumpleto kaming lahat ang mga anak namin ay nasa seaside at may pinaguusapan din.

It is a good thing also that our children grow close to each other. Parang kami lang rin.

"Ang bilis ng panahon no? Kamakailan lang e, mga dalaga't binata pa tayo tapos ngayon ang dami na nating mga anak." sabi ni Jade tapos napainom sa alak niya.

Kahit sila ay nabibilisan din sa panahon. Kahit na rin siguro ay nakatutok ka pa sa orasan ay hindi mo pa rin namamalayan na tumatakbo na ito ng mabilis.

"At sa susunod na mga taon ay magiging lola't lolo na rin tayo." nagtawanan naman ang lahat.

"Ugh... parang hindi ko pa keri na matawag na lola." natawa ang lahat.

My Stepbrother Is The Father Of My Baby (✔) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon