•42

18.2K 302 5
                                    

Bad News

Zalean

Time flies so fast ngayon ay isang taong gulang na ang kambal. Kahit papaano ay naka adjust na rin ako sa kanilang dalawa, although my times talaga na natataranta ako.

Naloloka lang ako kay Cavill dahil grabe galanteng ama talaga, abay araw-araw ba naman may dalang laruan para kay Zayden at Ashleigh. Sinasaway ko nga dahil ayaw kong lumaking spoiled ang mga anak namin.

Then mas nakikilala ko na talaga ang kambal. Makikita mo na talaga ang pag kakaiba nilang dalawa si Zayden kasi mahilig siya sa music, and balak yatang sumunod sa yapak ng kuya niya. Idol niya yata ang kuya Ryko niya at kahit hindi niya pa naman nababasa ang mga comic books ng kuya niya, palagi naman niyang hawak ito.

Si Ashleigh naman makulit, at mahilig sa aso, mahilig din mag sayaw. Nakakalungkoy dahil ang bilis ng panahon at ang bilis lang lumaki ng mga bata, malapit na nga silang mag 2 years old.

I was in the play room with them. Nagbabasa lang ako ng libro habang binabantayan sila.

"Mama." mahinang sabi ni Ashleigh. Agad ko namang ibinaba ang librong hawak ko at tinagnan siya.

She is having a hard time breathing. Nataranta ako dahil kitang kita na nahihirapan siyang huminga.

"Baby, just breath slowly" sabi ko at inabot ang phone ko sa gilid then i immediately dialed the number of Cavill.

Kami lang kasing tatlo ang nandito sa bahay. May meeting si Cavill at si Ryko naman ay nasa kila Jade muna.

Pinagleave din namin ang mga katulong sa bahay kaya kami lang talaga dito.

[Hello?]

[Cavill si Ashleigh nahihirapang huminga!] natatatranta kong sabi sa kanya. Bigla namang umiyak si Ashleigh at sabay naman si Zayden.

I tried to make her calm down dahil mas mahihirapan siyang huminga.

[What? Bring her to the nearest hospital and i will call Jade to escort you, i will be there in just a few minutes. Text me the name of the hospital.]

[Okay.]

Kahit na umiiyak na ako kay nag drive pa rin ako at dinala siya sa pinakamalapit na ospital, agad naman may nag assist sa akin at agad naman siyang inasikaso.

I stayed outside with Zayden in my lap. Hindi ko naman siya pwedeng iwan doon dahil wala siyang kasama.

It's the same familiar feeling again, when i bring Ryko sa ospital dati, ganito rin ang kaba ko ngayon. Sana naman ay hindi seryoso ang sakit ng anak ko. Ayaaw kong  maranasan ni Ashleigh ang maghirap. 

"Zal!" agad akong lumingon ng narinig ko ang pagtawag sa pangalan ko. Nakita ko sina Jade kasama si Ryko, Krystal, Sab, Chase, at Adrian.

"Guys!" sabi ko at naiyak ng todo. Kinuha ni Jade si Zayden sa akin at yumakap naman si Krys sa akin.

"Shhhh. It's going to be okay, Zal." pag co-comfort nila sa akin. Bigla namang dumating si Cavill at bakas rin ang pag aalala sa kanyang mukha.

Yumakap agad ako sa kanya at siya naman ay hinagod ang likod ko upang kumalma ako, hindi ko na talaga mapigilan ang mga luha ko. Sana nga ay maging okay ang baby namin.

After an hour ay bumukas na rin ang pinto. Biglang lumabas ang doktor.

"Who's the parents of the patient?" agad naman kaming lumapit sa doktor.

"Kami po, Doc." sabay na sabi namin ni Cavill.

"Can i see you in my office?" tumango naman kami. Kinakabahan man ay sumunod kaming dalawa. Nandito na kami sa office ni Doctor Soriano, isang pediatrician.

My Stepbrother Is The Father Of My Baby (✔) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon