•48

15.7K 230 3
                                    

Heartache

Zalean

It been a year since kinasal kami ni Cavill and we are now happily living with our babies. Ang kukulit na rin nila ngayon. Especially si AZ, nakuha yata ang kakulitan ko.

Ngayon nga ay maaga akong nagising dahil binulabog ako ni AZ. Gusto niya daw kasing kumain ng cookies.

Kaya bumangon naman ako. At naghanda na para magbake ng mga cookies. Cavill is still sleeping, ayaw ko pa siyang gisingin dahil alam kong pagod pa siya dahil sa trabaho niya. He stayed up all night, last night.

Habang naghahalo ng mga ingredients sa bowl. Nagulat akong yumakap sa akin si Cavill pala ang nasa likod ko and then he kiss me on the cheek.

"Parang masarap ata yan." He said in my ear.

"Masarap talaga iyan no. Siyempre ako gumawa eh." Proud kong sabi. Natuto na rin akong mag bake, palagi kasing nagpapabili si AZ ng cookies at magastos pa. That's why I decided to learn how to bake.

At saka nakapag trabaho na rin kasi ako sa isang bakery shop, noon. Kaya medyo marunong ako.

"Pero mas masarap pa rin talaga ang asawa ko." i rolled my eyes on him. Mabuti at wala dito ang mga bata.

He is still sweet. For how many years na mag kasama kami ni Cavill hanggang ngayon hindi pa rin ako immune sa mga pagpapakilig niya sa akin. Feeling ko tuloy bumabalik ako sa pagiging teenager.

"Che!" Sabi ko na lang.

Bigla namang umingay ang sala. And kapag ganoon ay alam kong may bisita na naman kami. At alam kong riot na naman ito dahil nandito na naman ang lahat.

"Puntahan mo muna sila doon. Baka ano pang sabihin ng mga yun sa anak natin e. And wag mo masyadong palapitin si AZ kay Chase, makukutusan ko talaga ang lalaking iyon. Kung ano ano tinuturo sa bata." Simangot ko.

"Buti pinaalala mong gigilitan ko pa pala ng leeg si  Chase. " agad namang umalis si Cavill at nagtungo sa sala. Tinapos ko ang pag bi-bake ng cookies ng kambal, mabuti at madami ang binake ko dahil nandito sila.

Nagpunta ako sa sala at riot ng ang nangyari. Ang kalat na ng mga cushion sa sofa, naghahabulan ang kambal dahil hinabol ni Sabrina. Si Ryko naman ay nataka upo lang at pinagmamasdan sila. Ewan lang niya kung saan napadpad ang mga matatanda dito. 

Inilapag niya sa mesa ang binake na cookies.

"Nasaan sila?" tanong niya kay Ryko na tumatawa pa rin.

"Mama, nasa labas po sila. Sa may garden." agad naman siyang nagtungo doon dala ang ibang cookies na binake din niya. Nakasunod naman si manang na dala ang isang pitsel ng mango juice.

"Kung ano-ano na lang ang sinasabi mo sa anak namin, ikaw tukmol ka!" sabi ni Cavill. Tumawa lang si Chase kahit kailan maloko pa rin ang kaibigan. 

Tumingin siya kay Jade na kabuwanan na rin ang tiyan. Hindi nga siya  nagkamali na may something nga si Jade and Adrian. And now may something na rin sa tiyan nito. Natawa ako sa kapilyahan ko.

Ang dalawa niyang bestfriend ay masayang nagsasama ngayon and I really find it great.

Tinignan naman niya si Krystal na pitong buwan na ring buntis, nakunan kasi ito sa ikalawa niyang pinagbubuntis, nagta trabaho kasi. Kaya ngayon doble ingat na silang dalawa ni Chase, konting galaw nga lang ni Krystal ay napaparanoid na ang loko e.

"Zal, bakit ang tahimik mo? " niyakap siya ni Cavill at kinandong ito. Naghiyawan naman ang mga kaibigan nila. Mga loko talaga.

Napangiti siya sa panunukso ng mga kaibigan nila, kung kinikilig sila mas lalo naman siya na gusto na nga sumigaw sa kilig.

"Zal, buntis si Krystal at Jade wala ka bang balak gumaya sa kanila?" natawa siya sa sinabi ni Cavill. Naghiyiyawan ulit ang kanyang mga kaibigan.

"Ayaw kong maki-uso." napasimangot naman ito sa sagot niya. Nagtawanan ang lahat. 

Puro biruan at asaran ang nangyari sa amin. Siyempre lead by Chase.

"Tita! Tita!" biglang dumating si Sabrina na tumatakbo, agad naman akong kinabahan.

"Anong nangyari?!" kinakabahang tanong ko. 

"Si AZ nahihirapang pong huminga." agad na nagtakbuhan kami patungong sala at nakita namin si Ryko na buhat si AZ at umiiyak naman si ZA. 

Napa-iyak din siya, alam niyang ramdam nito ang paghihirap ng kambal nito.

"I'll get the car." agad na lumabas si Cavill kinuha naman niya sa mga bisig ni Ryko ang kapatid.

"Ry, bring ZA to his room, bantayan mo muna siya." agad niyang tugon kay Ryko. 

"Sab, samahan mo si Ryko dito." rinig niyang sabi ni Chase sa anak.

"Okay po, Dad." agad naman silang lumabas at ang SUV ang gamit nito. Doon na lang sumakay sina Chase at sina Jade naman ay doon sa kotse nila.

Nagtungo agad sila sa ospital at agad naman silang inasikaso. Makalipas ang ilang sandali ay maayos na ang paghinga ni AZ, nakahinga naman siya ng maluwag kahit papaano. Ito na talaga ang ikinakatakot niya, ang lumala ang sakit ng anak nito.

Sa totoo lang ay natatakot na rin siyang magbuntis, hindi dahil sa ayaw na niya pero dahil sa baka may mangyari na naman sa kanya. Katulad na lang ni Ryko noon at ngayon naman si AZ.

"Aray!" napatingin sila kay Jade na nakahawak sa tiyan niya. Mukhang manganganak na ata siya. 

"Manganganak na yata ako." nataranta naman si Adrian at agad na tumawag ng doktor. 

Lumabas naman ang doktor mula sa kwarto ni AZ. Ito din ang doktor noon ni AZ noong na ospital din siya.

"Excuse me are you the parents of the child?" agad naman na tumango sila.

"Let's go to my office, i have something to talk to."

"Go ahead, iu-update na lang namin kayo mamaya." napatango nanlang sila at sumunod sa doktor.

Agad silang umupo pag dating sa opisina ng doktor.

"Ano na po ang lagay ng anak namin?" agad na tanong nila.

"Okay didiretsahin ko na kayo, may heart disease ang bata." agad naman silang tumango.

"May Arrythmia ang anak niyo. Kung saan minsan ang electical system ay hindi nag fu-fuction ng normal. Pwede pong humina, bumilis, o mag irregular ang tibok ng puso. Mas mabilis kesa sa normal na pagtibok ng puso o mas mabagal ang ritmo ng pagtibok." 

Hindi ako nakagalaw sa narinig ko sa doktor. Napa-iyak na lang siya. Bakit ba sa anak pa niya?


Note ni Prinsesa: 

Hi maharlika babies! Sana po ay okay kayo! Love ya all. Always remember that ;>

Status Update: I am so full right now. Ang daming nakain ko ngayong araw. Hindi ko akalain. Okay share ko lang.

Edited and revised ☑

My Stepbrother Is The Father Of My Baby (✔) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon