•24

23.7K 373 45
                                    

Quarrel

Zalean

After a few days i was discharged in the hospital. The tests that the doctor do on me came out fine. Wala naman daw crack or internal bleeding ang ulo ko.

And for the past days din ay palaging nandito si Cavill kahit na sinasabi ko sa kanya na okay lang na hindi na siya dumalaw. Pero ininsist niya kaya hinayaan ko na lang.

Panay din ang pagkunot niya ng noo kapag nandito si Adrian, ewan ko ba doon napaka sungit talaga.

Pagka uwi ko sa bahay ay sinalubong kaagad ako ng yakap ng anak ko ng isang mahigpit na yakap.

"Mama, okay na po ba kayo?" umupo ako para mag lebel ang aming mukha. Ngumiti ako sa kanya at hinalikan siya sa noo. Hindi ko alam kung bakit ang sweet nito sa akin. At iba rin ang pagkakatawag niya sa akin ng 'mama'.

Pero kahit ganoon ay ipinagsawalang bahala ko na lang. Ilang araw din akong hindi muna nagkiki kilos. Panay din ang alaga sa akin Ryko na kahit nagtataka ako ay hinayaan ko na lang at hindi na ako nagtanong dahil gusto ko naman.

Habang nakaupo ako dito sa may garden ay naalala kong malapit na pala ang birthday ni Ryko. Next week na iyon. At first time ko ring i celebrate ang birthday niya na kasama siya. Noon, nandoon pa kami sa apartment kapag birthday niya bumibili talaga ako ng cake.

Kaya ngayon gusto ko ay masaya ang kaarawan na ito. Pwede naman na akong magtrabaho, kaya lang inutusan ni Cavill ang mga kasambahay na hindi ako pag trabahuin. Ewan ko ba doon.

Kaya inabala ko na lang ang sarili ko sa paghahanda sa birthday ni Ryko. Kaya naisipan ko magpunta sa mall muna. Para makapili ako ng i dedesign sa party niya. Hindi ko na inabala ang driver namin at sinabi na lang na pupunta akong mall. At saka bibilhan ko rin ng regalo si Ryko, apat na regalo para sa apat na taon na wala ako sa tabi niya noong nag bi-birthday siya. And another one for his birthday for this year.

Pwede naman ang mga comic books pero wala pa namang latest comic books na inilabas. Kaya pumili na lang ako ng mga comics na hindi pa niya nababasa. Ano naman kaya ang ireregalo ko sa kanya?

Pagtapos doon ay nagpunta ako sa toy store at naghanap ng mga bagay na pwedeng i regalo sa anak ko. May nakita naman akong mga figure ni Batman na paborito niya kaya yun na lang din ang binili ko.

Habang tumitingin tingin muna ako sa mga laruan. Napadaan ako sa sa section kung saan naka display doon ang laruan ng mga babae. Nahagip naman ng mata ko ang isang lalake na pumipili sa dalawang manika sa kamay niya. Natawa pa ako ng bahagya ng napaka seryoso niyang pinagpipilian ang dalawang manika.
Pero kahit ganoon ay ang cute niya lang tignan. At saka bihira lang din ang mga ganoong lalaki ngayon. Ang iba naman kasi ay nahihiya.

After ng pamimili ko ay nagutom ako bigla kaya pumunta muna ako sa food court ng mall. Nag order ako ng sandwich at mango shake.

Habang ninanamnam ko pa ang pagkain ko may biglang lumapit na lalaki sa direksyin ko.

"Miss, pwede makiupo?" napatingala ako dahil sa tangkad niya. Nakangiti siya sa akin. Hindi kaputian, matangkad, matangos na ilong, medyo singkit na mata, mala tsokolateng mata at napakagandang ngiti.

Na awkward naman ako dahil hindi ko napansin na nakatitig na pala ako sa kanya ng matagal.

"Ahh, okay." ngumiti ako sa kanya sabay kagat ng sandwich ko. Naupo na rin siya sa harap ko at nakangiti pa rin sa akin.

"Pasensya ka na wala na kasing bakante na upuan dito occupied na lahat ng seats." ngumiti ako sa kanya. Mukha naman siyang mabait. Medyo marami nga ang tao dito ngayon kasi Sunday.

Napakatahimik naming dalawa dito sa mesa. Nakaakilang tuloy. Hindi naman siguro masama makipag kaibigan sa kanya. Tumingin ako sa mga pinamili niya. May isang paper bag doon na nakapangalan sa toy store na pinuntahan ko kanina.

Siya pala yun kanina, yung lalaking bumibili ng manika. "Pwede magtanong? " tumingin naman siya sa akin. Kumakain kasi siya ng isang box ng takuyaki.

"Nagtatanong ka na nga, eh." tumawa siya, kaya naman napatawa na lang ako sa katangahan ko.

"May anak ka na ba? Curious lang ako. Nakita kasi kita sa toy store kanina eh. Pumipili ng manika." hindi naman siguro masamang itanong iyon.

"Magbi-birthday kasi ang pamangkin ko. Yan kasi ang request niya sa akin. Demanding kasi ang batang iyon." natawa naman ako sa sinabi niya. Ang mga bata talaga ngayon napaka demanding na.

"Ang mga bata talaga ngayon, ang tatalino na. Ay, ako pala si Zalean." pag papakilala ko. Ngumiti naman siya sa akin at nakipagkamay.

"Ako si Kier Adrian." saglit pa kaming nagkwetuhan at napatingin ako sa relo ko. Napahaba ata ang kwetuhan namin.

"Kailangan ko na palang umalis may gagawin pa kasi ako." sabay tayo ko at kinuha na ang mga pinamili ko.

"Sige. Nice meeting you, Zalean."  ngumiti ako sa kanya at ngumiti din siya pabalik sa akin.

"Nice to meet you, Kier." at tuluyan na akong umalis. Sumakay na ako ng taxi at umuwi na.

Paguwi ko sa bahay ay doon ako dumiretso sa kusina para hindi makita ni Ryko ang mga binili ko. Matalino pa naman iyon. Nagtanong ako kay manang kung kumusta na si Ryko ang sabi ay nakatulog daw kakabasa ng comic books.

Ipinasok ko ang mga pinamili ko sa kwarto ko at nagpalit agad ako ng damit pambahay. Paglabas ko sa kwarto agad na bumungad sa akin ang magkasalubong na kilay ni Cavill. Napatalon naman ako sa gulat sa kanya.

"Saan ka galing?" walang emosyon na sabi niya sa akin. Galit na naman ba ito? Hindi na dapat ako magtaka, araw-araw naman siguro galit ang isang ito.

"Bakit ka ba nanggugulat? Sa mall lang—" pinutol naman agad niya ang sasabihin ko.

"Bakit ka nag mall? Hindi mo sinamahan dito si Arkile. Nakuha mo pang magsaya." agad na nagpating sa akin ang sinabi niya. Ano bang problema ng lalaking ito?

"Ang sakit mo naman magsalita. At saka nandoon ako sa mall kasi nga bumili ako ng regalo sa birthday ng anak ko na parang nakalimutan mo na." natigilan naman siya at biglang nanlambot ang expresyon ng mukha.

"See? Nakalimutan mo nga." naiinis na iniwan ko siya doon at lumabas ng bahay baka ano pa ang masabi ko sa kanya at baka marinig pa ni Ryko.

Nagpunta ako sa pinakamalapit na convenience store at bumili ng yosi. Matagal na akong tumigil nito pero gusto ko talagang mag yosi ngayon.

Nagpasya akong tumambay muna sa playground ng subdivision namin. Ayaw ko pa munang umuwi, magpapalamig muna ako ng galit ko.

Nakaupo ako sa isa sa mga swing dito sa playground. Nagsindi ako ng yosi at huminga doon. Ilang segundo rin ay akmang ilalagay ko na ito sa bibig ko ay may pumigil bigla ng kamay ko.

Tumingala ako at isang ngiti na naman ang sumalubong sa akin. "Kier?" umupo siya sa kabilang swing at nag swing doon.

"Nakakasama yan sa katawan." natigilan naman ako sa sinabi niya.




Note ni Prinsesa:

Hi maharlika babies! I hope you all doing fine. Enjoy your day always. I hope you like this chapter and if you do, please vote and comment. Love ya all. Always remember that ;>

And if you want a dedication please just follow me and message or comment ;>

Edited and revised ☑

My Stepbrother Is The Father Of My Baby (✔) Where stories live. Discover now