•23

23.5K 367 21
                                    

Accident

Zalean

Nagising ako na napakasakit ng ulo ko. Agad kong nalaman kung nasaan ako nang makita ko ang kaliwang kamay ko na may IV na.

Tinignan ko ang mga braso ko. May mga pasa at gasgas ang nandoon. May benda rin sa ulo ko. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at bumungad sa akin ang nakangiting si A-Adrian?

Nilapitan agad niya ako at itinabi ang mga supot na dala. "Mabuti naman Zal at nagising ka na. May masakit ba sayo? Teka, tatawag muna ako ng doktor." agad na lumabas si Adrian. Muli na namang bumukas ang pinto at pumasok doon ang isang doktor at isang nurse.

Linapitan ako ng mga ito at sinuri. Ginamitan ako ng stethoscope nang doktor at kinuhanan naman ako ng blood pressure noong nurse. After a few minutes ay natapos na rin sila.

"Ms. Ramirez, mabuti at kaunting galos lang ang natamo mo sa aksidente at walang internal bleeding sa ulo mo. Pero oobserbahan ka pa rin namin at mag nag rurun muna ng ibang test. Sa ngayon ay kailangan mong magpahinga muna." tango lang ang naging tugon ko sa doktor at lumabas na silang dalawa.

Muling lumapit sa akin si Adrian. Bakit ba ito nandito?

"May gusto ka bang kaiinin? Prutas gusto mo? Ipagbabalat kit—."

"Bakit ka nandito? Akala ko ba nasa states ka pa." sumenyas ako sa kanya na itaas ang hospital bed ko.

"Kakauwi ko lang kagabi. Balak sana kitang sorpresahin sa pag uwi ko pero noong nasa airport na ako ay biglang may tumawag sa akin taga ospital daw at sinabing naaksidente ka. Balak kitang sorpresahin sana pero ako naman ang na sorpresa sa nangyari sayo. Ano bang nangyari at nabangga ka ng isang truck?" agad na bumalik ang alaala ni Cavill kasama ang babae sa isip ko. Kahit na naiiyak ay pinigilan ko ito. Nakakahiya naman na umiyak pa ako dito. At saka ako lang din naman ang may kasalanan.

" It's a long story. Teka ano na bang oras?" tinignan naman ni Adrian ang relo niya sa pala-pulsuhan.

"9:03 am na." agad na nanlaki ang mata ko. Umaga na pala!

"Ilang oras ba akong hindi gising?" ang sabi ko pa naman kay Yaya na babalik ako agad.

"Mahigit kalahating araw akong hindi gising? Si Ryko?" natatarantang sabi ko sa kanya. Agad naman niya akong kinalma.

"Huwag kang magalala, Zal. Tinawagan ko ang landline ng bahay niyo at sinabi sa akin ni manang na okay lang si Ryko. And probably Cavill is on his way here." i secretly roll my eyes.

Yeah, right.

Cavill

I told my secretary earlier to prepare the rooftop for my plan. I wanted to confess my feelings for Zalean tonight.

But for now, i should finish my paper works for today. I was busy signing some papers when the door suddenly open.

I said to my secretary that don't let anyone disturb me unless it is Zalean. Bumaling ako sa pumasok ng opisina ko.

It's Shantal. No wonder she enters easily. This woman is kinda pain in the ass for me. It's been 2 months since we knew each other. We've met at a bar when i was with Chase. We flirt a little but that's all. And then the next thing i knew she is already head over heals to me.

She shamelessly entered my office and sit on my desk. I tried to look just casual with her. But the truth is i don't really want her here.

"Hi! Baby Cav, long time no see. I tried to call you many times but i couldn't reach you. I miss you, you know?" i know it's sounds rude but naaartehan talaga ako sa pagkakasabi niya noon.

My Stepbrother Is The Father Of My Baby (✔) Where stories live. Discover now