•22

23.8K 389 23
                                    

Captured

Cavill

Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko. Hangover na siguro. Pagkatapos kasi ng paguusap namin ni Chase ay dumiretso kami sa isang bar. Hindi ko na namalayan na naparami na pala kami. Buti at nakayanan ko pa na makauwi dito.

Ang naalala ko lang kanina ay ang pag uwi ko kanina at wala nang iba. Even though my head is throbbing i forced myself to sat in the bed.

Medyo madilim dito sa kwarto ko. Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko si Zalean hugging our son. They look good together. Naramdaman ko ang init sa katawan ko, pero hindi iyon sobrang init. Nilagnat siguro ako.

Napatingin naman ako sa suot kong damit. Napalitan na iyon ng kumportableng pambahay. Sino ang nag palit sa akin?

Ibinaling ko ang tingin ko sa gilid. At tumingin ako kay Zalean na napakahimbing ng tulog habang mahigpit na yakap ang anak namin.

Chase is right i should make my way towards the heart of Zalean. Hindi ko na papalagpasin ang pagkakataon na ito.

I will make the most of it. Sasabihin ko na kay Zalean ang nararamdaman ko. Agad akong bumangon at tinawagan ko ang sekretarya ko.

(Hello, sir?)

"Do me a favor. I need you to prepare something." nabihis agad ako pagkatapos ng tawag at bago ako umalis ay hinalikan ko muna ang mag ina ko.

Zalean

Nagising ako sa pagkakatulog at pagtingin ko sa pwesto ni Cavill ay wala nang tao doon. Tinignan ko naman ang natutulog na si Ryko sa bisig ko at sinapo ang kanyang noo.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang wala nang init nito. Bumaba ako para hanapin si Cavill. Pero si Yaya ang nakita ko at kasalukuyan na itong nagluluto ng hapunan. Pagabi na rin kasi.

"Yaya, nandito na po pala kayo. Bakit po kayo umuwi dito agad? Kumusta na po ang anak niyo?" ngumiti si manang sa akin.

"Okay na po siya, maam. Nakalabas na po siya sa ICU kanina at may nagbabantay naman po sa kanya ngayon. Sinabihan ako ng mga kamag anak ko na babalitaan na lang daw nila ako." tumango ako kay manang at tinungo ang ref para kumuha ng tubig.

"Yaya, napansin mo ba si Cavill?" lumagok ako ng tubig sa baso.

"Si sir po maam ay nag iwan ng sulat diyaan sa ref at sinabi pong pumunta po siya sa opisina niya." sumimangot ako sa narinig ko. Bakit naman siya agad magtatrabaho? Kagagaling niya lang sa lagnat baka magkalagnat ulit siya.

Bumalik ako sa kwarto ni Cavill at tinignan si Ryko kung nagising na ba siya. Lumapit ako sa kanya pero mahimbing pa rin ang tulog nito. Inayos ko ang kanyang kumot.

And then my phone beeped indicating that i received a text message. I grab my phone and open the message. It was from Cavill.

From : Cavill

I want you to meet me at the office. I want to tell you something.

Iyon lang ang laman ng message niya. Kahit na nagtataka ako kung bakit gusto niya akong papuntahin doon ay naghanda pa rin ako sa pagpunta ko doon.

Ano naman ang sasabihin niya sa akin?

Nagdala na rin ako ng niluto ni Yaya na pagkain at ibinilin sa kanya na pagnagising na si Ryko ay pakainin at sabihin na babalik agad ako.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit naghanda ako ngayon sa suot ko eh, pupunta lang naman ako sa office niya. Nagsuot ako ng royal blue dress na hapit sa katawan ko. Nilagyan ko ito ng white belt at pinarisan ng white na doll shoes. Namiss ko rin ang pagsusuot ng ganitong damit. Wala kasi akong mga ganitong damit noon dahil hindi naman ako gumagala.

My Stepbrother Is The Father Of My Baby (✔) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon