•7

33.6K 486 5
                                    

Lifeless

Zalean

Pagkatapos ng encounter ko kay Dad, napagpasyahan namin na ipa-cremate  na silang dalawa. Para naman ay masama namin sila sa bahay.

Hanggang ngayon napakabilis pa rin para sa akin ang lahat ng mga nangyayari.

Feeling ko may part sa akin na kulang na kulang. I felt a big hole in my heart. Wala na akong mga magulang. Kinuha na lahat sa akin.

Sa mga nagdaang araw, wala akong ganang kumain. Palagi lang akong nagkukulong sa kwarto ko.

Kung hindi ako natutulog ay umiiyak ako. Pinapadalhan nila ako ng pagkain pero halos hindi ko ito magalaw.

Nakaupo ako sa upuan at nakaharap sa aking bintana. Hawak ko ang abo ni dad na nakalagay sa isang lalagyan na may takip.

Naalala ko pa noon na ito talaga ang ibinigay na kwarto nina Mommy at Daddy sa akin dahil nakikita mula sa bintana ko ang paglubog at pagsikat ng araw.

Pinagmamasdan ko ngayon ang paglubog ng araw. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Naaalala ko ang mga panahon na magkasama pa kaming tatlo.

Inistorbo ng isang katok sa pinto ang aking pagbabalik alala.

"Pasok." walang kabuhay buhay na sabi ko. Lumingon ako saglit sa pinto at nakita ko na si Cavill pala iyon.

Sa mga nakalipas na araw ay hindi ko siya madalas nakikita. Dahil na rin sa hindi ko paglabas sa aking kwarto at siya ay busy sa sa pagaasikaso sa kompanya na naiwan ni Dad.

Naramdaman ko ang paglapit niya sa gawi ko. Hindi ko naman siya nilingon at yakap-yakap ko pa rin ang lalagyan ng abo ni Dad.

"Zalean, kumain ka na. Sabi ng mga katulong ay ilang araw ka nang hindi kumakain." hindi ako umimik. Pinagmamasdan pa rin ang paglubog ng halos kalahati na ng araw.

"Wala akong gana." tipid kong sagot.

"Kumain ka naman kahit konti lang. Nangangayayat ka na." may lambing sa tono ng kanyang boses na hindi ko alam at nagpapakalma sa loob ko.

Lumingon ako sa kanya. Halatang kagagaling niya lang sa opisina ni Dad dahil naka-americano pa rin ito.

"Ilagay mo na lang dyan. Mamaya na lang ako kakain." at muli kong ibinalik ang tingin ko sa bintana. Ang araw ay maliit na nasumisilip at nilolokob ba ng kadiliman ang buong paligid.

"Zal, sana ay kainin mo na ito. Hindi gusto ni Tito na nagkakasakit ka." pagkatapos nun ay narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto mg aking kwarto.

Napaiyak na naman ako at mahigpit na niyakap ang abo ng aking ama. Sa mga sumunod na araw ay palagi na lang akong ganito.

Matutulog. Iiyak. Pagdating hapon ay titingin lang sa bintana at mag aantay ng paglubog mg araw. Kakain ng konti. At paulit-ulit lang.

Sa ilang gabing nagdaan, hindi naman nagmimintis na pumunta si Cavill sa kwarto ko at sinisigurado kung ano na ang kalagayan ko at sinisigurado din na kakainin ko ang pagkain na inihanda para sa akin.

Hapon na naman at nandito na naman ako nakupo sa harap ng bintana ng aking kwarto.

I don't know but every day i feel so lifeless. Wala na akong gana sa lahat ng bagay. Sa nangyayari sa labas ng kwarto ko.

Tila nawalan na talaga ako ng gana sa lahat ng bagay. Biglang bumukas ang kwarto ko at inakala kong si Cavill na naman ang pumasok sa kwarto dahil gawain niya naman iyon parati.

Paglingon ko nakita ko si Krystal na hawak ang isang tray ng pagkain na para sa akin.

"Zal, kumain ka na." kahit nakangiti ay bakas pa rin sa kanyang mukha na nalulungkot din siya para sa akin.

"Napadalaw ka?" walang ganang sabi ko sa kanya.

"Nagaalala na si Cavill sayo. Tinawagan niya ako kung pwede ba daw akong bumisita dito at kausapin ka. May balak na akong  bisitahin ka dito pero busy kasi ako." ngumiti siya sa akin.

"Okay lang ako. Wag kayong magalala sa akin." sabi ko sa kanya. Nagkwentuhan kami ni Krystal. Kahit na ngiti at tango lang ang tugon ko sa kanya ay masigla pa rin siyang nagku-kwento sa akin.

Pagkatapos ay nagpaalam din siyang uuwi na siya.

"Zal, be strong. I know it really hurts. Pero sana ay isipin mo rin kaming nagmamahal sayo. Nagaalala kami sayo kaya sana ay maging okay ka na." niyakap niya ako at hinalikan sa noo.
Kahit papaano ay gumaan naman ang pakiramdam ko matapos kong makausap si Krys.

Pagalis niya, magisa na naman ako. Umiyak ulit ako. Pero sa pagkakataong ito ay ito na ang huli kong pagiyak.

Ibabangon ko ang sarili ko, hindi na ako magpapakalunod sa sakit at lungkot.


Note ni Prinsesa:

Hi maharlika babies! Yes i change this chapter totally. Nabasa ko kasi ang pangit pala talaga ng pagkakasulat ko. HAHAHA. Still the same pa rin naman po ang flow ng story. Pero sana ay magustuhan niyo ito. Love ya all. Always remember that ;>

And if you like this chapter please comment and vote ;>

For those who want a dedication follow me and comment lang po ;>

  Edited and revised ☑️

My Stepbrother Is The Father Of My Baby (✔) Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu