•44

16.4K 308 15
                                    

Preparation

Zalean

Ilang months din namin pinlano ito
Everything was well planned. Settled na ang lahat, handa na ang gowns, cakes, venue, and etc. Siyempre with the help of my two besties Krystal and Jade.

Hindi ko nga akalain na ganito namin kabilis natapos ito. Actually i wanted a simple wedding. But Cavill didn't want that. He said na isang beses lang ako ikakasal that's why it should be memorable and may pera naman daw kami. Hinayaan ko na lang mapilit e.

Hinihintay na lang talaga ang araw ng kasal namin.

3 years old na ang kambal at 7 years old na din si Ryko. Ryko will be our ring bearer and Zayden will be the bible bearer and Ashleigh will be our flower girl, silang dalawa ni Sabrina.

"Malapit na talaga ang kasal ninyo!" tili ni Krystal. Mas excited pa nga sa akin.

We're here at a dining table at nag uusap lang kaming tatlo nila Krystal and Jade.

"Girl, if I know excited lang dahil pagkatapos noon ikaw naman ang ikakasal." tukso ni Jade. Nagtawanan naman kami ni Jade.

Ikakasal na rin kasi sila ni Chase, ang loka ayaw daw niyang sumabay dahil sukob daw yun, bawal daw ang double wedding  malas daw. Mga paniniwala ng loka.

"Parang gusto ko na rin tuloy ikasal. Iniwanan niyo kasi ako." sabi ni Jade. Hayy hanggang ngayon ewan ko lang talaga sa status ng Jade at Adrian na yan, obvious na na may gusto  sila sa isa't isa ayaw lang talaga mag aminan.

"Kailan ba kasi kayo magpapakasal ni Adrian." panunuksong sabi ni Krystal. Ayan nagantihan tuloy sa pang aasar.

Nabilaukan naman siya dahil umiinom siya ng kape niya. "A-Adrian? Bakit naman si Adrian? Kaibigan ko lang iyon, no. Ma issue naman kayo." defensive na sabi niya. Nagtinginan kami ni Krys.

"Sus. Wag kaming maganyan-ganyan, bakit may kaibigan bang mag kasalo ng plato at nag susubuan pa, bigyan mo ako ng magandang dahilan Jade." sabi ni Krystal.

"Ano ba talaga kayo Jade? Friends lang ba talaga kayo?" sabi ko.

"Oo nga, ma issue talaga kayo. At saka may girlfriend naman iyon." malungkot na sabi Jade.

"Okay, sabi mo eh." we just both shrugged and open a new topic.

Bigla namang dumating si Zayden na tumatakbo at habol-habol ng isang tuta.

Lumapit ito sa akin at niyakap ako. Kinarga ko naman siya at kinandong ko.

"Mama! That dog keeps on chasing me!" dumating naman si Ashleigh na may dalang tuta sa kamay niya.

"Ash, what happened to your brother?" i ask her.

"Looks like Popo like him, and he's so maarte kasi, Popo just wanted to make friends with him." sabi niya habang hinihimas ang balahibo ng aso niyang si Icey if i'm not mistaken.

"Mama, Ash wanted our house to be a dogs house, she keeps on adopting dogs." sabi ni Zayden.

"Whatever. You keep on playing a guitar rin naman eh, hindi ka naman marunong. It's like my ears are breaking every time you play guitar." nag aaway na naman sila.

Sa edad na 3 years old ay straight na talaga silang magsalita, napakatalino din nila.

Ito kasing si Ash may pagkamaldita din kasi. And she has this little addiction of dogs, actually may limang tuta na kami sa bahay and pinangalanan niyang Choco, Popo, Icey, Mavey, Chen-Chen. Bigay pa ng Lolo niya, si Cavill, Chase,  at si Jade and nung isang kaibigan niya sa kabilang kanto ng subdivision. Bigay noong birthday niya.

"What's happening here? Are you arguing again?" biglang sulpot ni Ryko. Bigla namang natakot ang dalawa. Takot kasi sila sa kuya nila. Ryko is good at disciplining his siblings kaya masaya ako.

"N-No kuya! Den-den and i are friends right?" sweet na sabi ni Ash, she's always like that every time na pagagalitan siya or may hihilingin sayo.

"Good."

So makulit eh.

Gabi na at nakahiga na ako sa kama namin. I was preparing myself to sleep. Bigla namang lumabas si Cavill na naka boxer shorts lang at basa pa ang buhok. Tumingin siya sa akin at bigla na lang siya gumiling.

Natawa ako sa kanya. Magaling siyang kumanta, huwag na lang natin pag usapan ang pagsayaw.

"Ano ba yang ginagawa mo!" sigaw ko at tinapunan ko siya ng unan. 

"Ano bang ginagawa ko." he said in a husky voice.

"Tigilan mo nga ako ah. Reserve that for the honeymoon." sabi ko pero patuloy pa rin siya sa pag giling at lumalapit pa sa akin.

"Pwede jump muna tayo sa honeymoon." at nagpatuloy pa sa pagiling ang loko. Nakakatawa siyang tignan, seryoso.

"Nakakadiri ka alam mo ba yun?" sabi ko tumigil naman siya sa pag giling at seryosong tinignan ako. Kinabahan naman ako, baka kasi na offend siya sa sinabi ko mukhang nag effort pa naman siya sa pagiling niya.

"Itigil mo na kasi eh." bigla naman siyang ngumisi.

"A-ano naman yang ngising yan!" sabi ko sa kanya.

"Ah... nakakadiri pala ako ah." bigla naman siya lumapit talaga sa akin at niyakap ako patalikod at hinalikan ako sa leeg.

"Ano ka ba!" sabi ko sa kanya, hanggang sa bigla na lang akong nahiga at pinatong niya ang sarili niya sa akin. Huhubarin na sana niya ang shirt ko.

"Mama! Open the door Den-den and me wanted to sleep beside you." sigaw ng matinis na boses ni Ash.

"Nandoon na e, malapit na." bulong naman ni Cavill sa akin.

"Papasukin mo na." sabi ko sa kanya. Mukha naman siyang nalugi.

"Nakakainis naman." sabi niya at tumayo na sa higaan at kumuha ng isang sando sa kabinet at isinuot niya. Umayos naman ako ng higa.

Binuksan niya ang pinto at sumalubong ang naka busangot na si Ash, si Zayden naman dala-dala ang spiderman na laruan niya at nilalaro ito.

"What's the problem?" tanong ni Cavill sa seryosong tono, wala na yan sa mood.

"We want to sleep here, my room is so very cold and I can't sleep." nakabusangot pa rin na sabi niya.

"Bawal kayong matulog dito, para saan pa ang pinagawa kong kwarto kung matutulog kayo dito. I will just adjust your aircon." sabi ni Cavill.

"Ehh kasi po, Papa me and Ash wanted to sleep beside Mama." sabi ni Ashleigh at lumusot na lang sa ilalim ng Papa niya, pasaway talaga.

Sumunod naman sa kanya si Zayden na tahimik lang.

"Yey!" tili niya ng tuluyan ng pumasok sa kwarto at humiga na rin sa tabi ko.

Cavill just lock the door. Wala na siyang magagawa dahil nakapasok na eh.

Tumingin pa siya sa akin at nag pout. 

I mouthed 'Hayaan mo na'

Natulog kaming apat na parang sardinas. Pinagigitnaan namin ang dalawang bata kaya nakabusangot si Cavill. Bahala nga siya diyan.




Note ni Prinsesa:

Hi maharlika babies! Just want to check if your all okay. Smile always. Love ya all. Always remember that ;>

Status Update: Kasalukuyang nag mo-movie marathon. Wala share ko lang.

Edited and revised ☑

My Stepbrother Is The Father Of My Baby (✔) Where stories live. Discover now