•14

26.6K 432 2
                                    

Revealed

Zalean

Maaga akong nagising kasi ngayon na ang schedule ng interview ko. Kagabi pa akong ready sa susuotin ko, pinlantsa ko na ito at pinabangohan. Kinakabahan nga lang ako ngayong araw, ewan ko ba. Pero i will make sure i will not mess up this interview.

At saka, resto pa rin pala ang pagta trabahuan ko, sa apat na taon kong pagtatrabaho sa Angel's ay alam ko na ang mga gagawin doon.

Pero napapantastikuhan pa rin ako sa resume ko na natanggap nila. Wala akong natatandaan na nagpasa ako ng resume ko sa restaurant na iyon. Pero bahala na nga ang goal ko ngayon ay ma hire!

Dahil sa maaga nga akong nagising ay 1 hour before the interview ay nandito na ako sa opisina nila.

Pagpasok ko lahat ng mga emplayadi dito ay nakatingin sa akin. Na conscious naman ako sa pagtitig nila sa akin. Baka nakilala na nila ako?

Alam kong mahabang panahon na ang lumipas at medyo may nagbago na rin sa itsura ko. Medyo naging tan ang balat ko sa mga nakalipas na taon. Nagkalaman din ako ng konti. Pero sana naman ay hindi nila ako makilala.

Agad akong nagtungo sa front desk, muntik pa akong mawala sa laki ng building dito. Mabuti na lang talaga at maaga akong pumunta dito, kung hindi ay baka na late na ako.

Nakangiti akong tumingin sa babae sa front desk.

"Maam, good morning. May interview po pala ako 9:30 am kay Maam Collen Garcia." sabi ko sa babae. Ngumiti naman pabalik ito sa akin. Ano naman kaya ang  trabaho ko dito? Okay lang kahit ano basta ba maha-hire na ako. Kailangan ko na kasing sumweldo, nauubos na ang perang itinabi ko.

Nagtataka lang ako, hindi naman pala restaurant ang pinuntahan ko dito. Parang isa itong opisina ng kilalang kompanya.

"Good morning too, maam. Kayo po ba si Ms. Velasco?" tanong noong babae.

"Yes po." tumayo siya at iginaya ako sa kung saan ako iinterviewhin. Sana naman ay mabait ang mag interview sa akin.

Nakarating kami sa isang mamahaling  pintuan. Mukhang ang head nila ang mag iinterview sa akin. Masyado tuloy akong kinabahan sa naisip ko.

"Pasok na lang po kayo. Naghihintay na po si Sir sa loob." pagkatapos doon ay iniwan niya ako doon sa harap ng pintuan.

Bumuntong hininga ako. Tapos ay nagdasal ako sandali at inihanda ang aking sarili para maging presintable.

Kumatok na ako, then narinig ko sa loob ang sigaw ng isang babae na nagsasabing pumasok ako. .Pumasok na ako, agad naman akong namangha sa laki pala ng office niya, iginala ko ang panangin sa loob ng opisina. Napakaelegante ng nandodoon.

Tumingin ako sa mesa para mahanap ang pangalan niya. At hindi naman ako nabigong makita iyon.

Collen Garcia, Branch Head

Branch Head pala si Maam Collen. Tumingin siya sa mga dokumento sa mesa niya na sa tingin ko ay nag resume ko.

"Okay Miss Ramirez dahil nga tapos ko nang ni review ang mga information mo, para sa akin ay pasado ka na. Pero kailangan mo munang ma interview ng may-ari. Ganito kasi dito sa amin." tumango na lang ako. Kinabahan naman ako ng marinig ko na kailangan pa pala ma interview ng may ari.

May bigla akong naramdamang kakaibang init na humaplos sa puso ko. Ganito na ba ako na neni-nyerbyos at iba na ang nararamdaman ko?

"A-ah o-okay po kailan po ako babalik dito?" tanong ko sa kanya na busy pa rin sa pag pirma ng mga papeles sa mesa niya.

My Stepbrother Is The Father Of My Baby (✔) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon