Chapter 23:

306 13 1
                                    

Its already 12 midnight but I'm still awake. Pinasadahan ko nang daliri ang buhok ko habang nakatingala parin ngayon sa kisame. Dalawang araw na ang nakalipas pero hindi parin maiwaglit sa isipan ko ang mga pangyayaring naganap noong gabing iyon. Maraming bumabagabag sa isipan ko hanggang ngayon. Una, sino ang taong may dahilan para maghiganti sakin? Pangalawa, sino ang may-ari nang hikaw na nakita sa utility room? Pangatlo, si Kiela, galit ba siya sakin kaya bigla siyang umalis?

"Ugh!" Nagulo ko nalang ang buhok ko saka napaupo sa kama.

I have to  settle this things up. Kailangan kong maayos lahat nang ito sa lalong madaling panahon, kailangan kong malaman lahat nang sagot sa mga tanong. At dahil mukhang hindi rin talaga ako papatulugin nang mga naiisip ko ay napagpasiyahan kong bumaba nang kama saka dumiretso sa cabinet ko para kumuha nang jacket, nagpalit din ako nang shorts dahil naka-pajama ako ngayon. Nang matapos ay agad na akong lumabas nang kwarto.

Patay na ang ilaw sa lahat nang parte nang bahay. Siguradong mahimbing na ang tulog nang lahat ngayon. Bumaba ako sa hagdan at nakita kong bukas ang ilaw sa kusina. Nakita kong nagsasalin nang tubig si Leo sa baso. Mukhang hindi niya naman ako napansin dahil abala siya sa ginagawa niya. Pikit ang isa kong mata habang dahan-dahang pinipihit ang door knob para buksan ito. Napahalakhak ako nang mabuksan ito nang walang nagagawang kahit na anong ingay. Dumiretso agad ako sa garahe at hinanap ang motor ko.

"Looking for your keys?" Napalingon ako sa nagsalita at nakitang si Leo iyon habang hawak-hawak ang susi nang motor ko,"Nahulog mo"

"Thanks" sabi ko sabay hablot nang susi.

"And where do you think you're going this late night?" Ipinag-ekis niya ang braso niya saka tiningnan ako nang nakakunot ang noo.

"None of your biz. Just help me..." sumampa ako sa motor at tiningnan siya, "...Open the gate" utos ko.

"Oh! Wow! Nang-utos pa! Demanding mo ah!" Reklamo niya pero nagsimula rin namang maglakad palapit sa pinto para buksan ito, "The gate is open now, Sir!" Diniinan niya ang pagkakasabi nang 'sir' habang humahalakhak parin.

"Tss. Sige na bumalik ka na sa loob!" Pagtataboy ko sakanya nang makalabas na ako.

"Well. I think alam ko na kung saan ka ngayon pupunta" napahawak siya sa baba niya na parang nag-iisip, "Kay Kiela ka pupunta ano?... I saw how you kissed her that night and you're thinking that she's mad because she leaved us, that is why—"

"Oo na! Oo na! Just keep your fucking mouth shut!" Sabi na nga ba at nakita niya yun e! Sa mala-demonyo niyang ngiti nang oras na yun ay nakumpirma ko na.

"Hindi na ba maipagpapabukas yan at ngayon ka na talaga pupunta sakanila? Baka tulog na yun! Naku! O baka naman kapag pumunta ka dun galit talaga siya kaya uuwi ka rin nang walang napapala... matutulog ka nang iniisip pa rin kung ano ang next move para—"

"Shut up! Tangina ang daldal mo!" Nagulo ko nalang ang buhok ko dahil sa inis.

Humalakhak lang siya saka itinagilid ang ulo,"Eh kung sa kanina ka pa sana umalis edi sana nasa byahe ka na ngayon. Kung sana kanina ka pa umalis nandun ka na sana sakanila—"

Hindi ko na pinakinggan pa kung ano man ang sasabihin niya. Pinaharurot ko na palayo ang motor ko. Ang sarap sagasaan nang gagong yun! Ang kulit! He's the alter ego of Aries, indeed!

Marahas ang pagtama nang hangin sa katawan ko. Malamig pero hindi ko naman gaanong ramdam dahil sa suot kong hoodie jacket. Tahimik at halos lahat nang stores ay sarado na, kung may iilan man akong nakitang bukas pa ay papasara na rin sila. May ilan rin akong nakitang papauwi palang at nag-aantay nang masasakyan sa terminal nang tricycle. May nakita rin akong magbabarkada na nagtatawanan habang ang isa nilang kasama ay nagsusuka sa tabi, mukhang galing sila sa party o kaya ay sa bar. Napailing nalang ako nang malampasan ko sila, tunay na kaibigan nga naman... imbes na tulungan ay pagtatawanan. I think that is the true essense of friendship, they will laugh with your embarassing moments but will never leave you no matter what happens. Sana ganun lahat nang magkakaibigan. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 20, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rancor Academy: Rise of the Rule BreakersWhere stories live. Discover now