Chapter 8:

450 26 4
                                    

Hindi ako nakatulog nang maayos dahil sa mga nalaman ko. Hindi pa man din ako sigurado kung totoo nga ba ito o hindi ay may parte parin sa'kin na pinaniniwalaan parin ang mga salitang binitawan nila. To think na sa bibig mismo nang President ng Supreme Student Council ito nanggaling.

Nang dahil doon ay hindi ko maiwasang bumuo nang mga katanungan sa isipan ko. Paano naging bawal ang pagmamahalan sa isang eskwelahan? Paano mapipigilan ang isang taong magmahal? Bakit kailangang ipatupad ang ganung patakaran? Ano ang nag-udyok sakanyang magpatupad nang ganyan? Hindi kaya... sobra siyang nasaktan sa dating pag-ibig? Sa dating minahal? Maybe yes? But its not an acceptable reason though. Kung nasaktan man siya noon ay hindi niya na kailangang iparamdam sa iba yun. Love has its fortune, dalawa lang naman kasi ang kahahantungan kapag nagmahal ka. Una, liligaya ka kasama ang mahal mo at mamumuhay kayo nang magkasama. Pangalawa, luluha ka at pipiliting mamuhay nang mag-isa dahil wala siya. Kung ano man ang rason niya? Hindi sapat na gawing dahilan para pigilan ang dalawang taong nagmamalan sa loob nang eskwelahan.

Habang malalim parin ang iniisip ay bigla akong napaigtad nang may kumatok sa pinto kwarto ko. Kunot noo akong naupo sa kama at kinuha ang wrist watch ko para isuot ito. Nang matapos ay bumaba ako nang kama para pagbuksan kung sino man ang walang hiyang katok nang katok sa pinto na parang wala nang bukas! But knowing the way it knocks...no doubt.

"Good Morning!" Masiglang sambit ni Leo habang nagtatalon-talong pumasok sa kwarto ko na sinundan naman ni Aries.

Nagpakawala ako nang malalim na hininga bago bumaling sakanila,"Labas!" Binuksan ko nang maluwag ang pinto habang itinuturo ang labas.

Natigilan sa akmang pag-upo si Leo sa kama ko nang marinig ang sinabi ko habang tiningnan lang ako ni Aries nang nakangisi.

"Ayaw" sambit ni Leo na humiga sa kama ko.

Ang magulo kong kama ay mas lalo pa niyang ginulo. Pansin kong nakapajama pa ito at naka- black t-shirt samantalang si Aries naman ay naka-maong short at t-shirt din.

"Leo Zain!!!" Sigaw ko.

Naku! Ang aga-aga! Punyeta naman oh! Pinuputakte ako nang kambal na 'to! My bed is now in a mess seeing Leo rolling around like shitty idiot. May kwarto naman sila ah, may kama? Bakit dito pa nila napiling manggulo? Bwisit naman oh!

"Fuck off!" Hinila ko ang paa ni Leo dahilan para mahulog siya sa sahig.

Isang hagalpak naman ang narinig ko kay Aries habang pinagmamasdan si Leo na parang bulate na nilagyan nang asin habang dinadaing ang likod niya. That's a real brother!

"Aray! A-aray! Mama!" Daing niya habang dahan-dahang tumatayo habang hawak ang kanyang balakang.

"Ang kulit mo kasi!" Nagulo ko nalang ang buhok dahil sa frustration.

"Atleast cute!" He pouted.

I rolled my eyes and darted my eyes on his twin,"Ikaw!" Sabay turo ko kay Aries na mamamatay na sa kakatawa dahil kay Leo.

"W-what?" Nauutal niyang sabi dahil pinipilit niyang pakalmahin ang sarili sa kakatawa.

"Get out!" Utos ko na agad naman niyang sinunod. Good dog.

Nabaling ulit ang tingin ko kay Leo na nagningingnging ang mga mata,"Yehey! Dito lang ba ako? Dito lang—"

"Lumabas ka din"

Nakanguso itong lumabas nang kwarto ko at padabog na isinara ang pinto. Inis man ay hindi ko maiwasang magpakawala nang mahinang tawa dahil sakanila. Nakakagago talaga ang dalawang iyon!

Inayos ko muna ang kama ko bago napagpasyahang bumaba para kumain nang almusal. Maaga pa naman kaya ayos lang. Habang kumakain ay tahimik kaming lahat. Nakakabigla lang na hindi dumadaldal si Leo ngayon.

Rancor Academy: Rise of the Rule BreakersWhere stories live. Discover now