Chapter 16:

322 16 1
                                    

"Anong meron sainyo?"

Napalingon ako kay Mikee dahil sa sinabi niyang iyon. Napataas ang kilay ko habang pinapanood siyang kumuha nang chips sa may bowl na nakapatong sa table.

"So ano nga?" Tanong niya ulit nang matapos, unti-unting sumilay ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi.

Kinuha ko ang throw pillow sa tabi ko at pinalo siya gamit ito, "Gaga! Sino ba kasing sinasabi mo?" Halakhak ko.

"Wow! Gusto pa talagang sabihin ko ang pangalan ah?" Nagtaas-baba ang kilay niya, "Lets just say that his name starts with letter J?"

Kumuha ako nang chips at kinain iyon, "J?"

Itinuon ko ang atensyon ko sa korean drama na pinapanood namin ngayon. Nakakakilig ang istorya nang babaeng nagpanggap na robot dahil nasira niya ang model na gawa nang isang imbentor.

Nagpanggap at napaniwala ang lahat na isa siyang robot, walang nararamdaman, pagod man o kahit na sakit yan, walang emosyon ni katiting. Pero lingid sa kaalaman nila ay may damdamin ito na kailanman ay hinding-hindi mararamdaman nang isang gawang imbensyon. Mga damdaming pumupukaw sa sari-saring emosyon. Magpanggap man siya ay hindi pa rin maiwasang maipakita niya kung sino talaga siya lalong lalo na sa taong alam niyang nahuhulog na siya.

"Jenan Dale Stanford?" Humalakhak siya saka tinulak-tulak ako dahilan para hindi ko na mapanood nang maayos ang pinapanood namin.

"Bwisit! Wag ka ngang magulo! Nanonood ako!"

"Mamaya na yan! Sagutin mo muna ako! Anong meron sainyo ni JD? Yii ikaw ah!"

"Wala! Okay?...Wala! Kaya tumigil ka sa kakatulak sakin kung ayaw mong ibalibag kita pababa nang sofa!" Bulyaw ko.

Tiningnan ko siya at nakitang nakanguso na halatang pinipigilan ang sariling matawa. Seriously? What's with her? I just answered her inquiry. Right and just! Like how it is used to be. I won't give a damn if she will not believe on what my answer is.

"Nagtatanong lang naman eh! Masyado kang defensive" humagalpak siya sa kakatawa.

Napailing nalang ako at itinuon muli ang buong atensyon sa pinapanood pero kahit anong focus ko sa panonood ay hindi ko na magawa. Ang tanong niya sakin ay naging tanong ko na rin sa aking sarili. Ano nga ba kami? Ano ba ang meron saming dalawa? Wala? Wala nga ba?

I remember that day when we're in the videoke room. The way he sings that song, hits me.   Something's in the way he darted his eyes on me while singing that song, hindi ko lang mapangalanan at ayaw ko ring pangalanan dahil natatakot ako. Paano kung ako lang ang nakakaramdam nito? Paano kung pinaglalaruan lang ako? Pinaglalaruan ako nang sarili kong damdamin? Nang sarili kong emosyon? Ayaw kong sumugal kung alam kong matatalo lang naman ulit ako sa huli.

Sa buhay, mas mabuti pang pumusta sa isang bagay na alam mong may patutunguhan kaysa pumusta sa isang bagay na walang kasiguraduhan. Mababaliw ka lang sa mga posibilidad na pwedeng mangyari at maaaring bumigo rin sa mga bagay na pinaniniwalaan mo pagdating sa huli.

"Thinking about...something?"

Napalingon ako kay Isaiah na kakaupo lang sa sofa katabi ko. Ipinatong niya ang ulo sa balikat ko at nanood na rin kahit na alam kong hindi niya hilig ang mga ganito.

"Hindi. Wala." tipid akong ngumiti saka tiningnan siyang diretso ang mga mata sa T.V at parang kumportableng-kumportable sa pagsandal sa balikat ko.

"Okay" natahimik siya kaya natahimik na rin ako.

"Aren't you going to sleep?" Tanong niya maya-maya saka humikab.

Dinungaw ko siya sa balikat ko at nakitang mapupungay na ang kanyang mga mata,"Mamaya pa siguro, tapusin lang namin ang episode na ito" napangiti ako, parang bata talaga ito, "Ikaw? Matulog ka na. Inaantok ka na eh" ngisi ko.

Rancor Academy: Rise of the Rule BreakersWhere stories live. Discover now