Chapter 7:

466 25 3
                                    

Naging mabilis ang takbo nang oras. Nag-ring na ang bell pagsapit nang alas singko nang hapon. Nag-inat ako nang braso at pinagmasdan ang guro at mga kaklaseng nagsisilabasan na nang room. Ang iba ay napapalingon sa direksyon ko na mukhang pinag-uusapan ang nangyari kanina.

Binalewala ko lang ang mga tinging iyon at bumaling sa labas nang bintana. Kulay kahel na ang langit, hudyat na malapit nang lumubog ang araw.

Naalala ko ang mga nangyari kaninang umaga. Ang nangyaring gulo na hindi ko inaasahang makakasama ako. Hindi ko na rin kasi napigilan ang pagsuntok sa gagong iyon. She's going to hurt Kiela, for Pete's sake! Babae iyon!

"Kiela, Kiela, Kiela" bulong-bulong ko habang umiiling pero hindi maiwasang may ngiting sumilay saking labi.

I remember how furios she was because of what Iris did to Mikee. Sobra-sobra ang nakita kong galit sa mga mata niya kanina. Wala siyang pakialam kahit na mapababae o lalaki man ang kaaway niya. At ang lakas niya! Sa isang sipa lang ay nagawa niya nang paduguin ang bibig nang lalaking iyon.

Ako nalang ang natira sa loob nang room kaya nagpasya na rin akong lumabas na rin pero napatalon ako sa gulat nang may kumalabit sakin.

"Shit—" sisigawan ko sama ang lintek na ito pero natigilan ako nang makita ang mukha niya nang humarap ako sakanya.

"Mikee's looking for you" walang emosyong sambit niya.

"O-Okay" naguguluhang sabi ko habang sinusundan siya nang tingin habang naglalakad siya, tumigil siya sa may pinto.

"Aren't you going? I thought you want answer to your questions?" nakataas ang kilay niya saka umirap.

Nakuha noon ang atensyon ko. Tama siya. Kanina pa bumabagabag sa isipan ko ang narinig kong usapan kaninang umaga. May bagong nadagdag sa rules, so that means hindi stable ang rules na ini-implement?

"Where is she?" Tanong kong hindi niya sinagot dahil agad na siyang umalis.

Nagmadali ako at hinabol siya. Naglakad kami sa hallway na wala nang ibang estudyante maliban samin. Tahimik at tanging maririnig lang ang mga yabag nang mga sapatos namin. Hanggang sa makarating kami sa likod nang building... what are we going to do here? Andito ba si Mikee?

"Kiela—"

Hindi ko na naman naituloy ang gusto kong sabihin dahil pumasok siya sa isang kwarto. Pinagmasdan ko ito mula sa labas, kinakalawang na bubong at sa unang tingin mo palang sa haligi nito ay marupok na dahil sa mga anay. Agad na rin akong sumunod at sa pag-aakalang silang dalawa lang ni Mikee ang nasa loob nito ay naabutan ko ang halos sampu kataong nakaupo sa monoblock chair. Nagulat ako sa una pero agad ding nakabawi. Kumunot ang noo ko nang mapansing nakapalibot sila sa isang pabilog na lamesa at parang may seryosong pinag-uusapan.

Nabaling ang tingin nilang lahat sakin nang maisara ko ang pinto. Pansin ang mga ngiti sa kanilang mga labi. Looks like they've been waited for me and seeing me inside this room is their triumph. What's with that effing smile? Nakakakilabot sila. Nakakilabot dahil ang weird nila.

Inilibot ko ang tingin sa loob. Isang kwartong madilim at tanging ilaw nang kulay dilaw na bumbilya ang nagbibigay nang liwanag dito na nasa itaas mismo nang lamesa. Nakasara  ang mga kahoy na bintana nito. Medyo maagiw rin, may mga sapot sa kisame maging sa dingding. Mukhang storage room ito dahil sa mga sira-sirang silya na nakatambak sa gilid.

"Here's our King" sambit nang isang babaeng nakasalamin na s'yang nakakuha nang atensyon ko.

"Ikaw yung nerd kanina diba?" gulat na sambit ko nang mamukhaan ito.

Siya yung babaeng binuhusan nang juice kanina. Yung babaeng umiiyak dahil sa mga nabasa niyang mga papel. Anong ginagawa niya dito? Anong ginagawa nila dito?

Rancor Academy: Rise of the Rule BreakersWhere stories live. Discover now