Chapter 22:

238 15 3
                                    

Tahimik na pinaglalaruan ko ngayon ang laman nang wine glass na hawak ko. Tinanaw ko si Kiela na ngayon ay sumasayaw kasama ang kambal at si Mikee sa dancefloor. Kakatapos lang nang games at sinundan agad ito nang sayawan. Maingay ang lahat sabay sa party music. Hindi pa tapos ang program dahil hindi pa naia-announce ang nanalo sa "Creepiest Room in R.A" na siyang pinaghandaan nang lahat. Not that I'm excited, its just that I sense something big will happen because of that.

"Just a reminder...wine is different from water"

Agad akong napalingon sa nagsalita at nakitang si Haven iyon na tumatawa habang umuupo. Napataas ako nang kilay nang mapansing ibang-iba ang itsura niya ngayon kumpara sa tipikal na araw na nakikita ko siya sa campus, kadalasan kasi ay nakikita ko siya na naglalakad nang nakayuko at halatang iwas sa ibang estudyante pero ngayon wala kang makikitang bakas nang pagiging nerd niya na alam nang karamihan. She's wearing a vampire costume, wala siyang suot na salamin na may makapal na grado sa halip ay contact lens ang nakalagay ngayon sa mata niya. Kung titingnan ay mukha siyang badass ngayon, malayong-malayo sa isang nerd na palaging nabu-bully.

"Tss. What do you want?" Sumimsim ako sa wine glass at sumulyap sa direksyon ni Kiela na hanggang ngayon ay sumasayaw parin kasama ang tatlo.

"They've started" sambit niya habang nakangisi.

I looked at her using my serious face, "Really?"

"Yes" sambit niya saka ibinaling ang tingin sa nagsasayawan ngayon.

Nagkibit balikat ako saka ibinaling nalang din ang tingin sa kung saan siya ngayon nakatingin. Patuloy parin sa pagsasaya ang lahat. Hiyawan at tawanan ang maririnig sa buong paligid. Biglang sumagi sa isip ko ang plano namin. They started what we have planned, which is to find where did the voice of the Pricipal is coming from. To finally make our queries answered, we must find out who's behind all of this. Oo, alam naming lahat na ang principal ang nasa likod nito pero sino siya? Iyon ang kailangan naming alamin ngayon...kailangan naming malaman kung saan nanggagaling ang tinig niya.

Natanaw kong papalapit na ngayon saamin sina Kiela. Nagtatawanan sila ngayon at mukhang nagsaya talaga sila sa pagsasayaw.

"Oh! Hi Haven! Kanina ka pa dito?" Bati ni Mikee saka naupo na. Kasunod niya namang umupo ang kambal.

"Hmm...yeah" tugon nito.

Nanatiling nakatayo si Kiela dahil wala na siyang mauupuan pa. Limang upuan ang nakapalibot ngayon sa round table. Hindi siya makaupo dahil si Haven ang nakaupo sa upuan niya ngayon. Ang upuan sa tabi ko ay kanya dapat pero may nakaupo nang iba.

Napansin kong biglang nagbago ang ekspresyon nang mukha niya. Ang kaninang ngiti niya ay nawala na ngayon habang pabalik-balik ang tingin saakin at kay Haven.

Akmang tatalikod sana siya pero agad kong hinawakan ang kamay niya para pigilan siya sa tangkang pag-alis.

"Maupo ka na. Mukhang napagod ka sa kakasayaw" yaya ko saka tumayo, iniatras ang upuan ko para makaupo na siya. Ngumiti ako nang bahagya pero inirapan niya lang ako.

"I'm sorry. The seat is yours Kiela. Nakiupo lang ako kasi may importante lang akong sinabi kay JD" lumingon saakin si Kiela nang nakakunot noo nang sabihin ni Haven ang salitang 'importante'.

"What is it then?" Seryosong sabi ni Kiela saka binawi ang kamay niyang hawak ko pa pala.

Nakagat ko nalang ang pang-ibabang labi ko habang nakatingin sakanya. Isang tanong ang pumasok sa isipan ko ngayon... nag-seselos ba siya!?

"I'll tell you about it later" ako na ang sumagot sa tanong niya.

Ilang minuto na ang nakalipas mula nang umalis si Haven. Nakaupo na ulit kami ngayon. Ako at si Kiela lang ngayon ang nasa table dahil pinagpipyestahan ngayon nang tatlo ang chocolate fountain na nasa long table. Kung titingnan sila mula rito ay mukhang magkakaibigan lang sila pero di alam nang lahat ay may namumuo nang damdamin sa bawat isa. Ang puso nga naman. Kapag tumibok sa isang tao mahirap nang pigilan at piliting ibalik sa normal na takbo nito.

Rancor Academy: Rise of the Rule BreakersWhere stories live. Discover now