Chapter 15:

275 19 1
                                    

Nasa harapan kami ngayon nang storage room dito sa loob nang building na ito. Kailangan na naming umpisahan ang paglilinis dahil kapag hindi ay aabutin kami nang gabi dito.

"Ano tutunganga ka nalang ba diyan?"

Napatalon ako nang bahagya dahil sa gulat. Hindi ko namalayang nakatulala na pala ako sakanya na nakahawak sa doorknob ng storage room para buksan ito.

Napailing ako at iwinaglit ang mga naiisip ko. Sumunod ako sakanya papasok para tulungan siyang kumuha nang mga gamit panlinis. Nang makapasok ay pinagmasdan ko ang kabuuan nito. Maliit lang ang espasyo na siguro ay kasya lamang ang tatlong tao, madilim at kahit saang parte ay may mga sapot nang gagamba, mukhang matagal na nga itong hindi nagagamit pero ang mga gamit panglinis ay andito parin.

"Crap! Don't—"

Nagulat ako nang tumakbo siya papunta sa pinto at binubuksan ito. Nataranta ako at agad na lumapit sakanya...

"Wait, calm down. What's wrong" hindi maalis ang pag-aalala sa boses ko dahil sa inaakto niya ngayon.

"Open it! Please! Jenan!" Halos sigaw niya na habang pinaghahampas ang pinto.

"Shhh... calm down okay? Bubuksan ko" hinawakan ko ang balikat niya para ipaharap sakin, "Calm down, you got me. Don't worry"

Kahit naguguluhan ay sinunod ko ang sinabi niya at sinubukang buksan ang pinto pero ayaw talagang bumukas! Ginamit ko na lahat nang lakas ko pero ayaw talaga. Shit!

"Ano na?" Napalingon ako sakanya at nakitang halos hindi siya mapakali, mabigat na din ang paghinga niya.

Bumaling ulit ako sa pinto at sinubukan ulit itong buksan, tinunulak ko na ang pinto pero ayaw paring bumukas!

"Bakit kasi sinara mo!"

"I'm sorry. Hindi ko alam—"

Natigilan ako nang makita ang mabigat parin niyang paghinga pero hindi iyon ang nakakuha nang atensyon ko kundi ang luhang nagbabadyang tumulo. Madilim dito sa loob pero may kaunting siwang na nagbibigay daan para sa liwanag nang sikat nang araw kaya ko nakita iyon.

Lumapit ako sakanya pero tinulak niya ako, "Hey, what's wrong?" Kalmado kong tanong pero sa totoo lang kinakabahan na ako.

Hindi niya sinagot ang tanong ko sa halip ay tinabig niya ako para muling pumunta sa pinto para piliting buksan ito. Halos magwala na siya! Ano ba talagang nangyayari?!

Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya galing sa likod. Natigilan siya dahil sa ginawa kong iyon. Kasabay 'nun ang paghikbi niya. Napapikit ako habang naririnig iyon. Damn! Don't cry!

"What's wrong? Tell me... please. You're freaking me out" bulong ko sa tenga niya. Ramdam ko ang malakas na pintig nang puso ko dahil sa nangyayari.

Umiling siya at pilit na tinatanggal ang pagkakayakap ko pero hindi ko hinayaan, "Let... me...out!...I-I'm... I... I... I'm scared"

"Shh...you don't have to. Andito ako." Pagpapakalma ko sakanya pero mas lalo pa yata siyang umiyak!

"Jenan! Let me go! Kaya kong buksan to! Kaya ko!" Nagpupumiglas siya pero hindi ako nagpatinag.

"Calm. Relax—"

"How can I?" Halos bulyaw niya. Pinagsisipa niya na ang pinto habang hawak ko siya.

She has a claustrophobia, she's afraid of being in closed or small spaces. Iyon ang napansin ko kanina. Ang tanga mo JD! Bakit kasi sinara mo! Edi sana hindi siya nagkakaganito ngayon! Kung alam ko lang na sira ang pintong ito, edi sana hindi ko na isinara. Bullshit!

Rancor Academy: Rise of the Rule BreakersWhere stories live. Discover now