Chapter 21:

226 10 4
                                    

Hindi ko maialis ang mga mata ko habang nakatitig sa babaeng nasa harapan ko. Bakit parang biglang bumagal ang buong paligid at kahit pa sa simpleng pag-ayos niya sa takas na buhok na niliipad dahil sa hangin ay mabagal sa paningin ko? Ganito na ba talaga ang epekto niya saakin? Bagay na bagay sakanya ang costume niya ngayon bilang Hermione Granger samantalang Luna Lovegood naman ang costume na napili ni Mikee. Harry Potter nga ang napili kong costume, mabuti nalang at hindi na nakipagtalo pa ang kambal dahil ang kambal na si George at Fred ang napili nilang costume. Halos lahat kami ay HP inspired at pinanindigan talaga namin pati kulay nang buhok, mata, pati na ang mga damit nila ay hango sa orihinal na gumanap. I can proudly say that we are Potterheads! Bow down muggles!

"Good Evening!" Bati ko sakanila habang nakangiti. Saglit akong napatingin sa wrist watch ko at nakitang alas sais y media na. Ilang minuto nalang bago magsimula ang party.

"Good Evening, pasensya na at natagalan" sabay peace-sign ni Mikee.

"It doesn't matter. We are willing to wait" sambit ko at tiningnan si Kiela na seryosong nakatingin din pala sakin. Binigyan ko siyang nang isang malaking ngiti pero isang tipid na ngiti lang ang ibinalik niya.

"So ano? Tara na?" Excited na yaya ni Leo.

"Tara" sagot naman agad ni Mikee.

Napataas naman ang kilay ko at hindi maiwasang mapailing nang pagbuksan ni Leo si Mikee nang pinto sa backseat. Pasimple ko namang sinilip si Aries na naka-ekis ang braso at nakatingin sa malayo at halatang hindi magawang tingnan ang direksyon nang dalawa... jealous cousin spotted!

Simula nang dumating kami dito ay hindi siya lumabas nang kotse. Mukhang wala rin siyang balak na magsalita dahil kahit nagdadaldalan na ang dalawa sa tabi niya ay nananatili parin siyang tahimik. Nasa magkabilang dulo silang dalawa ni Leo habang napapagitnaan naman nila si Mikee.

"Oh! JD! Andito ka pala!" Agad akong napalingon sa nagsalita. Nakita ko ang pagsiko nito kay Kiela, "Ikaw naman Kiela bakit hindi mo sinabing sila pala ang naghihitay sainyo—"

"K-Kilala mo ako?" Tanong ko sa babaeng sa tingin ko ay nasa mid-40's or 50's na.

Nakita ko ang pasimpleng pagsiko din ni Kiela dito, "Ah—eh oo naman! Nagkita na tayo sa school ninyo. Magkaklase kayo ni Kiela hindi ba?" Napatango-tango siya at halatang hindi mapakali dahilan para mas lalong mapakunot ang noo ko.

Napakamot naman ako sa ulo at iniisip kung saan ko nga ba siya nakita, "Ah! Yes we're classmates" napatango-tango nalang ako pero sa totoo lang wala akong maalala na nakita ko na siya dati.

"Let's go" nagmamadaling sambit ni Kiela habang panay ang iling at tumabi sakin. Hinawakan niya ang braso ko para sana hilahin pero agad din naman niyang binitawan nang mapansing nakatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa dito.

Napaayos naman ako nang tayo mula sa pagkakasandal sa kotse at inayos ko din ang bilugang salamin sa mata na suot ko.

"Mauna na po kami—" hindi ko na naipagpatuloy pa ang sinasabi ko dahil may biglang nagsalita...

"Kiela! You forgot your wand!"

Napatikom ang bibig ko sa nakita at hindi rin maiwasang kumunot ang noo ko. What the fuck is he doing here?! Lumabas siya sa mismong gate kung saan lumabas sina Kiela at Mikee kani-kanina lang! Don't tell me they're living in the same house! Wala ba siyang bahay?!

Dahil sa nakikita ko ay biglaang  nagbago ang timpla nang mood ko. Kung kaninang nagagawa kong ngumiti... my lips is on a thin line now and I don't know how to bring its curve back. Hindi ko magawang ngumiti...teka! Bakit ko nga ba ngingitian ang isang ito?!

Rancor Academy: Rise of the Rule BreakersWhere stories live. Discover now