Chapter 13:

320 20 1
                                    

"Ako'y alipin ng pag-ibig mo,
Handang ibigin ang isang tulad mo"

Nakaupo ako sa high chair, hawak ang mikropono, at nakatitig sa isang tao. Matagal ko nang napapansin 'to. Sa bawat pagtatagpo nang landas namin hindi maitago ang malakas na pintig nang puso ko.

"Hangga't ang puso mo'y sa akin lang,
Hindi ka na malilinlang"

Napapikit ako nang mariin habang dinadama ang kantang ito. Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang may pinapahiwatig na isang kakaibang pakiramdam na sa tingin ko ay ngayon ko na mapapangalanan.

"Ikaw ang ilaw sa dilim,
At ang liwanag ng mga bituin"

Iminulat ko muli ang mga mata ko at tiningnan siyang nakatingin din saakin. Kitang-kita mula sa kinarooroonan ko ang kislap nang mga mata niya. Pero hindi iyon ang nakaagaw nang atensyon ko, kundi ang pagkislap nang luhang dahan-dahang dumadausdos pababa sa pisngi niya. Nang muling magtama ang tingin naming dalawa ay agad siyang nag-iwas nang tingin at pinunas ang mga luhang nakita ko ilang saglit lang.

Tumayo siya at inayos ang sarili,"Excuse me" paalam niya sa mga kasama namin na mukhang hindi narinig dahil abala sa paghahanap nang kantang kakantahin. She just took a quick glance to them before leavibg the room.

"Oh? Saan ka pupunta?" Tanong ni Mikee nang mapansing nasa pinto na ako habang ang kantang kinakanta ko ay nagpapatuloy pa, "Aren't you going to end the song?"

"I don't want it to end" sabay pihit ko sa door knob.

Napalinga-linga ako para hanapin siya. Masaya ang lahat sa paglalaro nang arcade. Nang walang Kiela akong mahagilap ay lumabas ako nang WOF para doon siya hanapin. Naglakad ako nang naglakad at hindi pinapalampas ang bawat taong nadadaanan mahanap lang siya.

Bakit siya umiiyak? Anong dahilan? Para saan? I thought a girl like her is brave enough to overcome sad emotions but... I  was mistaken. She is still a girl, no matter how she tried to show how valorous she is . Still she can't.

Natigil ako sa paglalakad, parang tumigil din nang ilang segundo ang mundo ko nang makita siya. She is smiling infront of a man. And shit! He just kissed her forehead!

"Kiela" napalingon silang dalawa kahit siya lang naman ang tinatawag ko, "Come on" hinila ko siya palayo sa lalaki pero natigil nang mahawakan niya ang isang kamay ni Kiela.

"Let go of her" walang emosyong sambit nang lalaki.

Hindi ako nakinig, "Hinahanap ka ni Mikee" Sabi ko. Hinahanap ba talaga?

"Mikee will understand"

Napatingin ako kay Kiela, nakayuko lang siya habang hinahayaan ang sariling hilahin namin ang magkabilang kamay at braso niya.

Kunot ang noo kong bumaling sa lalaki, "Bakit ikaw ang sumasagot? Are you Kiela?—"

"No, I'm Isaiah"

Natigilan ako. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sakanya at kay Kiela. Shit! So he is her...

"Boyfriend. I am her boyfriend so get your hands of her and leave us alone, will you do that? You're disturbing our moment"

Naikuyom ko ang kamao ko, I badly want to punch his fucking face right now! Really? Disturbing the moment? Huh! Pinipilit kong gawin ang sinasabi nang utak ko pero hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Where's your damn tounge JD!

Hinila niya si Kiela palayo saakin nang lumuwag ang pagkakawahak ko sa kaliwang braso niya. Nag-ugat na yata ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Pinanood ko lang silang maglakad hanggang sobrang layo na nila sa kinaroroonan ko. Hindi ko alam kung alin sa dalawa ang gagawin ko, habulin sila at hilahin siya pabalik sakin? O pabayaan nalang siya kasama ang taong mahal niya? I guess the second choice is better, but the first choice is the best among those choices for me. Pero paano ko naman magagawa kung mayroon na nga diba? She already had his man now! Damn this shit! Ngayon pa! Ngayon pang alam ko na kung ano ang nararamdaman ko sakanya?

"Oh? Si Kiela?" Bungad na tanong ni Leo habang hinahagilap sa likuran ko ang taong umalis na.

"She left—"

"What?!" biglang sigaw ni Mikee, "Bakit niya ako iniwan? Bakit niya ako pinabayaan? Waaah! Di ko na siya bestfriend!—"

Napailing ako, "She is with Isaiah" pasalampak akong naupo at pinanood nalang na kumanta si Aries.

Tumabi saakin si Mikee habang malaki ang ngisi, "Nakita mo sila?" Napahagikhik siya na parang kinikilig. Really?

"I just said it earlier. Am I going to repeat what I have already said?" Tumayo ako at lumabas nang videoke room.

Pinaharurot ko ang motor paalis nang Mall. Nagpunta kami doon para magdiwang sa pagkakakuha namin nang mataas na grado sa subject ni Mr. Ravente. Napagpasiyahan naming mag-renta nang videoke room. Akala ko magiging masaya pero kabaliktaran pala...nakakawalang gana.

Nanonoot ang lamig nang simoy nang hangin sa balat ko. Cold breeze is oozing in October night. I didn't mind it though. All I am feeling right now is the coldness inside me.

Huminto ako sa tapat isang sikat na ice cream parlor. Ipinark ko ang motor ko at na naglakad papasok. Mahaba ang pilang nadatnan ko, marami paring costumer kahit na malamig na ang panahon.

"Cookies and cream" sabi ko nang ako na ang nasa unahan nang pila.

Nang makuha ay naghanap ako nang table. Nakahanap naman ako kaya naupo na ako doon.

"Shhh... stop it" napalingon ako sa kabilang table.

Napaayos ako nang upo nang makilala ang dalawang taong nakaupo sa katabi kong lamesa. Magkaharap silang dalawa, hawak niya ang kanang kamay ni Kiela at pinipigilan naman ang isang kamay na durugin ang ice cream. Are they fighting? Well what a nice scene!

Napangisi ako at ibinalik ang tingin sa ice cream na kinakain. Nangalahati ako nang nawalan ako nang gana, hinahalo-halo ko nalang ito hanggang sa matunaw, napalingon ulit ako sa kabilang table. Naka-ekis ang braso ni Kiela habang tinitingnan ang lalaking nasa harap niya na seryosong kumakain nang ice cream. She looks so serious but smile is still flashing in her lips.

Tiningnan ko ang ice cream bago ang direksyon nila. I stood up and throw it to the man infront of her.

Agad na akong naglakad paalis at hindi na lumingon. Inilagay ko ang magkabilang kamay ko sa bulsa. Nagulat ang lahat sa ginawa kong pagtapon nang ice cream, ayoko na e! Sakanya nalang!

Nakarinig ako nang mga bulong-bulungan pero hindi ko na pinansin. Agad akong sumampa nang motor nang makalabas. Kita ko mula rito ang matalim na titig noong Isaiah saakin mula sa salamin na dingding nang Ice Cream Parlor. His white shirt is in a mess. Well, I am now an artist! I can made an art just by using ice cream as paint!

Kita mula sa mula rito ang paghawak ni Kiela sa braso niya  para pigilan sa akmang paglabas para puntahan ako hanggang sa nagpatalo siya rito at pinunasan nalang nang tissue ang damit, though it is useless. Pinaharurot ko na ang motor. I think there is no place I should go now but home.

Diretso akong umakyat nang kwarto ko nang makauwi at ibinagsak ang sarili sa kama. Napatitig ako sa kisame, the scene I have just watched are playing over and over again at the back of my mind. How he stared her, how she smiled seeing him eating the ice cream, the admiration on their eyes is very evident...

"I saw what happened"

Napabalikwas ako at napabangon sa gulat nang may nagsalita. Ibinato ko ang unan sakanya. Ganun na ba ako ka-pre occupied para hindi sila mapansin? Nakaupo siya sa upuan sa study table ko habang naka-de-kwatro.

Bahagya siyang natawa sa naging reaksyon ko, "I saw how the tears pooled in her eyes while seeing you singing that song"

Natigilan ako at tinitigan siya, "And?—" Did he really see those?

"There is something about her—"

"Baka naman na-touch lang sa boses ni JD! Lahi kaya natin iyon!" Sabay hagalpak sa tawa ni Leo na nakaupo pala sa paanan nang kama ko.

"Tss...most probably but not really" umiling siya at ibinato ang unan na ibinato ko sa kambal niya.

"Aray!" Akmang ibabato ni Leo  pabalik ang unan...

"Can you just leave my room now?" Aalma pa sana si Leo pero tiningnan ko siya nang masama, "Leave"

"You want to be together but you are not doing enough to get her. Move JD, move!" huling salitang binanggit ni Aries bago sila lumabas nang kwarto ko.

Rancor Academy: Rise of the Rule BreakersWhere stories live. Discover now