Chapter 11:

356 20 4
                                    

Ipinatong ko ang mga paa ko sa ibabaw nang mesa at isinandal ang ulo sa sofa. Tiningala ko ang mataas na dingding nang bahay namin.

"They're finding a person whom do they think can change the administration" Aries slightly chuckled.

"Yeah!" Umupo ako nang maayos at bumaling sakanya, "How come na mapapabago ko ang administrasyon kung sila mismo hindi nila magawa? They're SSC Officers! Ano yun? Nilagay lang sila sa pwesto para masabing meron. Hanngang dun lang yun?"

Napakibit-balikat siya bago napatingin sa maid na papalapit ngayon samin, "Sir, nandito na po sila"

Pagkasabing-pagkasabi niya 'nun nakita ko kaagad kung sino ang tinutukoy niya. Sina Mikee, Kiela at Irene iyon. Parehong inililibot nina Mikee at Irene ang mga mata nila sa loob nang bahay pero ang mga mata ni Kiela ay nakadirekta ngayon saakin at nang sinalubong ko ang titig niya ay saka naman siya nag-iwas nang tingin.

Napatingin ako sa wrist watch ko at nakitang alas siyete kwarenta y nuebe na. Maaga para sa alas otsong usapan.

"Hi sainyo!" Bati ni Leo na kakababa lang nang hagdan at bagong ligo.

Sabado ngayon, ang araw na napag-usapan namin para gawin ang group activity sa P.E. Kinakailangan naming mag-choreograph nang sayaw na ang mga steps ay ang makikita sa libro. Locomotor and Non-locomotor movements. Gagawa nang sayaw sa loob nang tatlong minuto. Pwedeng 'wag na o pwede ring dagdagan nang karagdagang steps basta nandun parin ang mga kinakailangan. Music is in our choice. Kailangan naming mag-practice ngayon dahil sa lunes na ito ipepresinta.

"Oh! JD may bisita ka pala—"

Natigil si Mama Helena nang mabaling ang atensyon niya kay Kiela na seryosong nakatingin din sakanya. Tumingin siya sakin saglit bago bumalik ulit kay Kiela. Tinitigan niya ito habang nakabuka nang bahagya ang bibig niya. Is she shocked because she's here? Why?

"Uh, anong gusto niyo? Juice? Kape? Gatas?" Hindi siya mapakali. Hindi lang ito ang unang beses na nakita ko siyang ganito. What is her problem?

Mikee raised her hand as if it was a recitation, "Juice nalang po" she beamed happily.

"Gatas akin!" Singit ni Leo na naupo na sa sofa katabi nang kambal niya.

"Okay sige pagtitimpla ko kayo. Iyon lang ba?" She giggled..

"Saka toasted bread po na maraming butter!" Napalingon ako kay Leo na malawak ang ngiti, "Waeyo? Gutom ako eh! bakit ba?" He pouted.

"Ang cute!" Natatawang sabi ni Mikee kaya nagkatinginan silang dalawa.

"Cute his ass" Aries muttered and leave us without turning his back. Anong nangyari dun?

"Oh siya! Sige na! Maupo muna kayo at ihahanda ko na ang request niyo. Dito na rin kayo magtanghalian ah? Ipagluluto ko kayo" Sabi ni Mama Helena saka umalis para pumunta nang kusina at ipaghanda ang pagkain.

Naupo sina Mikee at Irene sa sofa habang panay parin ang paggala nang mga mata sa paligid.

"Matagal na ba itong bahay ninyo JD?" Tanong ni Irene.

Tumango ako,"Yup!"

"Bakit parang bago parin?" Asked Mikee.

Rancor Academy: Rise of the Rule BreakersWhere stories live. Discover now