Chapter 17:

296 16 4
                                    

Dim lights, a girl singing with an acoustic band, light and hard alcoholic beverages on my sight. We're here at River Side Bar. I am with my cousins, just chillin' it is saturday afterall, aamagin kami sa bahay kapag nanatili kami roon. At isa pa dahil walang pasok kaya hindi rin kami obligadong gumising nang maaga para sa eskwela. Wala din sina Mom at Dad dahil nag-over time sa trabaho kaya pwedeng-pwede.

"Bakit nga biglaan kang nagyaya?"

Napatingin ako kay Leo dahil sa tanong niyang iyon. Napataas ako nang kilay dahil doon, kanina niya pa kasi tinatanong sakin yan pero hindi ko sinasagot dahil wala din akong alam na maganda o tamang sagot sa tanong na yan. Sa totoo lang, hindi ko din kasi alam kung bakit ko naisipang magyaya para pumunta kami rito. Basta nalang pumasok sa isipan ko.

Simula nang araw na iyon ay palagi ko nang naiisip ang mga nasaksihan ko. How she smiled infront of him, the way how her eyes twinkled at the sight of him, and if you look it clearly, you'll already know that they really adore each other. And damn it! Nang dahil diyan ay hindi na ako pinatulog sa kakaisip kung totoo nga ba ang nakita kong 'yun o guni-guni? Imahinasyon? Nang dahil doon ay nabulabog ang kalmado kong isipan, lahat! Pati sistema ko hindi na gumagana nang maayos! Ayokong maniwala. She's mine!

"Huwag mong sabihin na dahil kay Kiela kaya tayo nandito?" Mapanuring sabi ni Aries.

Naningkit naman ang mga mata ni Leo  na parang sinusuri din ang ekspresyon ko at halatang pareho sila nang iniisip nang kambal niya.

Imbes na sagutin ang katanungan nila ay ipinagkibit-balikat ko nalang iyon. Nagpakawala ako nang malalim na hininga bago uminom nang shot na para saakin. Napapikit ako nang maramdaman ang mainit na hagod nito sa lalamunan ko. Dinama ko ang lasa nang The Bar na iniinom namin hanggang sa mawala.

Umihip ang malamig na simoy nang hangin sa lumalalim na gabi. Pinasadahan ko nang daliri ang buhok ko at sumandal sa monoblock chair na inuupuan ko. Nakapikit parin ako hanggang ngayon. Ang mga tanong ay hindi parin maalis sa isipan ko. Mga tanong na gusto kong masagot. Mga tanong na kailangang masagot sa lalong madaling panahon dahil kung hindi ay mababaliw ako!

"Inuman lang! Walang iyakan!" Halakhak nang dalawa.

I raised my middle finger while I'm still in my closed eyes. Fuck! Bakit ngayon pa? Ayokong umiiyak sa harap nang ibang tao! Ayoko! Pero bakit pagdating sakanya ay hindi ko mapigilan ang lintek na damdamin na ito? Nag-uumapaw ang puot sa sistema ko ngayon. She didn't even gave me a chance to show my affection! How dare her! 

"You think you know her,

You think you've seen,

Every single breakdown,

Every single mood swing"

Napamulat ang mga mata ko nang marinig ang mga lirikong narinig mula sa kinakanta nang vocalist. Agad kong pinunas ang luha ko nang mapansing nakadirekta ang mga mata nang kambal sakin.

"Stare me once more and I'll get your eyes off" banta ko. Agad din naman silang nag-iwas nang tingin dahil sa sinabi kong iyon.

"You think you've got it all figured out,

When she gets back give her roses and apologize"

Parang nawala ako sa huwisyo dahil sa kantang ngayon ay naririnig ko. Parang napunta sa ibang dimensyon ang katawan ko. Ina-absorb ang lahat nang mga salitang nagmumula sa kantang kinakanta. Napatulala lang ako habang nakikinig.

"Did you really think it would be that easy,

To keep her in your arms and make her happy,

Rancor Academy: Rise of the Rule BreakersWhere stories live. Discover now