Chapter 5:

555 33 7
                                    

Ilang minuto bago ako nakarating sa Academy. Huminto ako sa harap nang gate nito. Kita ko ngayon sa malapitan ang cursive na letter R at A sa gitna nang bawat gate, may halong color gold ito kung titingnan at kumikinang dahil sa pagtama nang mataas na sikat nang araw dito.

Habang abala ako sa pagsuri sa mataas na gate na ito ay bigla itong bumukas kaya napalingon ako sa guard house sa kaliwang bahagi katabi nang gate. May kung anong pinindot ang guard doon para bumukas nang kusa ang gate nang hindi tao ang gumagawa.

Ibinalik ko muli tingin sa gate at hinantay na bumukas ito sa tamang espasyo para makadaan ang motor ko.  Rinig ang pag-creak nang gate dala nang unti-unting pagbukas nito. Mula rito ay kita ko ang isang pathway. Daan patungo sa mismong campus ground.

Nang bumukas na ang gate ay napalingon ako sa guard. Nakatingin din ito saakin, pansin ang pagiging seryoso nito pero mas kapansin-pansin ang pangamba sa kanyang mga mata. Napakunot ang noo ko at napakibit-balikat nalang bago ibinalik ang tingin sa harapan.

Pinaandar ko na ang motor ko at hindi na pinansin pa ang mga tinging iyon. Dahan-dahan akong umaandar kasabay nang paglilibot nang paningin ko sa paligid. Isang pathway na may mga bulaklak na nakatanim sa gilid nang pathway. May tig-tatlong puno nang akasya sa bawat gilid na nagsisilbing lilim sa dinadaanan.

Sa kabila nang pagtingin sa paligid, I saw a janitress. Nagwawalis ito hindi kalayuan saakin, tumigil ito saglit at tumingin sa direksyon ko. Nakita ko ang pagngiti niyo but not a happy smile but... a weary smile. Mas lalo lang napakunot ang noo ko dahil sa nakita.

What's with the staffs of this school?

I turned left side when I see a parking lot for motors. Nakahilera ang iba't-ibang motor dito. Iba't-ibang laki, kulay at disenyo. Iginarahe ko ito sa nakita kong space sa dulo. Nang maigarahe ko na ay bumaba na ako at tinanggal ang helmet na suot. Pinasadahan ko nang mga daliri ang buhok kong medyo magulo.

Tumalikod ako sa motor ko para sana hanapin kung saan matatagpuan ang admission office, pero ilang hakbang palang ang nagagawa ay natigilan ako dahil sa nakitang pamilyar na motor. Yung motor na nakita ko sa parking lot nang SM. Lalapitan ko sana ito nang bigla akong napatalon dahil sa gulat...

"Good day! Welcome to Rancor Academy!" sabi nito sa masiglang boses.

Matalim ang tingin kong humarap sa nagsalita at nakitang babae ito. May hawak na white long folder at paminsan-minsan niya itong tinitingnan bago muling ibalik ang tingin sakin.

"What the fuck do you think you're doing!" singhal ko.

She chuckled, "I'm sorry for that—" she paused when she saw my dark expression.

Kunot parin ang noo ko habang nakatingin sakanya pero hindi siya nagpatinag dahil ngiting-ngiti parin siyang nakatingin sakin.

"Anyway, I'm Mikee Ferrer. The Supreme Student Council President" iniabot niya ang kamay niya para makipag-shake hands.

Sa halip na gawin ang gusto niyang mangyari ay tiningnan ko lang ito. With my usual serious face, "And?"

Bumuga siya nang malalim na hininga bago ibinaba ang kamay niya. Tiningnan niya ulit ang laman nang folder na hawak...

"Since you're a newbie, you have to get your schedule first and know where section you belong to" sambit niya saka ako tinalikuran at naglakad papunta kung saan.

The Fuck! What is happening? Biglaang susulpot tapos biglaan ring aalis? Bastos din ito ah? Darating nang biglaan at hindi inaasahan tapos ngayon mang-iiwan nang ganun-ganun lang? Wow!

Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko at hinayaan siyang umalis at patuloy parin sa paglalakad palayo. Maglalakad na rin sana ako paalis nang natigilan ako nang may kumalabit sakin...

Rancor Academy: Rise of the Rule BreakersWhere stories live. Discover now