Chapter 6:

466 31 3
                                    

"Welcome to 12 - Scion" sabi ni Mikee nang makarating kami sa tapat nang room namin.

Tiningnan ko ang mga estudyanteng nasa loob na tahimik na nakikinig sa gurong nasa unahan na sa palagay ko ay nasa mid-40's na. Lahat ay nakatuon ang atensyon sakanya. They are listening intently on what she is discussing.

"That's Mrs. Hawkins" sambit pa niya, tinutukoy ang gurong nasa unahan.

Sinabi niyang huwag na kaming pumasok dahil ilang minuto nalang daw ay magtatapos na ang klase.

Sinilip ko ulit ang loob nang room sa jalousie'ng bintana nito at nakitang nakaupo si Kiela sa dulong parte malapit saamin, seryosong nakikinig sa nagsasalitang guro. Bumaling siya sa direksyon ko at sinalubong ang tingin ko. Ang kaninang mga mata niyang sa unahan nakatingin ngayon ay nasa akin. Her penetrating gaze is all on me now. Napaawang ang bibig ko nang umirap siya. Anong ginawa ko? Kanina ko pa napapansin na sa bawat pagtingin ko sakanya ay irap o hindi kaya ay ismid ang ibabalik niya.

Napatalon ako nang bahagya nang marinig ang pag-ring nang bell. Break time na, tama nga ang sinabi ni Mikee. Isa-isang nagsilabasan ang mga estudyante sa kani-kanilang room. Tumabi kami sa gilid para makadaan na rin ang mga estudyanteng nasa loob nang room namin. Ang kaninang tahimik na hallway ay napalitan nang tawanan, hagikhikan, at kwentuhan. Pero isang usapan ang nakakuha nang atensyon ko...

"May isa na naman daw bang nadagdag sa rules?"

"Oo. Meron nga daw"

"Grabe. Pangalawang dagdag na iyan ngayong week ah?"

Sinundan ko nang tingin ang dalawang babaeng nag-uusap usap. Hindi ko naman intensyong pakinggan ang pinag-uusapan nila pero nang dumaan sila sa harapan ko ay narinig ko ang mga ito. Nawala ang mga ito sa paningin ko nang nilamon nang estudyanteng dumadaan sa bawat parte nang building na ito.

"Is there another rules added?" I asked her inquisitively.

Bumaling si Mikee saakin na tila gulat sa itinanong ko. I can see how she managed not to show that expression but still she does.

"I-I don't know" nagkibit-balikat siya saka akmang lalampasan ako para buksan ang pinto nang room namin pero pinigilan ko. Anxiety is clearly flashing all over her face. I can feel her hands trembling at hindi niua rin magawang ipirmi ang tingin sakin.

"How come you became the SSC President if you didn't know what's happening?" I said in a serious and almost a whisper tone.

Napalunok siya at nangangapa nang mga salitang isasagot saakin. Napataas ang kilay ko habang tinitingnan siya. Nakakapagtaka. She's the President of SSC, she must know what is happening, know what are the concerns of her fellow students yet she's telling me that she didn't know about the added rules?

"Let go of her" agad kong binitawan ang braso niya nang marinig ang pamilyar na boses.

Bumaling ako kay Mikee. Umirap siya saka nagmadaling pumasok nang room. Bumalik ang tingin ko kay Kiela na seryosong nakatingin sakin, walang linya nang kahit anong emosyon ang makikita sa mukha niya. She's looking at me with her poker face.

"What did you do?" Naka-ekis ang kanyang braso habang nakataas ang kilay.

"Why would I tell you?" Sabi ko, natatawa.

Naglakad siya palapit sakin. Isang dangkal nalang ang layo namin sa isa't-isa,"Sa susunod na saktan mo ang bestfriend ko lagot ka sakin" pagbabanta niya habang diretso akong tinititigan sa mata.

Natawa ako nang bahagya at itinaas ang kilay. Lumapit pa ako sakanya. Her breathe hitched when we're one inch afar from each other. I can see how she stiffened but still looking at me with the same intense gaze.

Rancor Academy: Rise of the Rule BreakersWhere stories live. Discover now