Chapter 19:

270 12 4
                                    

"Hoy wag nga kayong magulo!" Saway ko sa kambal na naglalaro na.

Ayos lang sana iyon pero lintek! Ang mga basura pa ang napagdiskitahang paglaruan. Nagbabatuhan sila nang mga plastic wrappers! Yung kaninang pinagkumpol-kumpol naming basura kaninaa ay mas lalong gumulo at mukhang matatagalan pa lalo!

Nag-alok silang tulungan kami dito kaya pumayag naman kami pero hindi ko naman alam na ito ang tulong na sinasabi nila! Ang laking tulong nga na talaga nang ginagawa nila! Nagkalat  na naman ang mga basura sa parteng naipon na namin at ilalagay nalang sa basurahan!

"Hindi pa ba kayo nagugutom?" Rinig kong tanong ni Mikee. Abala siya sa pagdampot nang mga basura na ginugulo nang kambal.

Napatingin ako sa wrist watch ko, alas dose na pala. Hindi ko man lang namalayan. Kanina pa pala kami naglilinis dito.

"I think we should eat first" suhestiyon ko habang tinitingnan sila. Tumango-tango ang kambal pati na si Mikee.

"Mauna na kayo"

Hindi pa man siya tapos magsalita ay umiling na kaagad ako,"No. You're going to eat with us Kiela"

Nagkatinginan kami. Ipinag-ekis niya ang braso niya at itinaas niya ang kilay  saakin.

"Ako ba inuutusan mo?"

Napahalakhak ako, "I don't want to but you're mulish so..."

"So?"

Naglakad ako palapit sakanya. Nakita kung paano siya nagulat dahil sa ginawa ko. She stiffened and I can see how she holds her breath when I reached her direction.

"Come on" hinawakan ko ang palapulsuhan niya para hilahin na siya palabas nang building.

Tinangka niya alisin ang kamay niya pero hindi ako makakapayag. It's time to eat your lunch Kiela don't be so hardheaded.

"Let go"

I smirked when I faced her, without letting her hands go. Hawak na kita kaya di na kita papakawalan pa!

Malapit na kami pinto nang natigilan ako dahil sa paghigit niya sa kamay niya...muntik ko nang mabitawan pero hindi parin siya nagtagumpay.

"Kaya ko namang maglakad! At makakapaglakad ako nang maayos kung bitawan mo ang kamay ko!" Bulyaw niya.

Nalingunan ko ang tatlo na nakasunod saamin at pare-parehong nakangising aso. Napataas ang kilay ko nang mapansing nakaakbay si Mikee sa dalawa pero ilang sandali ay tinanggal iyon ni Aries kaya kay Leo nalang nakaakbay ngayon si Mikee. Something is up to him...

"How can I wash my hands if you're holding it?"

"We're not yet on the c.r Kiela"

Nakita ko ang pag-irap niya pero hinayaan lang din ako sa gusto ko. Shit! Shit! Shit! Kanina pa ito! Hoy puso! Tangina kumalma ka! Aatakihin ako nang di oras sayo eh!

Nang makarating ay nag-antay kami sa labas ng comfort room nang mga babae para sa paghuhugas nang kamay nina Kiela. Nang matapos ay kami naman. Nang matapos kaming lahat maghugas nang kamay ay dumiretso na kami sa cafeteria. Kaunti nalang ang kumakain ngayon marahil tapos na ang iba, ilang minuto nalang kasi ay magsisimula na ang klase sa hapon.

Nag-order kami nang mga pagkain. Ilang sandali iyon bago naiserve kaya nagkulitan muna sina Mikee at ang kambal. Ako? I just spent my waiting looking at her!

Ngumiti ako nang tumingin din siya saakin. Umirap lang siya at nag-iwas nang tingin. Ngumuso ako at pinigilan ang sariling matawa. Her cheeks is as red as a red tomato! Oh! She's so cute!
Nang maiserve na ang pagkain ay nagsimula agad kami. Tahimik, hanggang sa...

Rancor Academy: Rise of the Rule BreakersWhere stories live. Discover now