Chapter 10:

346 23 2
                                    

"Wait...what? Rule Breaker King?"

Napahalakhak ako habang hawak ang tiyan. Damn! Ang baduy! Sino bang nakaisip niyan? Saka ano? Hindi parin ba sila nakakahanap nang mamumuno sa kulto nila? Kaya ako ang kinukulit?

Wala nang tao dito sa Hall maliban samin kaya wala namang makakarinig nang pinag-uusap usap na ito. Tyinempuhan talaga nilang kami nalang ang matitira.

"Nakita namin ang pagsira mo sa speakers sa cafeteria"

Natigilan ako nang magsalita ang isang babaeng chinita, nakatali ang mahabang buhok nito. Pansin ko lang na halos lahat sila ay may suot na salamin. Sina Kiela, Mikee, dalawang lalaki, at dalawang babae kasali na ang babaeng nagsalita ngayon.

"And?" I said in a monotone voice.

"And that is why we are choosing you to lead us" sabi ni Haven habang naka-ekis aang braso.

Ibinuka ko ang bibig ko para sana magsalita pero agad ko ring itinikom at napatingin kay Aries...

"What is this about?" He said in his usual serious voice.

Kinalabit naman ako ni Leo na nasa  gilid ko, "Yah! King? Teka, may castle ba dito? Wala naman akong nakikita ah! Kapag naging King, ka. Ako ang Prince ha?" Bulong niya.

"Shut your childish mind Leo! I'll explain it to you later, so just shut up" bulong ko pabalik habang nakatuon ang mga mata ko sa babaeng nakatingin din sakin, Kiela.

"Kung ayaw edi wag nang pilitin. Marami namang iba na mas deserving"

Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Kiela, "Yeah! Marami pa namang iba kaya bakit ako pa, di'ba Kiela?" Ngumisi ako nang makita ang pagkagulat sa mukha niya. Why? Did I say something wrong, girl?

Tumalikod ako para makaalis pero isang hakbang palang ang nagagawa ko ay may nagsalita ulit, "If you change your mind. You know where to find us"

"I'll never change my mind, don't worry"

Diretso ang lakad ko palabas nang Hall. Hindi ko na hinintay pa ang kambal.  All I want to do now is to be far from them. They're really weird. Kung hindi nila gusto ang pamumuno, bakit pa sila nananatili? Bakit pa sila nandito? Saka madali lang naman maghanap nang bagong eskwelahan na pwedeng pasukan. Hindi na kailangang magkaganyan. All they have to do is to leave! Easy as that!

Nakarating ako sa room nang nagtuturo na ang teacher namin sa Enterprenuership. Tumigil siya sa pagsasalita at bumaling sakin.

"At the guidance office, after class" sabi niya na mukhang alam ang nangyari kanina sa Cafeteria.

Nagkibit-balikat ako bago tumungo sa upuan ko. Saktong pagkaupo ko ay ang pagdating nang kambal at ilang minuto lang ay pumasok na sina Kiela.

Nagpatuloy sa pagtuturo si Ms. Fortallejo. Lahat ay nakatuon ang atensyon sakanya, nakikinig at isinasaulo ang lahat nang sinasabi niya. Malapit na ang prelims kaya tutok ang lahat pero hindi ako. Imbes na isipin pa ang mga nangyari kanina ay pinili ko nalang makinig katulad nila.

Siya nga namang pagkatapos nang klase ay pinapunta ako sa Guidance Office...

"First Offense, Mr. Stanford" sabi nang Guidance Councilor. Sa tingin ko ay nasa mid-50's na ito, nakasuot nang salamin namay mataas na grado na naniningkit kapag may binabasang kung ano.

"What will be the next thing you'll do if I do something like that again?" Nakangising sambit ko.

"You already know what's the punishment for that Mr. Stanford. Either, clean the Activity Hall or pick up all the garbage on campus premises" naniningkit ang mga mata nito habang nakatingin sakin.

Rancor Academy: Rise of the Rule BreakersWhere stories live. Discover now