Chapter 14:

348 17 0
                                    

Late ako sa subject ni Mrs. Hawkins. Hindi ko pa man din naisasara ang pinto ay sermon na agad ang bumugad sakin.

Inilibot ko ang paningin ko sa loob at nakitang halos lahat nang mga mata nila ay nakatuon ngayon saakin. Binalingan ko ngayon ang gurong kunot ang noo habang naka-pamewang na nakatingin din sakin.

"Why are you late?"

Nagkibit balikat ako at hindi pinansin ang tanong niyang iyon. Nagsimula na akong maglakad habang nakapamulsa. Panay parin ang salita niya pero hindi ko na pinapansin pa. I am used into it way back junior high.

Ayaw niyang ma-late ang mga estudyante niya bukod sa isa na rin ito sa mga patakaran nang eskwelahan. It is my second offense. Kapag natatluhan ay mapaparusahan. Wala rin akong pakialam, punish me if they want! I don't give a damn!

"Where is your manners, Mr. Stanford?"

Natigilan ako sa sinabi niyang iyon. Nagpakawala ako nang malalim na hininga bago tamad na humarap sakanya.

"Uh...I left it at home?"

Kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang sariling humagalpak sa tawa. Halos magkadikit na ang kilay niya sa pagsasalubong nito, mapula din amg mukha niya na parang ilang segundo nalang ay sasabog na. Napailing ako at kinalma ang sarili bago pa ako makatawa nang malakas.

"You'll go with me after class!..." Naputol ang pagsasalita niya at may sinilip sa likod ko kaya sinundan ko iyon nang tingin.

Nagkatagpo ang mga mata namin ni Kiela. Hindi ko na pinatagal pa at ako na mismo ang unang bumitaw sa tinginan namin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sakanya ngayon. Its just that something's overflowing. The feeling of being betrayed? I don't know if that's the right word for this.

I fell for her. I mean it, even before I met her, the way she changed her mood, the way she raised her brow at me, it somehow makes me fall for her hard! But seeing her with another man? Ibang usapan na iyon. I was about to tell her what I am feeling towards her. Pero ang eksenang iyon ang maaabutan ko? Betrayal? No. We don't have any label, so there's no base of that word. Its just me who feel betrayed. Its. Just. Me. Really.

"...including you. You'll be with us Ms. Delos Martinez" ibinalik niya ang tingin sakin,"You two must be punished" she said in an definitive way. Napangisi ako, hindi pa man din nakakaabot sa third offense, mapaparusahan na? Ang galing ko talaga!

"What's funny?" Halos bulyaw niya saakin.

Nagkibit ako nang balikat saka umiling bago pumihit at tinahak ulit ang daan patungo sa upuan ko. I took a quick glance on her. She's listening on what the teacher's saying like there's nothing wrong.

"Mabuti naman at pumasok ka pa. Ang aga para sa next subject ah!" Bulong ni Leo sa tabi ko.

"Late ka nga din e!"

"Its better to be late than very very late, right Aries?" nilingon ko siya at nakitang malaki ang ngisi niya.

Nilingon ko din si Aries na panay ang tango dahil sa sinabi nang kambal niya.

Napataas ako nang kilay, "And its better to shut your damn mouth before I'll diminish the number of your teeth, right?" Ngumuso siya sa sinabi ko kaya napa-iling nalang ako.

Rancor Academy: Rise of the Rule BreakersWhere stories live. Discover now