Chapter 12:

379 21 1
                                    

Nakahalumbaba ako habang pinapanood ang grupong sumasayaw ngayon sa stage. Tutok naman si Mr. Ravente sa panonood at pag-scribble nang kung ano sa isang papel.

Andito kami ngayon sa Activity Hall para i-perform ang sayaw namin. Nakaupo kami sa sahig nang Hall at pinapanood ang sumasayaw. Kasalukuyang nasa ibabaw nang entablado ngayon sina Iris kasama iyong boyfriend niya at ang mga kagrupo nila. They're in a relationship but no one tried to put it into words. Hindi na rin naman kailangan. Its already obvious, maging ang mga guro ay napapansin din ito. They're acting King and Queen so even the teachers are frightened. Wow!

Magaling silang sumayaw pero hindi gaanong malinis. May nauuna at may nahuhuli. I smirked when her boyfriend glared at me while they're dancing. Napahalakhak ako nang muntik na siyang mahulog sa stage. I raised my middle finger when he look at my direction again. Fuck you dude! Ang tanga mo!

"Ang boring" si Leo na inihilig ang ulo sa balikat ko.

"Is it a valid reason to lay your head on?" I mouthed and removed his head on mine.

"Ito naman ang arte! Kapag si Kiela ba ang sumandal game ka?" Gumuhit ang nakakalokong ngiti sa labi niya.

Napalingon ako kay Kiela na nakaupo sunod kay Mikee. Napatingin din siya samin dahil mukhang narinig niya ang pangalan niya. Sa lakas ba naman nang boses ni Leo sinong hindi makakarinig?

"Hi Kiela" sabay kaway niya habang malaki ang ngisi. She just smiled slightly, "Hi din daw sabi ni JD!"

Tiningnan ko siya nang masama pero ngumisi lang siya at nagkibit balikat. Simula nang nakita niya kami nung sabado ay hindi na niya ako tinigilan sa pangungulit sa kung ano daw ba ang namamagitan saamin. Maski ako nga nagtatanong eh! Ano nga ba kami? Wala. I am just nothing at sakanya na mismo iyon nanggaling.

"Next!" Sigaw ni Mr. Ravente kaya tumayo na kami.

Tumayo na kami para pumunta sa stage. Kami na ang susunod. Nakasalubong ko ang boyfriend noong Iris nang paakyat na kami at pababa naman sila.

"You'll pay for what you did" he muttered and looked at Kiela's durection.

"Go on!" Hamon ko saka ngumisi.

Nakakatakot naman yun! Sobra! Muntik na nga akong maihi eh! Bwisit! Ako pa talaga tinakot niya? Gusto ko sanang humagalpak sa tawa kaso nag-aantay na si Mr. Ravente.

"Start" maikling sambit nito bago nag-scribble ulit nang  kung ano sa panibagong papel na hawak.

Nakaposisyon na kami. Pinasadahan ko nang tingin ang mga kaklase namin na nanonood sa kung ano ang gagawin namin. May ibang pumapasok sa Hall para makinood hanggang sa dumami. Ayos lang naman. Normal na rin naman ito dahil magpe-perform kami, natural na may manonood talaga.

"Kinakabahan ako" rinig kong sabi ni Irene sa likod.

"Shhh... focus! Stop being nega!" Tawa ni Mikee.

Nilingon ko sila at nakita ko kung gaano sila ka-excited maliban kay Irene na panay ang pagbuga nang malalim na hininga habang tinitingnan ang mga taong nanonood saamin.

"Calm down Irene. Focus. Enjoy the beat and everything will be a relief"

Napatango nalang siya at ngumiti. Nakita ko ang pamumula nang pisngi niya kaya agad siyang nag-iwas nang tingin.

"Tss" napalingon ako kay Kiela na nasa gilid ko. I raised a brow when our eyes met but she just rolled her eyes.

"Electric lights
Blow my mind
But I feel alright

Rancor Academy: Rise of the Rule BreakersWhere stories live. Discover now