Chapter 9:

377 26 8
                                    

Ilang linggo na ang nakalipas simula nang pumasok kami sa R.A (Rancor Academy). Totoo ngang mahigpit ang mga patakarang ipinapatupad. Maraming nagrereklamo pero walang naglalakas loob na iparating ito sa nakakataas, kung ano man iyong mga hinaing nila ay sakanila lang talaga.

Ilang linggo na rin at ni-anino nang Principal ay hindi ko mahagilap. Nakakapagtaka. Bakit hindi niya magawang iharap ang mukha niya? Is he or she afraid? Takot na malaman namin kung sino siya dahil kapag nakilala namin siya malalaman namin kung gaano siya ka-bitter? I just want to laugh at the thought that love in this school is the number one rule, the most prohibited.

"All students please proceed to the Rancor Academy Hall"

Break time kaya andito kami sa cafeteria. Halos lahat ay natigilan sa kani-kanilang ginagawa dahil sa narinig na anunsyo na nagmula sa speakers na nakakabit sa apat na sulok nito. Napatingin ako sa labas at nakitang ganun din sila... gulat at nagtataka.

"Anong meron?" Nakakunot noong tanong ni Leo.

Bumaling ako sakanya, hindi saakin nakatuon ang atensyon niya kundi sa labas.

"I don't know" nagkibit-balikat ako at nagpatuloy sa pagkain nang carbonara.

Kumakain ako ngayon dahil hindi ako nakapag-almusal kanina. Parehong softdrinks lang ang hawak nang kambal.

"All students please proceed to the Rancor Academy Hall"

Padabog akong tumayo at matalim na tinitigan ang speaker. Bwisit! Paulit-ulit!

"H-hey! Where are you going!" Rinig kong sigaw ni Leo.

Hindi ako nag-abalang lumingon. Tumigil ako sa harap nang isang speaker na paulit-ulit sa pagsabi nang anunsyo. How can I stop this shit?

Nasagot din naman agad ang tanong ko nang napatingin ako sa lamesa sa gilid ko at nakitang may baseball bat na nakalapag sa ibabaw nito, mukhang naiwan nang isa sa mga estudyante na mukhang dumiretso na sa Hall.

"Gotcha!" Bulong ko sabay ngisi.

Wala nang umookupa nang lamesa kaya kinuha ko ito at binalingan ulit ang speaker... isa-isa kong pinuntahan ang mga speakers hawak parin ang baseball bat. This is fun!

Nakarinig ako nang mga singhapan nang matapos ko ang ginagawa ko. Right! Its done!

"Mr. Stanford!" Sigaw nang pamilyar na boses.

"What?" Iritadong sabi ko at hinarap ito.

Nakita ko ang galit na mukha ni Ms. Uzon, teacher namin sa I.S.A (Integrated Software Applications). Mabigat ang mga yapak nito habang naglalakad papalapit sakin, ang mahaba nitong buhok ay nakatali at sumasayaw sabay sa paglalakad niya, strikta ito kapag nasa loob nagtuturo. Pinanood ko lang siya habang nakapatong ang bat sa balikat ko.

"Bakit mo sinira ang mga speakers na iyan!" Sabay turo niya sa mga speakers na nasa sahig na ngayon at wasak...tumutunog pa ito pero di kalaunan ay narinig ko ang mahinang pagputok nito dahilan para tumigil na nang tuluyan.

Sandali kong sinulyapan ang mga speakers na itinuturo niya bago tuluyang bumaling sakanya,"Istorbo kasi" I simply said and smirked.

Pinasadahan ko nang tingin ang nasa loob nang cafeteria. Halos lahat nang mga mata nila ay nakadirekta sakin. May ibang nakakunot noo at ang iba naman ay hindi maitago ang mga ngiti sa labi, hindi ko alam kung bakit ganyan ang reaksyon nila. I don't want to know the reason though.

Nagtama ang mga mata namin ni Kiela nang magawi ang paningin ko sa direksyon nila, nasa mesang hindi kalayuan samin ay nakaupo siya kasama si Mikee na nakangisi. Bago pa man ako bumitaw sa tinginan namin ay nauna na siya. I sighed before I turn my attention to my cousins. Hindi maitago ang nakakalolokong ngiti ni Leo habang naka-ekis naman ang braso ni Aries habang nakataas ang kilay.

Rancor Academy: Rise of the Rule BreakersWhere stories live. Discover now