Chapter 9

10.1K 393 22
                                    

"Alliyah!" malakas na sigaw ni Shiva para kunin ang atensiyon ko.

Hindi ko siya nilingon dahil hindi ko alam kung sino sino ang kasama niya o kung mag isa lang ba siya na papunta sa kinaroroonan ko.

Mangilan ngilan na ang nakatingin sa pwesto ko. Maybe they know my name and that I'm the one being called. Hindi ko nga maintindihan kung bakit noong si Julia ang kasama ko ay hindi naman ako masyado pinatutuunan ng mga ito ng atensyon pero ngayon na kasabayan na namin ang grupo nila Primo pakiramdam ko ay kalahati ng school kilala ang pangalan ko.

"Ayah! Huy!" sigaw niya at mas lalo pang nilakasan ang boses.

Mula sa pagkakahiga ng ulo ko sa mesa ng canteen ay ini-angat ko ang paningin ko sa kanya.

Napangiti siya ng nakakaloko nang makita ang mukha ko. "Natulog ka ba? Mukhang hindi eh."

Ibinagsak ko ulit ang ulo ko mula sa pagkakahiga sa mesa.

Fuck my life.

"Huwag mo akong tutuksuhin. Ililibing kita ng buhay kapag inumpisahan mo ako," frustrated na banta ko.

"Come on, Alliyah. Don't tell me tatambay ka dito buong araw para lang iwasan si Primo?" umupo na siya sa bakanteng upuan sa harap ko.

I groaned when I'm reminded of his name.

"Hindi ko naisip 'yan but come to think of it, I might as well just do that."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Books before boys, Ayah! Ang kahihiyan mo kay Primo ngayon lang 'yan, yung pag aaral mo forever na yan! Kaya 'wag kang umarte dyan!" She fake reprimand me.

Gusot ang mukha at frustrated ko siyang tiningnan. "Hindi ko siya kayang harapin, Shiv." 

Gusto kong iumpog ang ulo ko sa mesa.

"Stupid mouth, stupid brain, stupid self... I'm just so-"

"Stupid?" Jaguar finished.

Nanunukso ang tingin niya sa akin. Gusto ko tuloy maghukay sa lupa at ibaon ang sarili ko sa kahihiyan.

I haven't notice he was with Shiva. Marahil ay nakasunod ito pero may nakitang kung sino sino kaya natagalan sa pagpunta sa dako ko.

"Kaya pala ayaw mo sa akin, ha?" ani Jaguar.

"Shut up, Jag." sabi ko sabay irap.

"Come on, Ayah." He grinned. "But to make you feel a lot better, nagtext siya na hindi siya papasok sa Calculus," dagdag niya.

I glared at him, "Don't lie to me, Jaguar."

Tinaas niya ang kanang kamay niya na tila nanunumpa. "I swear."

Nang mukhang hindi pa rin ako makontento ay kinuha niya ang cellphone niya para ipakita ang text ni Primo.

Bro Primo:
Di ako papasok sa Calc. Sign my attendance.

Nakahinga ako ng maluwag.

Ibabalik ko na sana ang cellphone niya nang mapansin ko ang sinave niyang pangalan kay Primo. My inner curiosity kicked in.

I scanned his contacts to see how he saved ours.

Babe 1, Babe 2, Babe 3 and so on.

Ang daming babae. Iisa pa endearment.

Hindi ko makita ang pangalan namin ni Shiva. When I finally found it ay napangiwi ako sa nakita.

The Warrior 1: PrimoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora