Chapter 6

9.4K 410 15
                                    

Audrey really didn't realize the trigger she pulled in me. Hindi ako pushover na tao kaya nananahimik ako. I wanted peace and treating my best friend since childhood like shit is not the peace I was asking.

Malapit na ako sa gate nang mahabol ako ni Shiva.

"Ayah!" Sigaw niya.

"Shiv, pupuntahan ko muna si Julia. I really don't know what's happening. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kanya..." I trailed off.

"Calm down, Ayah. Sasama ako. Mukha ka ding pasyente sa lagay mo ngayon," aniya.

"You don't understand, Shiv! We grew up together... She's more than just a best friend to me... Halos kapatid ko na siya," naiiyak na sabi ko habang nag aantay ng taxi.

"Trust me, I understand. Kaya nga sasamahan kita 'diba?" aniya at mahinahong tinapik ang braso ko.

Tumango ako at pinahid ang luha gamit ang likod ng palad. Mabilis kaming pumasok sa taxi at sinabi ang ospital kung saan doctor ang ina ni Julia. She's probably hiding and where else can she hide peacefully kung hindi doon.

"Ano'ng sabi nila Jag?" tanong ko.

Marahil ay nagtataka na ang mga yun dahil sa biglaan naming pag alis. Hindi pa naman ang tipo nila ang napagsisinungalingan dahil kahit maloko ay matatalino

"Sabi ko may emergency lang sa inyo at hindi naman sobrang lala. Baka kasi sumama pa sila. I also figured you wouldn't want them to know," sabi niya.

"Thank you," sabi ko. I keep biting my lips dahil sa pag iisip kung totoo ba.

Pregnant? Jesus. Ospital... Took care of it... Nag e-echo ang mga sinabi ni Audrey.

"She's gonna be alright," pang aalo ni Shiva.

Nakakakonsensya. I was supposed to be her bestfriend pero hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya. Sana mas ginawan ko pa ng paraan. Sana hindi agad ako sumukong makausap siya kahit iniiwasan niya.

Nang makarating ay agad din kaming nagbayad at dumiretso sa information desk.

"How may I help you, Ma'am?" sabi ng staff.

"I'm here for Julia Lamirez." Mabilis na sagot ko sa kanya.

Sandali siyang nagtype sa computer at alanganing tumingin sa akin.

"Hindi po nag a-allow ng bisita ang pasyente," sabi niya.

"Bestfriend ko siya. Importante ang sadya ko..." mariing sabi ko.

"Wala pong pwedeng pumasok maliban sa pamilya," aniya at umiling.

Wala akong choice kundi lumayo ng kaonti at kuhanin ang phone ko. I have never used my name para lang makuha ang gusto ko pero magkaiba ngayon. Julia would've hide it from everyone but now from me. Kaya sigurado akong mas malalim ang dahilan kung bakit tinatago nila 'to.

"Dad, I'm in Tita Hazel's hospital." Sabi ko nang sumagot ang nasakabilang linya.

"Are you with Julia?"

"No but I'm here for her. She's in the hospital at ayaw akong papasukin. Can you pull some strings?," pakikiusap ko sa kanya.

Sandaling natigilan ang kabilang linya. It's the first time her daughter asked for something that requires power. She doesn't like to use her family name dahil hindi naman siya ang naghirap para sa pamilya nila. It must've been very important for her that she let her pride aside para humingi ng tulong.

The Warrior 1: PrimoWhere stories live. Discover now