Chapter 8

10.6K 390 27
                                    

Mula sa townhouse nila Jaguar ay nagtaxi kami ni Shiva pauwi sa bahay namin. I wished it was as easy as I've said na nagtaxi kami sa pagpapaalam kina Jaguar, Seige and Ranger. They were very against the idea. I just don't want them to see where I live and I don't want to risk seeing them in my front yard. Knowing my parents, they'd probably start naming their grandchildren kapag may ipinakilala ako sa kanila. In the end, we all settled na ibibigay ng driver ang details niya kina Seige and we should update them from to time bago sila pumayag.

I think I've gained bodyguards instantly in the form of those guys.

"Hey, Shiv. Ikaw na magchat kay Seige and the rest na nakauwi na tayo ha," sabi ko habang pababa. Mahighpit na bilin ng tatlo na magsabi agad pagdating namin dito sa bahay.

"Sure," she said nonchalantly "Wow, you're fucking ric-" sinamaan ko siya ng tingin.

Kailan pa 'to natutong magsalita ng ganito? "Oops! Sorry!" she grinned then took out her phone to type innocently while following me.

Siguro kay Jaguar niya natutunan magsalita ng ganyan o kaya ay sa'kin. Baka naman ako talaga ang bad influence? Sabagay, simula noong unang araw ng pasukan at sunod sunod na mga nangyayari, napansin kong sobrang laki ng pinagbago ng pinagbago ng galaw at ugali ko. Pati pakikipagsalamuha ko sa mga tao sa paligid. To think I've wanted to be low-key to survive college life peacefully.

"Sina Mom at Dad, Nana Nimfa?" tanong ko sa mayordoma namin na nagbukas ng pinto para sa amin ni Shiva.

"May pinuntahan silang charity ball, hija." Tinignan niya ang kabuuan ni Shiva bago ngumiti. "Sino itong dalagang kasama mo?"

Ngumiti ako. She must've liked her. We really both have a good judge of character at malaking bagay sa'kin ang approval ni Nana sa mga kaibigan ko. Siya na halos ang nagpalaki sa akin kaya hindi lang mayordoma ang tingin ko sa kanya.

"Shiva po, blockmate po ako ni Ayah," ani Shiva at nagmano kay Nana. "Makiki-sleep over po ako para gumawa ng schoolworks," patuloy ni Shiva.

"Aba'y napakagandang dalaga mo Ineng. Siya..siya... umakyat na kayo para makapaligo at makapagbihis. Padadalhan ko na kayo ng pagkain maya maya."

"Sige po, pakisabi po kay Mommy at Daddy na may bisita ako kapag dumating sila." Tiningnan ko si Shiva na pasimpleng nagmamasid, "Tara na?"

"Tara," anito. "Akyat na po kami, Nana. Salamat po," paalam niya.

Pagdating sa kwarto ay pinili na muna namin na maligo at magbihis bago nagsimula. Pinahiram ko na din si Shiva ng damit sa kabila ng pagtanggi nito dahil may dala naman daw siya. Pagkatapos namin kumain ng hapunan ay umakyat din kami agad para mag umpisa na sa schoolworks. Acquaintance Ball kasi bukas kaya madami-dami ang iniwang trabaho ng mga prof sa amin.

Mamamatay ata ang mga ito kapag hindi nagtambak ng trabaho sa tuwing holiday o walang pasok. As if half of their lives will be gone kapag hindi nila nagawa yun o kaya naman ay mababawasan ang sahod nila.

Mula sa sinasagutang workbook ay nag angat si Shiva ng tingin sa akin. "Bakit nga pala kayo natagalan?" aniya at nakataas ang kilay.

"Were you not listening when Primo said na matagal niyang naiwala ang mga pulis?" sagot ko habang patuloy pa ring nagtitipa sa keyboard ng sagot ko para sa reaction paper sa History.

Hindi siya umimik at ramdam ko ang titig niya kaya napilitan akong mag angat ng tingin. I immediately regretted it dahil tumambad sa akin ang mapag-akusa niyang mukha.

"Alliyah Karizza Aragon, hindi mo ba alam na mula sa racetrack ay sampung minuto lang ang layo ng bahay ni Jaguar?"

"So?" balewalang sagot ko bagama't bahagya akong nagulat.

The Warrior 1: PrimoWhere stories live. Discover now