Chapter 7

10.2K 392 17
                                    

Sa lakas ng pagkakasuntok ni Primo kay Lance ay napasubsob ito sa sahig. Audrey seemed to have gathered all her senses dahil nasa tabi na ito ni Lance at tinutulungang tumayo ang kapatid. Iwinaksi ni Lance ang kamay ng kapatid at lumapit sa grupo niya na nasa harap din namin ngayon.

Primo shoved me behind his back protectively.

Sa gulat ko'y nasa harap na din sina Jaguar, Ranger and Seige pati ang ibang myembro ng race team nila. In a swift second, they have formed a safe barrier between me and Lance's race gang.

I felt a sudden warmth in my heart. I am not relieved about the situation pero nagpapasalamat akong nandito sila.

"You okay, Ayah?" tanong ni Ranger nang lingunin ako.

I have noticed that they have been casually using my nickname to address me from time to time. We really have gotten close to each other so fast.

I nodded as a response bagama't pakiramdam ko'y namamaga yata ang pisngi ko sa sobrang lakas ng pagkakasampal ni Lance sa akin. Our attention went back to the people in front nang magsalita ulit si Lance.

"Montenegro, 'wag kang makikialam sa gulo na 'to. Hindi ka kasali dito," mariing sabi ni Lance sa kanya.

"We got bored. Jaguar always wanted to try playing the knight and shining armour," sagot ni Primo at sinundan ng kibit balikat.

"And this bitch here is your damsel in distress who needed saving?" Patuyang sabi ni Lance.

I saw my friend's faces turned grim by the word used by Lance.

"The only bitch we see around here is Audrey and her group, may iba pa ba?" Jaguar replied defensively.

Marahang natawa ang mga nakikinood sa komosyon. Sa tingin ko'y walang karerang magaganap ngayong gabi kundi riot.

I hope not.

Kung nakamamatay lang tingin ni Audrey at ng grupo niya sa akin ay kanina pa ako tumumba sa lupa.

Ako ba nagsabi? Bakit sakin sila galit? Stupid.

Lance pursed his lips. He's clearly losing his cool and this may not end well for everyone.

"Pagsisisihan mo'ng sumabit ka sa gulong 'to, Montenegro." He warned.

Primo cocked his head sidewards. His dark hooded eyes landed on Lance at naghahamon. He smirked, naglakad ng dalawang hakbang pasulong habang nakapamulsa.

I almost swooned.

"She's with us. Mukhang ikaw ang dapat magsisi." He told Lance and shifted his gaze towards me.

Sandali kaming nagkatinginan at kinuha 'yong pagkakataon ni Lance para suntukin siya. Hindi ko alam paano niya nalamang may paparating na suntok sa kanya dahil mabilis niyang nahawakan ang braso nito. He gave a jab towards Lance's face.

When I looked around ay mukhang riot nga ang nangyayari. Napapikit ako. This wouldn't have happened kung 'di ko pinairal ang galit ko.

Hindi ko makita ang sitwasyon dahil natatabunan ako ng mga katawan nila. They're all towering. Sa taas nila, impossibleng makita ko kung anong nangyayari. Shiva strategically pulled me on the side, kita namin ang nangyayari at medyo may distansiya din kami sa gulo.

Mas kaonti ang grupo nila Primo pero hindi ko nakikitang nahihirapan sila. They know how to take a hit. Alam nila kung saan lang sila dapat tamaan ng suntok at sipa. Alam din nila kung saan dapat patamaan ang kaharap.

The Warrior 1: PrimoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon