Chapter 3

11.5K 380 20
                                    

"Shiv, may klase ba sa lab mamaya?" Agad na tanong ko kay Shiva nang makaupo kami.

Simula nang sabay kaming mapahiya noong nakaraang araw ay naging close na kami. Pareho kaming Bio major kaya halos magkapareho ang subjects namin. Plus, we share the same hatred about Primo's squad aka The Assholes Co. Yeah, we actually did a great job of naming them.

"Hindi pa nagkaklase sa lecture so possibly walang laboratory," sagot ni Shiva.

Honestly may point siya. Paano naman magkakaroon ng laboratory kung hindi pa kami tinuturuan ng lec. Stupid.

"May gagawin ka ba after calc?" aniya pagkalipas ng ilang minuto.

Umiling ako. Busy sa pagnguya ng chips. Tumambay kami sa canteen dahil free time namin. Malayo sa karamihang halos magdutdutan para mag paunahan sa mesang malapit sa The Assholes Co. Yup, may sarili silang mesa. They would never sit anywhere than their table kahit magunaw pa ang mundo o ang presidente ng Pilipinas ang nag request. Ang corny nga kasi kahit college na ay may ganito pa rin. The students doesn't really mind though, lalo na ang mga girls because that's what they do, they slut around them.

"Gala tayo after calc?" she offered.

"Bakit may calculus ba ngayon?" tanong ko.

"MTThF schedule natin sa calc."

I groaned internally. Bakit may calc ako? Kaya nga nag biology ako para walang math pero mukhang ayaw niyang mapahiwalay sa akin.

Sino ba kasi ang nag imbento ng mga Math na 'yan, mga 'di yata masaya sa buhay nila at nandadamay pa.

"Ayaw mo umuwi at matulog? We need to enjoy this habang hindi pa tayo tinatambakan ng assignments," pangungumbinsi ko.

She frowned and faced me. Tinigil ang pag rerewrite ng notes niya kanina sa Literature na mukhang binagyo dahil sa bilis magsalita ng prof. Salitan kami sa pagrewrite, tapos ipho-photocopy ng isa para may notes siya. Technique para 'di kami mahirapan sa buhay.

"Mababaliw ako sa sobrang katahimikan sa bahay," sabi niya.

"So play some music," I said, tinaasan siya ng kilay.

Bumuntong hininga siya at tumigil ulit sa pagsusulat. She closed her notes at binalik sa bag.

"May problema ka," I stated. "Tell me," susog ko.

Dumaan ang pagkalito sa mukha niya. She's weighing if she should tell me or 'wag na muna dahil hindi pa siya handa.

I gave her an encouraging look.

"I transferred school because I met someone," panimula niya.

Ohhhh.

Exciting! Napatuwid ako ng upo at naging mas interesado sa sasabihin niya. You know I'm a sucker for love stories.

"Here? Kaya ka lumipat dito para sundan siya? Bad-ass," komento ko.

She frowned again, "Hindi, I transferred so I won't be able to see him again. Doon siya nag aaral sa dati kong school," aniya.

"What?! Bakit?" nalilitong tanong ko sa kanya. Lovelife na 'yon, hello???

"He's annoying, cocky but cool," sabi niya at bumuntong hininga.

"Kapag nag transfer siya dito pwede siyang sumama sa grupo ng The Assholes Co." I laughed a little.

"Hindi siya magtatransfer. Hindi pwede. Their family has this tradition na doon dapat mag aral ang lahat na kadugo nila," sabi niya sabay kibit balikat.

"So you basted him?"

"Siguro. Hindi naman kasi siya nanligaw. He was just flat out honest that he wanted some sex with me, nothing more and nothing less."

The Warrior 1: PrimoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon