Chapter 2

13.6K 445 23
                                    

Summer was way way boring. Wala akong ibang ginawa kung hindi magbasa ng romantic novels, catch up with my movie series, kumain at matulog.

Siguro ang pinaka highlight lang ng bakasyon ko ay ang pagbisita ng pinsan ko na si Ginger and maybe watching that freak show Julia invited me to. Highlight because hey, hindi mo naman araw araw makikita nang malapitan si Primo at may bunos pa na drama. Other than that, wala na! Boring! Sobrang boring.

"Ayah honey, are you sure you don't want me to drive you to school?" sabi ni Mommy na nakaupo sa sala nanunuod ng morning news.

"Huwag na, 'my. Magta-taxi nalang ako malapit lang naman. Si daddy po?"

"Hindi umuwi kagabi dahil overtime sila ng team para sa meeting bukas. Uuwi 'yon mamayang gabi para sabay tayo mag dinner."

Tumango ako at dumiretso sa kusina. Kakain sana ako nang mahagip ng tingin ko ang grandfather's clock na binili pa ata ni Dad sa isang auction.

7 am na! Shit!

"Mom, alis na 'ko!" pasigaw na sabi ko at kumuha ng isang sandwich sa mesa dahil late na ako. Alam ko naman na may pasok ako kaya nga nakabihis at nakapaligo na ako. Hindi lang pumasok sa isip ko na wala na akong oras para kumain.

"Ayah, what about breakfast?" tanong nito sa malakas na boses nang makitang dire-diretso akong tumakbo palabas ng bahay.

"Sorry, 'my! Later na lang after class!" sigaw ko pabalik.

Great! Just great! Tiningnan ko ang schedule ko.

I still don't believe I deserve this 7:30 am classes. Dapat inabolish na talaga ang ganito ka early na mga klase, eh. Mapapagod na nga kami sa klase tapos maaga pa kami gigising? Injustice. Hindi talaga nakakatuwa 'to.

Pagtingin ko sa kung saang classroom ay mas lalong napangiwi ako. Lecture hall C. Hindi ako nagkaroon ng subject dati na may large class kaya hindi ko na inalam kung saan ang mga lecture halls. Mukhang magsasayang na naman ako ng oras sa paghahanap ng classroom ko.

I tried calling Julia para sana magtanong pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Baka tulog pa. Right, she doesn't have the same schedule with me kaya malamang nakahiga pa 'yun sa kama.

*****

Halos tinakbo ko ang Engineering Building dahil kalimitan doon inilalagay ang mga large class. Which is kinda ironic dahil during first years lang naman sila marami at paunti na ng paunti sa succeeding years. Balita ko ay sobrang hirap daw kaya ang iba nagshi-shift or lumilipat ng school.

To make my life more miserable, sira ang elevator. Bakit parang nananadya? May kasalanan ba 'ko na super laki na hindi ko pa nahihingan ng tawad Lord? Mabait naman po ako nitong mga nakaraan ah.

Nagsimula akong tumakbo patungo sa hagdan. I glanced at my wristwatch. Five more minutes at late na ako. I just hope the teacher gives fifteen minutes extension para sa attendance kung hindi, lagot na talaga ako.

Nang makita ko ang Lecture hall A ay huminto ako.

So the next halls are B and C, right?

Right.

I groaned audibly.

Sinong bobo ang nag pangalan ng mga lecture halls dito?  Paano nangyari na ang kasunod ng lecture hall A ay lecture hall E?

The Warrior 1: PrimoWhere stories live. Discover now