"I hope they won't get hurt too much, Ayah." Shiva worriedly said.

I flinched when I saw Jaguar take a hit on his jaw.

"Fuck, not in my face." Jaguar complained. "Baka mawala pagkapogi ko."

Shiva groaned in annoyance. "May oras pa talagang maging mahangin ang isang 'to."

My mood seemed to lighten because of Jag's remark pati na din si Shiva. They all seemed to take it lightly. Mukhang totoong nababagot nga sila kaya nakisali sila sa gulo dahil sa nakikita ko'y mas nag eenjoy sila sa pakikipag suntukan ngayon kaysa normal nilang mukha. Their look looked really amused.

Lance is pinned on the ground at pinipigilan ni Primo na makatayo.

Natigilan ang lahat nang marinig ang malakas na sirena ng mga pulis. Malayo pa lang ay makikita na ang pula at asul na ilaw na umaagaw sa madilim na bahagi ng daan. The police were casually announcing their arrival.

"Shit," I heard Seige muttered then let go his grip of Lance's accomplice.

Nagmamadaling nagsisakayan sa sasakyan ang grupo ni Lance kasabay ng iba pang nanunuod. Most of them are probably thankful that the police are here dahil wala naman talaga silang laban sa grupo nila Primo.

Si Siege ay hinila si Shiva sa sasakyan nito nang hindi ko namamalayan. While Jaguar and Ranger hopped on a midnight blue convertible.

Nakatayo pa rin ako sa gilid nina Primo at Lance. I don't know why I can't seem to leave Primo. Probably because he looked like he wanted to kill Lance right there and then.

"Bro, hindi tayo pwedeng mahuli." Saway ni Ranger.

"Bro," Seige warned.

"Kung gusto mong mahuli kayong dalawa ni Lance, that's fine. We're going to bring Ayah with us," ani Jaguar sa seryosong tono.

Sukat sa sinabi ni Jag ay tumayo si Primo mula sa pagkakadagan kay Lance at hinigit ako sa pagkakatulos sa kinatatayuan.

"Hindi pa tayo tapos, Montenegro," sigaw ni Lance. Few people from his own group is waiting for him, I thought they already left.

"Anytime, Lance. 'Di pa nga ako kuntento dyan sa mga sugat mo," Primo said calmly at nilingon ako.

Bago ko pa mahulaan ang gagawin niya'y inalsa niya ako at pinaupo sa passenger seat ng Aventador niya na para bang sing gaan ako ng dayami.

"Seatbelt," aniya, kinabit ko agad ang mga ito pagkasabi niya. I don't thinnk he likes to repeat himself.

"Let's split. Kita tayo sa bahay ni Jaguar pagkatapos ng chase," ani Ranger, nakangisi at mukhang excited sa mangyayari.

May inabot si Primo dashboard at initsa sa akin. It's a face mask. Nakita kong pinasuot din ni Seige si Shiva. Nagsuot din ang mga lalaki ng itim na mask at glasses. May nakikita pa ba 'tong mga 'to? Gabing gabi ay nagsusuot ng tinted na salamin. Gayunpaman ay tahimik akong tumalima.

"Alright," Seige revved his engine, "...showtime boys." Sumenyas siya sa mga kasama.

Akala ko'y aalis na kami pero hindi, they started revving their engine at ang nakalinyang walong sasakyan kasama ang buong race team nila ay nagpaikot-ikot. Dahil dito'y napuno ng alikabok ang paligid.

The Warrior 1: PrimoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon