"You don't like him? Like crush or like he's your type," sabi ko.

"Wala. Hindi ko siya gusto. Plus, I don't need a distraction at matino pa ang utak kong 'wag pumatol sa mga pang isang gabing kasiyahan 'no," defensive na sabi niya.

"Alam mo Shiv, I don't like shopping. So I'm not buying any of your bullshit. C'mon tell me you like the guy, let's be honest here." Tuya ko sa kanya.

"Fine, I like him. But he's not serious about anything and too honest for my taste. I will be a doctor, I might face too many complications sa ER later kaya ngayong nag aaral pa, ayoko munang humarap ng isa," sabi niya.

"I second the motion. Kaya ang mabuti pa'y pumunta na tayo sa lecture hall dahil baka magkaroon tayo ng isa pang komplikasyon kapag nalate na naman tayo," nagbibirong sabi ko.

"What if she's our prof 'no? Myghad. Nakakatakot pa naman siya. I just hope she doesn't remember us," ani Shiva.

Ang tinutukoy niya ay ang prof ng maling subject na pinasukan namin. Mabilis akong ngumiwi. Kinuha ko ulit ang COR at nakahinga ng maluwang nang makitang lalaki ang prof.

"Hindi, lalaki prof natin ngayon. Mamaya magpapamisa ako ng pasasasalamat kay Lord. Dininig niya ang panalangin kong walang terror na prof this sem," sabi ko.

"Kaso hindi niya pa siguro narinig yung dasal mong 'wag na kayong magkita ng may sayad na manliligaw mo," ani Shiva na nakatingin sa papasok na grupo ng mga pader at tila poste sa taas na mga lalaki.

Bago paman kami makapag isip kung saan pwedeng magtago ay namataan na kami ni Ranger. Siniko nito si Jaguar na agad tiningnan ang direksyon namin at awtomatikong ngumiti.

"Here's your first complication, Ayah," tukso ni Shiva habang naglalakat si Jag sa gawi namin.

Sinamaan ko siya ng tingin. Napansin kong si Jaguar lang ang lumapit at ang tatlong assholes ay dumiretso sa kanilang mesa. Girls are shameless gawking at them, yuck.

Pero 'di ko sila masisi, they have eyes who know how to appreciate beauty. I have eyes too. Pero kahit ano ka pa ka gwapo pero masama ang ugali mo then you're not the man for me.

IF they want to be the man for me.

Kaso hindi.

Jaguar treats this like a joke too! Sigaw ng utak ko.

"Does it hurt?" aniya na may concerned na tono.

"What?" I stared at him quizzically. Ganoon din si Shiva na nasa tabi ko.

"You, falling from heaven?" aniya sabay kumindat.

Dear Lord.
Please give me more patience para intindihin ang pagiging baliw nitong lalaking 'to.

Siniko ko si Shiva na mahinang natawa sa gilid ko. Tumahimik naman siya. Akala ko kami yung magkakampi dito.

"Jaguar," sabi ko sabay hawak sa magkabilang braso niya. I acted like I was looking for something around his body.

"Anong ginagawa mo?" siya naman ang nagtataka ngayon.

"May hinahanap ako," sabi ko patuloy parin sa ginagawa.

"What is it?" aniya, looking quite expectant.

Huminto ako at matamis na nginitian siya. Ginantihan niya din ako ng you-can't-resist-me-I'm-Jaguar-smile.

"Yung PAKE ko sa'yo."

Agad na napasimangot si Jaguar. Shiva cannot contain her laughter anymore at malakas na talaga siyang tumawa. Jaguar frowned at her and me, pagkuway malapad na ngumiti.

The Warrior 1: PrimoDove le storie prendono vita. Scoprilo ora