"Not just hot guys, Ayah. The hottest guys you have ever seen. The one you'd have to beg to the gods of Mt. Olympus so you can have them." Pasigaw na sabi nito sa mukha ko para maintindihan ko nang mabuti ang sinasabi niya.

Well, she's right.

Sigurado akong maraming mayayaman at gwapong manunuod doon and it's not just the audience that are full of good looking guys but the racer themselves.

But that's not the point.

I'm still traumatised from the accident I got included when I was fifteen. Binangga ng SUV ang kotse namin ni Mommy dahilan para ma comatose ito ng ilang buwan. Thankfully, she's fine now and has fully recovered. Hindi naman ako nasaktan noon but I've witnessed it kaya medyo apektado pa rin ako.

"I'm sure mom will not like the idea. Hindi ako papayagan," another one from my most-abused-excuse list.

"Nagpaalam na ako kay tita and she said it's fine with her. Basta umuwi lang daw before curfew," she immediately said like she has an answer for my every reason.

"May mga reading assignments pa akong tatapusin."

Please take this excuse.

Last chance ko na 'to dahil wala na talaga akong maisip na ibang palusot.

"You're kidding me. Hindi ka nag enrol sa summer class at wala rin kayong nakatambak na trabaho. Blockmate mo yung pinsan ko, Ayah. You cannot fool me," matalim ang mata niya akong tiningnan.

"Oh god! Fine! Pero sandali lang tayo, okay?" I said, defeated.

Sa sagot ko ay napahiga ito sa kama at tumili.

Hindi ko mapigilan ang mapailing. We're like the exact opposite of each other. I'm the serious type while she's a little childish. I'm tall and she's petite. I'm fair, Julia's on the morena skin tone. She's very outgoing at ako nama'y medyo reserved.

We both agree in one thing though — our type of guys.

Tall, brooding eyes and a very defined jawline.

"No way, I am not wearing that!" protesta ko.

"C'mon, Ayah! May dress code nga! Bahala ka d'yan! Mag aantay ka sa labas at baka pagdiskitahan ka pa ng mga lalaking tambay doon!"

Hinablot ko ang dark colored checkered long-sleeve polo na binigay niya. She planned it very well. She's obviously going to sell me there 'pag nagkaroon s'ya ng tyansa.

I can't believe she's my friend.

Pumasok na lang ako sa banyo at nagbihis.

We're wearing matching outfits at ang kaibahan lang ay naka tattered jeans ako at naka shorts siya.

We both wore boots.

Chic boots.

"Happy now?" sarkastikong tanong ko sa kanya.

Isang malapad na ngiti at mahigpit na yakap ang iginanti niya. Ni hindi man lang pinansin ang pagkainis ko.

"Kailangan mong unwind, Ayah. Live life! Masyado kang anti-social," aniya.

"What do you want me to do? Gayahin yung mga nagpaplastikan sa school? Nah. I'd rather have my circle small but real," nakabusangot na sabi ko.

Sabi ko nga magkabaliktad ang mundo namin, she's every girl's girl friend. Kilala niya lahat and vice versa. She's one of the populars while I'm just a nobody at ipinagpapasalamat ko 'yon.

It's one of my goals in life, don't drag attention.

I'll survive college if I stay out of sight.

"Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ayaw mong ipaalam na isa kang Aragon. That you belong to the Aragon. It's your birthright! People would be a lot more nicer to you."

The Warrior 1: PrimoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon