Seventh Chase

7.5K 106 6
                                    

Seventh Chase 

Third year high school. December. 

  

"Cha! Pakilagay nga 'to sa freezer! Dalian mo, papunta na sina Ellen!" 

Tumigil ako sa kakatitig sa cellphone ko at tumayo sa sofa. Kinuha ko yung buko salad na gawa ni Mama na pinapalagay niya sa ref.

Christmas eve na ngayon. Papunta sa bahay namin yung buong pamilya ni Zeke. Anim na oras na lang at magpapasko na kaya sobrang busy si Mama sa paghanda nung parte namin sa handa. Nagdesisyon kasi sila nung mama ni Zeke, si Tita Ellen, na sabay sabay na lang kaming lahat na magcelebrate ng Noche Buena.

"Ma, nasabi na ba ni Tita Ellen kung uuwi daw si Zeke ngayong pasko?"

Tumingala sa'kin si Mama mula sa paghahalo niya nung spaghetti na niluluto niya. "Hindi daw niya alam. Wala bang sinabi sa'yo? E di ba, malapit naman kayo ni Zeke sa isa't isa?"

Pakiramdam ko namula ako sa sinabi ni Mama. Parang ang guilty ko dahil hinalikan ako ni Zeke bago siya umalis. Ang awkward naman yung pag-usapan kasama ng nanay mo, di ba?

"Wala rin po yung sinasabi sa'kin, Ma" Tumango siya at bumalik sa pagluluto. Habang ako naman, bumalik sa sala nung marinig ko yung pagdating ng pamilya ni Zeke.

"Hi, Tita Ellen, Tito Ricky!" Nagmano ako sa kanila. May dalang bilao si Tito Ricky habang may mga bitbit namang tupperware na may kung anu-anong laman sa loob si Tita Ellen. "Nasa kusina po si Mama."

"Salamat, Cha."

"Ate Chaaa!" Tili nung dalawang kapatid ni Zeke.

"Hello Len at Ria." Ginulo ko yung buhok nila habang tumitili pa rin silang lumapit sa kapatid kong si Kael na naglalaro ng playstation.

Tumingin ako sa labas ng bahay namin at tumitig na naman sa cellphone ko. "Nakakainis ka talaga, Zeke. Ilang buwan ka na naming hindi nakikita tapos wala ka pa bang planong umuwi ngayong pasko?"

"Syempre meron." Mabilis akong napatingala nung marinig ko yung boses ni Zeke. Kabababa lang niya nun ng tricycle. Nakasuot siya ng blue na hoodie na may nakasulat na malaking 'Xavier University' sa gitna. At bukod sa isang malaking backpack, wala na siyang ibang dala.

"Zeke!" Tumakbo ako mula sa pinto ng bahay namin papunta sa kanya. Agad ko siyang niyakap nung malapit na ko sa kanya. "Namiss kita! Nakakainis ka! Akala ko hindi ka na uuwi."

Tumawa siya. Inikot niya ko saglit habang magkayakap kami bago binulong sa'kin. "Missed you too, Charm. Syempre, uuwi ako ngayon. I want to spend Christmas with you."

Humiwalay ako sa kanya at tinitigan yung hoodie na suot niya. "College na college ka na talaga. Marami sigurong college girls na umaaligid sa'yo dun sa Maynila no?" Sumimangot ako. Syempre maraming aaligid kay Zeke ko dun! 

Ngumiti siya. "Ikaw talaga."

"KUYAAAAA!" Agad siyang sinalubong nung mga kapatid niya. 

Chasing Mr. Right [Complete]On viuen les histories. Descobreix ara